Chapter 38!

970 22 33
                                    

____________________________

Daniel's POV



"HAPPY BIRTHDAY LIA!" Juls, Trina and Arie.

"HAPPY BURPDAY!" Diegs!

"HAPPIEST BIRTHDAY, LIA!" Pat!

"HAPPY BORNDAY!" Marco!

Sabay bukas nung banner na dala nila na may nakalagay na 'HAPPY BORNDAY, LIA! BARKADA LABS U SO MATS!'

Lintek! Bakit ba puro kabaduyan ang nasa utak ng mga ito?! JEJE pa.

"SABI NG SABAY-SABAY EH!" sigaw ni Juls sa kanila. "NAKA-ILANG PRACTICE TAYO NIYAN, ANYARE NGAYON?!" inis niyang sabi sa kanila.

"Kase naman, Gutom na kami kaya nakalimutan namin." naka-pout na sagot ni Diegs.

Mabilis namang nagtanguan sila Arie, Trina, Marco and Pat kay Juls.

Napasapo nalang si Juls sa noo niya bago bumaling sa amin nila Lia at Kathryn.

"Sensya na. Mga walang kwenta kasama ko eh." paghingi niya ng pasensya kay Lia.

"KAPAL MO! EH SA GRABE KA MAKAUTOS SA AMIN KANINA! HINDI TULOY KAMI NAKAKAIN!" reklamo ni Trina habang nanlalaki pa ang mga mata.

"LINTEK KUNG MAKA-UTOS YANG GIRLFRIEND MO DIEGS! FEELING REYNA!KUNG AKO SAYO, NAKIPAG-HIWALAY NA AKO DIYAN EH O KAYA DI KO NA LILIGAWAN." reklamo rin ni Arisse.

"Hindi naman kita papatulan kung sakaling manligaw ka. Di tayo talo! Oh baka may lihim kang pagnanasa sa'ken ARISSE?!" pamumusit ni Juls kay Arisse.




Nag-act naman si Arisse na parang nasusuka. "I rather choose Lia than you. Feelingera."

Nagtawanan naman kaming lahat maliban kay Juls.

"Pat...Yung girlfriend mo, pigilan mo! Masasampal ko yan." inis na sabi ni Juls.

Unti-unti namang naging seryoso ang mukha ni Pat and Arie.

Nagtinginan silang dalawa pero agad ring nag-iwasan.


Muntanga.


"Halah! LQ ata." biro ni Trina.






"We broke up." they said in chorus.

Napanganga naman sila habang ako ay nangunot ang noo dahil napansin kong wala man lang reaksyon si Kathryn.


Alam niya bang hiwalay na sila?

Tch..Sabagay! Alam niya naman lahat eh.


"Babe...Anong month ngayon?!" tanong ni Marco kay Trina pero ang tingin niya ay nakina Arie and Pat.

"June. Why?" Trina.

"It's not April. Hindi April Fool's Day." Marco.

Tch! Akala ko kung ano.



"Hindi namin kaya ang LDR. So, we just broke up para hindi na kami mahirapan" Arisse said.

Napa-gasp naman ang mga babae except kay Kathryn.

"About ba yan sa pag-aral ni Pat sa Canada?" Marco asked.

Barkada LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon