Special Chapter #1

808 19 3
                                    

Alyssa's POV

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, at ngumiti. Mula sa kulay ng buhok ko, hugis ng ilong ko, papunta sa mapula kong labi, nakikita ko ang mama ko. Tama nga sila, kamukhang kamukha ko nga siya. Pero kahit ganun, nakuha ko pa ren naman ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat: ang mga mata ng papa ko. Kapag tinititigan ko ang mga mata ko sa salamin, nakikita ko si Papa. Parang feeling ko tuloy, siya yung nakatingin sakin.

Inilipat ko ang atensyon ko sa picture frame na nakasabit sa pader ng kwarto ko. Kita ko ang malalapad na ngiti naming apat sa litrato. Nakayakap ako kay mama habang si kuya naman ay naka-akbay kay papa. Napangiti ako sa imaheng iyon.

Pero agad ring nawala ang ngiti sa labi ko, at napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ko ang malubha na sinapit ng aking mga magulang.

Kung hindi lang sana sila nag-away nun, hindi sana magd-drive ng mabilis si papa, hindi sana sila nabangga ng truck, hindi sana sila namatay. Buhay pa sana sila ngayon. Pero siguro wala na kong magagawa, kasi nga nangyari na. Acceptance nalang siguro ang tanging solusyon.

Naalis ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang malakas na pagtawag sakin ni kuya. Lumabas ako ng kwarto ko, at pinuntahan si kuya na siyang kakarating lang galing trabaho.

Simula nang mamatay ang parents namin, naghirap na kami ni kuya. Nawala ang bahay namin at mga ari-arian namin, kaya naman, umuupa nalang kami. Tumigil si kuya sa pag-aaral at nagtrabaho nalang para itaguyod ang pag-aaral ko. Kami nalang ni kuya ang magkasama, wala na ren naman kasi kaming mga kamag-anak na gustong tumulong samin.

Mahal na mahal ko 'tong si kuya. Kinalimutan niya ang sarili niya, para lang sa'kin. Kaya naman, nag-aaral talaga ako ng mabuti para makapagtapos ako, at si kuya naman ang papaaralin ko.

"Gutom ka na ba, kuya? Hindi pa ko nagluluto eh," saad ko. Nginitian niya ko, at umiling, "Okay lang, pated. Antayin ko nalang 'yang luto mo. Magpapahinga muna ako."

"Sige, kuya. Tawagin nalang kita pag luto na."

Agad siyang pumasok sa kwarto niya at nagpahinga na muna. Construction worker si kuya. Nakakapagod na trabaho iyon, kaya siguro lagi siyang pagod kapag umuuwi.

Pumunta akong kusina, at binuksan ang sira-sira naming ref. Napabuntong hininga ako nang makita kong wala itong kalaman-laman kundi isang pitsel ng tubig lamang.

Pumasok ako sa kwarto ko, at inilabas 'yung tinatago kong ipon. Nagbawas ako ng 100 pesos, pambili ko lang ng kalahating kilo ng bigas at isang lata ng sardinas.

Kumatok ako sa pinto ni kuya, para magpaalam muna, bago umalis. "Kuya?"

"Bakit, pated?" Rinig kong sabi nito mula sa loob.

"Bibili lang ako, kuya. Saglit lang," paalam ko. Aalis na sana ako, pero ilang saglit lang ay bumukas ang pinto nito. "Gabi na. Hindi ka pwedeng lumabas ng mag-isa. Samahan na kita."

Hindi na ko nakipagtalo pa, at pumayag nalang. Magkasama kaming umalis ni kuya ng bahay, at mabilis na tinungo ang maliit na tindahan sa kabilang kanto.

"Kalahating kilo ng bigas at isang lata ng sardinas po," sabi ko kay aling Delta. Napansin ko ang malungkot na titig nito sa aming magkapatid, at halata ang pagkaawa nito sa amin. Ningitian ko nalang siya, at tumango, "Okay lang po kami, aling Delta. Huwag na po kayong mag-alala."

Ramdam ko ang paghawak ni kuya sa kamay ko, at ngumiti ito sakin. Iaabot ko na sana ang bayad pero bigla akong pinigilan ni kuya.

"Itago mo nalang yan, pated. Ibalik mo yan sa ipon mo. Ako na ang magbabayad."

Umiling ako, "Okay lang kuya, ako na."

"No, I insist. Ako na," pagpipilit nito, kaya hindi na ako nakipagtalo pa at pumayag nalang.

The Doctor's ArtWhere stories live. Discover now