Epilogue

1.5K 40 25
                                    

Ingrid's POV

"Congratulations anak." Bigkas ni Dad sabay tapik sa aking balikat.

"Thanks Dad. Diko magagawa to kung wala ang suporta niyo." Pagpapasalamat ko naman kay Dad. Ngumiti lang ako at naglakad na papasok sa auditorium kung saan gaganapin ang aming graduation.

Tama kayo, ga-graduate na kami. Magiging ganap na akong doctor. Napakalaking pasasalamat ko talaga dahil umabot pa ako dito. Sa hirap ng dinanas ko at ng mga kasamahan ko, lalong lalo na sa nangyari samin sa loob ng hospital nayun. It's been years since that tragic event happened to us, pero napakafresh pa din ng pangyayaring yun para sa akin.

16 kaming pumasok, at 5 nalang kami na lumabas ng buhay. Maswerte ako dahil kahit ganito yung ugali ko, isa ako sa nakaligtas sa trahedyang yun.

Pagkatapos ng mangyari sa amin ay pinasara na ang ospital nayun pero nabalitaan kong binili na daw yun ng isang mayamang doctor at magbubukas na daw yun this year. Pero di ko naman babalaking mag trabaho don, like duh, napakaraming masasakit na pangyayari ang naganap don. At kung doon pa ako magtatrabaho, it's like torturing my self. Geez.

"Guys!" Sigaw ko nang makita ko ang aking apat na kaibigan. Guess who? Syempre ang apat na taong kasama kong lumabas sa ospital na yun.

"Congrats to us." Nakangiting bigkas ni Cheska nang makalapit ako.

"Pero may isa pang taong dapat tayong icongrats. Yieeee. Congrats Fran. Magna Cum Laude ang bessy namin." Pagsasalita ni Liyah na may paghampas pa kay Fran. Kahit kailan talaga tong babaeng to.

"Grabe ka naman Liyah! Ico-congrats mo na nga lang si Fran, may halo pang palo." Wika ko naman.

Nagtawanan naman kaming lima dahil don.

"Naprepare mo na ba yung speech mo?" Pagtatanong naman ni Cheska.

"Oo naman. Sisiguraduhin kong maluluha kayo. Um, nah. Di lang pala maluluha kundi hahagulhol kayo sa iyak." Masayang bigkas ni Fran.

Nag-crossed arms naman ako at nagsalita. "Siguraduhin mo lang, dahil kapag hindi ako naiyak..."

"ANO?" Sabay sabay na bigkas nilang apat.

"Um, eto....sarreh. I forgot what to say next. Hehehe." Sabi ko sabay peace sign.

"Ikaw talaga Ingrid." Wika naman ni Fran.

"May nagtatampo." Bigkas bigla ni Cheska.

"Sino naman?" Nagtatakang tanong naman ni Liyah.

"Edi si Hudz." Pagsasalita ni Cheska sabay lingon kay Hudz.

"Congratulations. Congratulations. Congratulations." Sabay sabay na kanta naming nina Fran.

"Grabe, may special number pa talaga? Eh Suma Cum Laude lang naman ako." Wika ni Hudz.

"Suma Cum Laude lang? Wag mong ni-la-lang lang yun ha. Kotongan kita jan eh." Pananalita ni Cheska.

Napahawak naman si Hudz sa ulo niya nang umaktong kokotongan nga ni Cheska si Hudz. Napatawa lang kaming tatlo nina Fran dahil sa kanilang dalawa.

"Goodmorning Doctors."

Nanlaki naman ang mga mata namin nang marinig namin yun mula sa speakers.

"Magsi-upo na po ang lahat dahil mag sisimula na tayo."

Nagtawanan naman kaming lima nang marinig namin iyun. Pagkatapos nun ay naupo na kami sa aming upuan. Nilingon ko muna saglit silang apat tsaka marahang ngumiti.

"Oo masakit ang pangyayaring yun pero kahit ganun ay may natutunan ako at nagkaroon pa ako ng mga totoong kaibigan. Tsaka hindi pa naman natatapos ang laro ng buhay namin sa paglabas namin ng ospital nayun eh dahil mas malaki at mas hirap na laro pa ang haharapin namin dito sa labas. The real game isn't over and we must prepare ourself on it. Hindi ito yung laro na patayan, ito ay yung paano namin makakalimutan ang isang pangyayari na kailan man di namin hinangad na maranasan. Sabi pa nga nila Moving on, is a simple thing, what it leaves behind is hard pero alam kong makakaya namin yon, Naniniwala ako sa kanila at sa sarili ko. Congrats saatin Doctors."

The Doctor's ArtWhere stories live. Discover now