Chapter 31!

1.2K 23 12
                                    


______________________________________

Arisse' POV

Katapos nang hiwalayan namin ni Pat ay dumiretso ako sa Bar.

Charlotte's Bar...


DAMN.

Nagmumukha na nga ata akong baliw dito dahil sa pag-iyak ko eh.

Iiyak nalang ba ako ng iiyak? Kapagod.

Nakaka-ilang shots na ako pero di ko pa rin makalimutan yung nangyari kani-kanina lang.

Makakalimutan ko nga ba?

Sabi kase ng iba kapag nagbreak kayo ng jowa mo, magpakalasing ka lang at makakalimutan mo siya.. ng isang araw.

Okay na ako sa isang araw.. Atleast nakalimutan ko siya diba?

Putcha.. Ang sakit pala talaga? Tsk.

Now I know what Trina felt when Marco broke-up with her.

MASAKET.

Yung kaibahan nga lang, ako yung nakipag-break.

Kasalukyan akong umiinom ng may tumabi sakin. Nandito kase ako sa may counter.


ANG GWAPOOOO......

Alam niyo yung mga model sa ibang bansa? TAOB NIYA.

"Give me the hardest drink you have." saad niya sa bartender.

Napanganga ako sa order niya.HARDEST TALAGA?  Problemado ata si kuya Pogi!


ANG GWAPO TALAGA EH!

Hindi naman siguro masamang maging maharot diba? SINGLE na rin naman ako eh.

Single??
OUCH.

Bigla siyang lumingon saken kaya agad kong binalik ang tingin ko sa iniinom ko.

Ayokong makita niya yung mukha kong puno ng luha.

I heard him chuckle.




"Gaano ba kasarap ang tumitig aken?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko.

Sa sobrang gulat ko ay di ko siya nasagot.

"Hey! You're free to stare at me. Di naman ako Pay per view, KISS per view lang!Ahaha" biro niya.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya.

"Manyak." I mumbled.


"A-are you crying?" kita ko ang pagkagulat sa tanong niya.

Ah shit.

Agad kong binalik ang tingin ko sa shot-glass ko then tinungga yung laman non.

"H-hey..Nagbreak kayo ng jowa mo?"

"Silence means Yes.haha!" sagot niya sa tanong niya. "Why did you two broke-up?" 

Chismoso naman pala nito..Langhiya!

Tinignan ko siya ng seryoso.
"Kapag ba sinagot ko yang tanong mo, tutulungan mo akong makalimot?" seryoso kong tanong.

Ang kaninang nakangiti niyang labi ay napalitan rin ng pagkaseryoso.

Itinuon niya ang tingin niya sa shot-glass niya at ini-straight ang laman non.

Barkada LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon