Chapter 34!

1.1K 24 13
                                    

________________________________

Marco's POV

"D-dwayne...." bakas ang pagkagulat sa reaksyon ni Trina.

Dwayne?

Titig na titig sila sa isa't-isa at nasasaktan ako sa paraan ng pagtititigan nila.



Masyadong malalim.

Nag-uusap ang mga mata nila at sila lang ang nakakaintindi non.


"Im sorry...I did not know you have a visitor" napapahiyang aniya at napatingin sakin, agad niya rin namang ibinalik ang tingin niya kay Trina. "Ilalagay ko nalang itong ice cream sa Ref niyo tas diretso uwi na ako." ngumiti siya kay Trina at tinanguan ako.


He was about to leave when Trina called her.


"Hmm?"

"Please, wait me outside. We have to talk" paki-usap niya.

Kunot-noo'ng tumango yung Dwayne at lumabas na ng kwarto ni Trina.

Bumaling siya saken at kahit na naiilang ay sinikap kong labanan ang tingin niya. "Wait me here. I'll just talk to him." di pa man ako pumapayag ay naglakad na siya papalabas.


Bago pa man siya tuluyang lumabas ay hinawakan ko ang braso niya.

Nagtataka siyang lumingon saken.

"You dont love him, do you?" wala sa sariling naitanong ko.

Kinakabahan ako.

Halos magdikit ang kilay niya sa sobrang kunot.

"Kung mahal ko siya, siya ang kasama ko at hindi ikaw. Hindi ako nagmamahal ng dalawa. Kung magagawa ko man yun, alam ko pa rin kung sino ang mas matimbang at dapat na piliin, Marco" seryoso niyang saad.

Napapahiya ko namang binitawan ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Tuluyan na siyang umalis nang kwarto at naiwan akong nagtatanong sa isip.

Ibig niya bang sabihin ay mahal niya pa ako?

Pinapatama niya ba ang sakin ang huling pangungusap na sinabi niya?




****

Dwayne's POV

She's still inlove with him?

Tch..Bat pa kase ako umasa na mamahalin niya rin ako?

"Dwayne." tawag sakin ni Trina.

Nasa labas na kami ngayon ng bahay nila.


Nakasandal lang ako sa may kotse ko habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon ko habang siya ay nasa harap ko.

"Yeah?" Pinilit kong ngumiti para di niya makita ang lungkot na nadarama ko.

"May kailangan akong sasabihin."

I know.

"What?" tipid kong tanong.

"I-itigil mo na." nahihirapan niyang saad habang nakayuko.

"Ayaw mo na?" pilit kong pinapa-hinahon ang sarili ko.

Ayokong makita niyang nasasaktan ako.
Ayokong mahirapan siya nang dahil sa'ken.

Barkada LoveteamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon