CHAPTER 3

1.9K 70 5
                                    

Gusto kong maging boyfriend si Carl. Sana ligawan na niya ako. Kaso ang tanong, gusto din kaya niya ako? Kung umamin na kaya ako?

Ang lungkot-lungkot ng Valentine's Day ko. Pagkatapos kong sumimba ay nasa bahay na ako buong araw. Akala ko pa naman ay magiging masaya na ang Valentine's Day ko, pero hindi pala.

Magtatatlong buwan ko na siyang crush pero wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin niya ako nililigawan. Mas madalas kaming nagkaka-chat kaysa nag-uusap sa personal. Nagiging malandi na nga ako sa chat pero wa-effect pa rin. Umamin na kaya ako? Gusto ko na talagang malaman niya na gusto ko siya, baka sakaling ligawan niya ako.
Pursigido na talaga akong umamin sa kanya. Wala na akong pake kung babae man ako, basta ang gusto ko lang ay aminin na itong nararamdaman ko.

Online siya ngayon kaya nag-message ako sa kanya.

Me: Magkita tayo sa park mamayang hapon. May importante lang akong sasabihin sa 'yo.

Carl: Gaano ba 'yan kaimportante?😊😂 Ngayon mo na kaya sabihin.

Me: Napakaimportante nito 😉
Mamaya na lang.

Carl: Okay.

Hapon na at nandito na agad ako sa park. Limang minuto pa akong naghintay bago siya dumating. OMG! Nandito na siya. Nang makita niya ako ay ngumiti agad siya sa akin. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Buti naman at dumating ka kaagad,"

"Syempre. Ayokong pinaghihintay ang babae, eh,

"Sus! Baka ngayon lang 'yan," Tumawa lang siya.

"Nga pala, ano 'yong importanteng sasabihin mo sa akin?"

Biglang umurong ang dila ko. Parang hindi ko kayang umamin sa kanya ngayon nang harap-harapan. Go Eloisa! Kaya mo 'yan!

"A-Ah... 'yon ba?" OMG! Paano ko ba 'to sasabihin?

"Bakit parang nahihiya ka?" Natatawang tanong niya.

"Don't tell me na ang mahalagang sasabihin mo sa akin ay magko-confess ka?"

"Oo, parang ganoon na nga," OMG! Nakakahiya!

"Sabi ko na nga ba, eh. Halata ko na dati pa,"

"G-Ganoon ba. Okay lang sa 'yo?" Nahihiyang tanong ko.

"Oo naman,"

After 2 weeks...

Online siya sa Facebook kaya nag-message agad ako sa kanya.

Me: Hi crush! 😊

Carl: Hello! Hahaha 😂

Me: Bakit ka tumatawa? Tinatawanan mo ba ako kasi crush kita? 😚

Carl: Hindi. Masaya lang ako kasi nadagdagan na naman ang may gusto sa akin 😂 ✌️

Me: So, ibig mong sabihin ay madami kami?

Carl: Oo. Sampu na yata kayo 😂

Me: Grabe. Ang dami ko palang kaagaw 😚

Carl: Oo 😂 Pero huwag kang mag-alala dahil iisa ka lang dito sa puso ko 😉

Bigla akong kinilig sa sinabi niya.

Me: Huwag mo naman akong pakiligin baka maniwala na ako niyan 😂

Carl: So, kinilig ka sa sinabi ko? Yieee 😂

Me: Oo.

Carl: Yieee baka maadik ka niyan sa akin 😂✌️Ligawan kita, gusto mo?

Me: Hindi, ah.
Bakit mo ba tinatanong sa akin 'yan? Syempre, gusto ko.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon