CHAPTER - 16

7.1K 248 1
                                    

[ Chapter 16 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Lahat kami ay napapunta sa dorm ng malamang nagising na si Princess. Pinakain na muna namin ito bago kinausap tungkol sa nangyari.

"Mabuti nagising kana. Kamusta?" Tanong ko.

Ngumiti ito at inilapag ang kutsara. "Maayos na ako. Salamat sa tulong niyo."

"Wala 'yon. Teka, ano ba nangyari talaga?" Tanong ni Wendy.

Kaming lima lang ang nandito. Kanina ay nandito ang Doctor na nagcheck up sakanya. Si Kennedy naman ay nasa sulok at pinagmamasdan ata ako. Pansin ko lang...

Nagbuntong hininga ito at ipinaliwanag sa amin ang lahat

******
Princess POV

Magkakasama kaming tatlo ni Cristina at Mj papunta sa dorm. Magdidilim na ng pagpasyahan naming umuwi.

Halos kaming tatlo nalang ang tao dito sa labas. Napasarap kasi kami sa pagkukwentuhan sa mga nangyari nung Foundation day. Ito kasi si Cristina may naapakan siyang patibong at dinala siya sa Kill Jail.

Nang makapasok na kami sa dorm at dumiretso na ako sa kusina at pinagpasyahang magluto. Ako ang mahilig magluto sa amin...

"Princess. Ano ulam?" Tanong ni Mj at lumapit sa akin.

"Adobo." Sabi ko.

"Yun oh! favorite ko yan. Hahaha." Masayang sabi naman ni Cristina.

"Kaya nga ito ang niluto ko e." Saad ko.

"Selos na ako. Hindi mo manlang mailuto yung favorite kong Nilaga." Nakangusong sabi ni Mj na ikinatawa ko.

"Wag kang magalala yun ang ulam natin buk----" Nahinto ang aking sasabihin ng may biglang kumatok.

*tok tok tok*

Natahimik kami ng may kumatok.

"Sino 'yan?" Tanong ko.

Sinimulan na kaming tatlo kabahan dahil paulit-ulit itong kumakatok. Walang umiimik sa amin, tanging ang pagkatok at pagkulo nitong niluluto ko ang nagiingay.

"Ako na magbubukas." Biglang sabi ni Mj.

"Wait lang!" Pigil ko. "B-Baka masamang tao yan." Dugtong ko na ikinabuntong hininga niya.

"Princess. Kung masamang tao 'yan dapat hindi na magdadalawang isip kumatok diretsong sira na ng pinto." Seryosong sabi niya.

Sinamahan ni Cristina si Mj papunta sa may pinto at ng bubuksan na nila ito ay biglang may humila sa kanila palabas. Nailaglag ko ang sandok na hawak ko dahil sa nakita.

Dahan-dahan ako nagtungo sa may pinto at ng aktong palabas pa lang ako ay may humila na agad sa akin at sabay tinakpan ang ilong ko na ikinawalan ko ng malay.

Nagising ako at napapikit ng kumirot ang ulo ko at bumungad sa akin ang isang maliit na kwarto at ako lang ang tao.

Aktong tatayo na sana ako ngunit may tali pala sa pagitan ng kamay at paa ko at sa kama ito nakatali. Masyadong mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay at paa ko kaya kita ko na ang mga dugo at pamunula nito.

"Tuloooong! pakawalan niyo ako dito!" Sigaw ko. Ngunit parang ako lang talaga ang tao dito.

"Mj?! Cristina?! tulungan niyo ko!!"

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now