CHAPTER - 33

5K 201 0
                                    

[ Chapter 33 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Kamusta pala si Daddy at Kuya?"

Nandito ngayon si Cassidy,Aaliyah at Abygail sa dorm ko. Si Wendy naman ay kasama si Jenesis.

"Yung Daddy mo ginagawa ang lahat upang maibalik sa kanya yung business niyo. Si Kuya mo naman naga-aral padin at mukhang okay naman sila." Sambit ni Abigail.

"Ahh. kamusta pala ang nalipatan niyong dorm? diba dalawang tao sa isang kwarto e, sino ang nahiwalay sa inyo?"

"Share si Abygail at Aaliyah. Ayoko ngang maki-share ng higaan." Sabi ni Cass.

"Ayoko naman din maki-share sayo nanghuhulog ka." Tutol ni Aaliyah.

"Oo nga!"

"HAHAHA! parang hindi na kayo nasanay--wait. Oo nga pala baka magalit sainyo niyan si Tita at Tito?" Alalang sabi ko.

"Hindi 'yan! sinabe ko naman kay Kuya Josh na siya na magpaliwanag sa kanila e." Sabi ni Cassidy at sabay tayo upang humiga sa kama ko. "Alam mo? mas mahirap pa pala 'yung pagsasanay natin nung umalis si Savanah noh?" Dugtong niya.

"Pero buti nga nakayanan natin e." Tugon naman ni Aaliyah.

"Siguro nga wala kami ngayon dito 'kung walang tumulong sa amin." Sambit ni Abigail.

Sana nga. Sana hindi nalang kayo napad-pad dito para walang mapahamak sainyo.

Ilang oras din naging tahimik kami pero maya-maya biglang nagsalita si Cass.

"Kamusta buhay mo dito Sav? may nakita kana bang 'You know'?" Napatingin ako agad sa kanya at napabuntong hininga.

"Oo." Napatakip ako ng tenga ng bigla silang magsitili.

"Sino? Gwapo ba?"

"Oo nga? sweet ba tsaka kaklase mo?"

"Saan mo nakilala? pano naging kayo?"

Tinarayan ko sila ng sabay-sabay silang nagtanong.

"First of all hindi kayo maniniwala sa akin 'kung sino siya at ano ka ba naman Aaliyah? siyempre gwapo siya." Tugon ko na ikinakilig nila. "at ikaw naman Cassidy siyempre sweet siya pero hindi ko siya kaklase. At ikaw naman Abygail siyempre dito ko siya nakilala at hindi pa kami, okay?" nakita ko naman ang pagkadismaya nila.

"Eh ano kayo?" Sabay nilang sabi.

"Wala. Parang M.U lang. Ganun."

"Ano bayan! kala ko naman may bf kana tsh!."

Kala ko 'din e...

"Hindi naman siya nanliligaw." Sabat ko.

"Malay mo nanliligaw na siya hindi mo naman alam?"

"Wait nga lang!" Natahimik kami ng magsalita si Aaliyah. "Sino bayan aber!?" Gosh! Kailangan paba nila alamin?

"Wag kayong mabibigla ah?" Mahinang sabi ko na ikinatango nila. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy magsalita. "Isa siya sa mga Demonican."

"A-Ano?"

"Paano?"

"Diba galit sila sa Daddy mo?"

"Porke ba ganun bawal na magka-inlove-han?" Nakangiting sabi ko.

"Basta ako masaya ako 'kung saan ka masaya." Sabi ni Aaliyah at sumang-ayon namin sila Cass.

The Evil University(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant