CHAPTER - 5

11.2K 388 8
                                    

[ Chapter 5 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Nang makauwi ako kinagabihan sobrang daming tanong ang binungad sa akin ni Jenesis. Nagulat pa nga ako dahil biglang nawala sa likod ko si sir Ken ng makita ko si Jenesis na naghihintay sa labas ng dorm namin. Ito talaga si Jenesis kala niya hindi ko kaya ang sarili ko.

Hindi ako gaano makatulog kagabi dahil sa mga natuklasan ko. Una, yung kay Dad. Pangalawa, nakaharap ko ang Demonican gang na isa sa miyembro ay Prof ko. Pangatlo, mamaya na ang simula ng parusa ko!

"Are you done? I told you wag ka munang pumasok e."  Kanina pa siya ganyan kesyo hindi pa daw gaano magaling sugat ko.

"Ayos na nga ako. Ilang araw palang ako dito aabsent agad ako?" Sabi ko habang pinapakita ko na ayos lang talaga ako. Kinuha ko na ang bag ko at isinabit sa likod ko.

"Hayy... ang kulit! tara na nga malate pa tayo."

Ganun parin. Walang pinagbago. Ang mga estudyante na parang maayos ang pamumuhay nila dito. Siyempre hindi 'rin maiwasan na titigan nila ako na parang isa akong ampon at sila ang tunay na mga anak.

Paano sila nakakatiis sa paaralang ito?

Limited ang oras ng paglabas. Dapat nasa dorm ka lang sa araw na walang pasok. Malayo sa pamilya na mukhang mas masarap ang buhay nila kesa sa mga anak nilang naghihirap dito.

Ang ibang estudyante naman,  nagagawa parin tumawa kahit alam nilang matagal na pagdurusa ang haharapin nila sa paaralang ito.

Hindi ko nalang sila pinanasin at pumasok na sa classroom bago ako iwanan ni Jenesis. Siyempre, wala ding pagbabago ang mga matang nakatingin sa akin ng makapasok na ako.

Alam ko ang iba ay tumatawa ngayon dahil sa benda nang nasa ulo ko. Ang iba naman parang naaawa, katulad ni Wendy.

"Girl! kamusta na pakiramdam mo? hindi kana ba nahihilo?" Ramdam ko ang boses niya sa paga-alala. Mabuti nalang talaga may taong gusto pa din maging kaibigan ako at si Wendy 'yon.

"Maayos na ako." Nakangiting sabi ko.

"Nakakainis talaga yung Katrina na 'yon! Ang napakamaldita talaga niya!" Naiinis na sabi niya. May naisip ako. Pwede naman siguro akong magtanong sa kaniya e. Gusto ko lang malaman.

"Matanong ko lang... Bakit ba bawal malate mag-enroll dito?"

Natigilan siya at bumuntong hininga bago magsalita

"Sige ikukwento ko sayo pero... maaari bang itago mo ito matapos kong sabihin ang lahat?" Kahit kinakabahan tumango ako. Tumingin muna siya sa paligic "Ayon sa nalaman ko, after 7 years ago... May pumasok dito isa'ng grupo. Ang Black Snake Gang" Nanatiling tikom ang aking bibig sa narinig ko.

Black Snake Gang...

"Sobrang saya ng paaralang ito... Noon.... hindi mawala-wala ang mga ngiti sa mga labi ng mga estudyante, at nakakalabas pa sila ng paaralan ito. Ang Kaso.. nagbago ang lahat ng magtransfer ang mga BSgang. Late silang nag-enroll dito tulad mo....Walang kaalam-alam ang mga Demonican na nagenroll pala sila dito para manggulo. Nasa unang rank kasi ang Demonican samantala ang BSgang ay pumapangalawa. Kaya ang mga Demonican ang nagmamay-ari nitong School dahil usapan sa gumawa nito na ang pinaka-mapangyarihan na Gang ang magiging bagong magpapatakbo nitong school." Malungkot na sabi nito habang parang iniisip ang mga nangyari noon.

Pero... p-paanong hindi malalaman ng Demonican Gang na nagenroll ang BsGang dito? Ang gulo!

"Gustong makuha ng BSgang ang rank 1 upang mapasakanila ang Paaralang ito. Para ibahin ito at gawing tahanan ng mga Sindikato. Sobrang galit na galit si Demolead ang leader ng Demonican nang malaman niya na unti-unting nauubos ang mga estudyante dito at dahil pinapatay ito ng mga BSgang. Ang iba naman umaalis at lumilipat sa ibang paaralan. Kaya ang ginawa ni Demolead ay simula Highschool to Collage dito na sila maga-aral at makakalabas lang sila kung makakapagtapos sila."

The Evil University(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن