CHAPTER - 19

6.3K 235 3
                                    

[ Chapter 19 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Ilang linggo ang nakalipas at natahimik ang school. Nagtagal rin ang issue sa nangyari sa court at hindi nakayanan ni Princess ang nakita dahil yun ang kanyang mga kaibigan. Wala din. Nagtapos narin ang issue'ng yon.

Nagdaan ang kaarawan ni Wendy. Masaya kahit iilan lang kaming dumalo sa kanyang Kaarawan. Madaming mga handa at kasama ako sa nagluto siyempre.

About kay Jenesis? Ayun, lalo siyang naging sweet sa akin. Hindi ko maisip na magkakagusto yun sa akin talaga. Masyadong malayo sa aking isipan na hahantong sa ganon ang nararamdaman niya. Hindi ko parin siya sinasagot at kahit papano ay nawala kaunti ang ilang ko sa kanya.

About kay Kennedy? Hmm... naging close din namn kami pero alam niyo, simula nung nagkwento ako about sa feelings sa akin ni Jenesis. Bigla nalang niya ako iniiwasan tapos lagi niya pa akong pinaparecite sa klase niya. Pero siyempre naman nakakasagot. Kaso epal nga lang minsan si Wendy dahil ginugulo niya utak ko. Tapos itong si Jenesis nanggugulo din ng utak.

"Baby girl?" Dyaan ako naiilang sa kanya. Sa pagtawag niya sa akin ng Baby girl.

"O-Oh?" Utal Sabi ko.

Nandito kami ngayon sa likod ng Court. Halos ito na nga ang aming tambayan pag wala kaming magawa. Maganda naman talaga dito at hindi pa maingay.

"Ang ganda mo."

Natameme ako sa sinabi niya. Alam mo yung tipong medyo kinikilig kana? tapos siya hugot pa ng hugot.

"Mas gwapo ka." Minsan naman natatawa ako dahil pag nababara ko mga pambabanat niya at siya ang namumula gaya ngayon.

"H-Hindi ah!" Tanggi niya.

"Hahahahahah! namumula ka Jenesis." Tawa na sabi ko habang nakahawak sa tiyan.

"Trip mo nanaman ako Baby girl, I love you." Natigil ako sa pagtatawa ng marinig ang huling sinabi niya.

"A-Ano?" Tanong ko.

Bumungisngis muna ito bago uli magsalita.

"It's been a 1 month nung nagsimala akong nanligaw sayo." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. umiwas naman ako at tumingin sa malayo.

Oo nga no? Naka isang buwan na siyang nanliligaw sa akin.

"Oo nga." Sabi ko nalang din.

"Kailan mo kaya ako sasagutin?" Tanong niya.

Hindi na ako muling nakasagot haggang sa mag-isang oras na.

Sasagutin ko ba siya? siya ang first boyfriend ko kung sagutin ko 'man siya. Handa naba ako magkaboyfriend? laging si Kuya kasi ang sinasabihan ko kapag may nanliligaw sa akin tapos kinakausap niya pa nga yun. Tapos gulat na lang ako kinabukasan ayaw na nila agad sa akin. Lakas nila diba?

"Tara? umuwi na tayo. Mag gagabi na." Tila kinapusan ako ng hininga ng marinig ang malamig niyang tinig at nauna ng maglakad.

Napabuntong hininga nalang ako at sumunod na sa kanya.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay walang ingay na naririnig. Nasa likuran niya ako at tahimik na naglalakad.

Hayst! naguguluhan din ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang siya nagawang sagutin kanina. Ano ba talagang plano ko? ano ba talagang dapat kung gawin? bwisit naman oh! ang sakit pala sa utak pag nasa ganitong sitwasyon. Ngayon, alam ko na kung ano ang nararamdaman ng mga bida sa palabas kapag nasa ganitong stage sila.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now