Chapter 32!

1.2K 26 11
                                    

___________________

Lia's POV

"Why didn't you tell me?" May bahid ng pagkainis na bungad sa aken ni D ng imulat ko ang mga mata ko.

Kumunot naman ang noo ko.

"What will I tell you?" I asked.

"Stop keeping a secret from me, Julia!" ngayon galit na saad na niya.

"Just go straight to the point." kalmado kong saad.

"Baket ka naka-confine?" he asked. Habang nakatitig sa mga mata ko.

Natahimik naman ako.

Parang may hinala na ako kung saan mapupunta tong usapan namin.


Iniwas ko muna ang tingin ko kanya bago siya sagutin.."Na-d-dengue nga a-ako" nauutal kong sagot.

Napangiti naman siya ng mapait. "STOP.LYING." madiin niyang sagot. "I ALREADY know everything." dagdag niya.

"Im sorry" tanging nasambit ko.

Napasabunot siya sa sarili niyang buhok sa sobrang inis.

Pabalik-balik siya maglakad sa tabi ko na parang ang lalim ng iniisip.

"Tangna!" dinig kong bulong niya.


Napatigil siya sa paglalakad ng hawakan ko siya sa damit niya.. "Deej...." mahinang saad ko.

"Magpapa-chemo ka." madiin at seryosong utos niya."Sa ibang bansa ka magpapa-chemo dahil mas malaki ang chance na mapagaling ka nila kumpara dito. Sasamahan kita." dagdag niya pa.

Nanlumo naman ako doon.

Isa sa mga dahilan ko kung bakit ayaw kong ipaalam kay Deej dahil alam kong pipilitin niya akong magpa-chemo kahit na alam naming wala na talaga.



Binitawan ko ang pagkakahawak sa manggas niya at tumingin sa may bintana.

"Ayoko. Hindi ako magpapa-chemo. Hindi na kakayanin ng chemo-therapy na yan ang cancer ko! Hindi ko na kaya." pigil ang pagluha kong sagot.

"Lia naman! Subukan mo lang naman" inis niyang saad. "Ayaw mo na bang mabuhay?!" nanlulumo pero bakas ang inis sa tanong niya.



Nakasalubong ang kilay kong tinignan siya. "STAGE 4 LUNG CANCER! STAGE 4! DANIEL! SA TINGIN MO MAY MAGAGAWA PA YANG CHEMO NA YAN?! TINANINGAN NA NGA ANG BUHAY KO EH!" di ko maiwasang di sumigaw.


Lungkot at galit ang namuo sa mata niya. "Kaya maghihintayan nalang tayong lahat kung kailan ka mamamatay?" madiin na tanong niya. "Mamatay ka ng di man lang lumaban?Ang hina mo" dagdag niya pa.

Uminit naman ang ulo ko. "Lumalaban ako Daniel!" saad ko.


"Lumalaban?Paano?kailan?!" mapait na tanong niya.



"SA PARAAN NA ALAM KO AT MAKAKAYA KO!" inis na sagot ko."DAHIL KUNG HINDI AKO LUMALABAN, MATAGAL NA AKONG NAGPAPAHINGA! KUNG HINDI AKO LUMALABAN, WALA KA NANG KAUSAP NGAYON DAHIL WALA NA AKO!" dagdag ko pa at bakas na bakas na sa mukha ko ang galit ko! "Hindi porke hindi ako nagpa-chemo ay mahina ako! Ayoko lang paasahin kayo at ang sarili ko na gagaling pa ako dahil ilang hospital na ang palihim na napuntahan ko at ulit-ulit lang ang sinasabi nila!" nangingilid ang luha ko pang saad.

Barkada LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon