Chapter Twenty Three

903 33 5
                                    

Killer's POV

Napangisi ako habang pinagmamasdan ko sila sa aking computer screen. Hmm, mukhang nagkakasiyahan sila ah? Hahaha. Nakakatawa. Oh well, sulitin na nila 'yan. Pasalamat nga sila binibigyan ko pa sila ng oras na maghanda. Pag natikman na nila ang pinaplano ko, sigurado akong mawawala rin 'yang mga ngiti na 'yan sa mga labi nila. Magpakasaya na kayo, doctors. Hanggang may oras pa.

Kinapa ko ang pitaka ko, at nang maramdaman ko ang wallet ko sa loob, inilabas ko ito. Agad kong hinanap 'yung picture niya sa loob ng wallet. Napabuntong hininga ako nang makita ko nanaman ang mukha niya.

Napatingin ako sa suot nitong necklace sa picture. Inikot ko 'yung swivel chair ko, at ipinagulong papunta sa drawer, kung saan nakalagay 'yung necklace. Hinanap ko ito, ngunit wala akong nakita.

Shit. Nasan na 'yun?

Kinapa-kapa ko 'yung bulsa ko, pero wala. Binuksan ko 'yung mga cabinets, at sinilip ko na 'yung ilalim ng desk, pero wala akong nakita.

F*ck. Nasan na 'yun? San ko ba inilagay 'yun?

Fran's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas, ngunit wala kaming narinig na kung ano man mula sa killer. Hindi namin alam kung ano na ba ang nangyayari, at kung bakit tila tahimik ito. Nakakatuwa rin naman dahil atleast wala pang nababawas sa amin, ngunit hindi pa rin naman mawawala sa amin ang kabahan sa kung ano man ang pakulo ng killer na 'to, at kung ano ang balak nitong gawin sa amin. Hindi pa tapos ang laban. Sigurado akong may pinaghahandaan ang killer na 'yun, at dapat namin iyong paghandaan.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Nakapabilog sila, at masayang nag-uusap at nagbibiruan. Nakakatuwa silang tingnan. Minsan mo nalang kasi silang makitang nakangiti at masaya. Nakakapanghinayang ang nangyayari sa amin ngayon. Pero alam kong hindi kami susuko. Makakalabas rin kami dito.

"Nakakagaan sa pakiramdam na makita silang masaya no?"

Agad akong napalingon nang may biglang magsalita sa likod. Napangiti ako nang makita ko si Prince na nakasandal sa pader, at nakangiting nakatingin sa kanila.

"Hmm yeah. Once in a blue moon nalang natin makikita 'yang mga ngiting 'yan," ani ko.

Lumapit siya sa'kin, at ningitian ako. Pinatong niya ang palad niya sa ulo ko, at ginulo ang buhok ko, "Magiging okay rin ang lahat, Fran."

Napabuntong hininga ako, "Sana nga, Prince. Sana nga."

"Ano ang other term for pogi?"

Napalingon kami pareho ni Prince nang marinig namin ang tanong ni Cedricke sa kanila. Malawak ang ngiti nito sa labi, at tila bang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya.

"Gwapo?" Sagot ni Cheska, ngunit umiling si Cedricke, at sinabing mali ito.

"Handsome?" Panghuhula naman ni Ingrid na siyang ikina-iling ulit ni Cedricke.

Kumunot ang noo naming lahat, at tila bang walang may nakakaalam ng sagot sa tanong niya.

"Oh, sige. Sirit na kami," saad ni Liyah. Lahat kami, nakatuon na ang atensyon kay Cedricke, para malaman ang tamang sagot. Ilang saglit lang ay ngumisi ito.

"Edi Cedricke," mayabang na pagsagot nito, dahilan para magsi-irapan ang mga babae.

"Gusto mo isunod ka na namin kay Cara?" Seryosong tanong ni Ingrid, dahilan para matawa kaming lahat.

"Oh, kalma, Ingrid. Kaya nga joke e. Kasi di naman totoo," nakangising sabi ni Liyah na siyang ikinasama naman ng tingin ni Cedricke sa kanya.

Napatawa nalang kaming lahat sa pagbibiruan nila. Hayyst. Nakakamiss talaga 'yung ganto.

The Doctor's ArtWhere stories live. Discover now