Kabanata 40

1.2K 37 4
                                    

Pumunta na ako sa kusina at naglagay na ako ng kanin sa baunan ko at sa plato. Hindi kasi kami libre pakain sa Beanery kaya nagbabaon ako. Nagbukas na ako ng corned beef at ginisa ko ito. Ito ang ulam ko ngayong umaga pati mamayang tanghali. Kailangan ko kasi magtipid para makaipon ako ng malaki at makapagpadala kayna Nanay at Tatay.

Kumain na ako at hinugasan na ang pinagkainan ko pati ang mga ginamit ko sa pagluluto. Nagwalis din muna ako sandali bago umalis ng rental house.

Nilock ko na ang pinto sa labas pati ang gate at pumara na ako ng taxi at sumakay.

Mag-aalasais na nang ako'y makarating sa Beanery-restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Nandito na yung ibang service crew na nakaassigned ngayong umaga pati yung cashier.

"Good morning chef." Bati saken ng cashier pati ng ibang service crew nang makapasok ako sa restaurant.

Nginitian ko sila. "Good morning din." Inilagay ko na ang gamit ko sa locker ko at nagdiretso na ako sa kusina. Oo may locker kami dito sosyal noh?

Inihanda ko na ang mga ingredients at utensils na gagamitin ko sa pagluluto. Viand, sweets, desserts and pasta ang recipe na niluluto ko. Bale dalawa kaming chef dito at ako ang nakassigned ngayong umaga hanggang 2:00 pm. Sya naman 2:00 pm to 10 pm.

Pagkatapos ng work hours ko nagpalit muna ako ng t-shirt at jeans bago lumabas ng restaurant. Naglakad na lang ako para makatipid tutal maaga pa naman.

Nadaanan ko yung park na naging meeting place namin ni Clark noon. Nagpasya akong sumaglit muna doon. It's been a years simula nung una akong makapunta dito at ngayon lang mauulit. Naglakad-lakad ako dito at nang malapit na ako sa playground kung saan kami nagkikita dati ni Clark narinig kong may pinagkakaguluhan ang mga babae dito.

Pagtingin ko may isang lalaki ang pinapalibutan ng madaming babae dito. Nakatalikod siya at nakikita ko lang ang likod ng ulo nya pati ang mga likod ng mga babaeng nakapalibot sa kanya.

"Babe ako na lang ang idate mo!"

"Babe ako ang piliin mo please!?"

"Nauna akong dumating kaya ako dapat ang idate mo!"

"Idate mo ko babe!"

Yan yung mga sinasabi ng mga babaeng pinagkakaguluhan sya. Yung iba nagsisikuhan pa at nagsasamaan ng tingin. Bakit babe ang tawag nila sa kanya? Seryoso girlfriend nya ba lahat ng babaeng ito? Sobrang gwapo naman nitong lalaking ito kung sino man sya. Baka mamaya magrambol ang mga babaeng 'to haha.

Lumapit ako sa unahan nila dahil nacucurious ako sa itsura nitong lalaki. Paglapit ko nakita kong si Mr. Feeling Close este si New pala yung pinagkakaguluhan nitong mga babae. Sabi ko na nga ba womanizer ang lalaking 'to tsk!

Natatawa lang sya sa mga pinagsasabi ng mga babaeng nakapalibot sa kanya.

"Babe ano na sino samen ang idadate mo?" Tanong nung isang babae.

"Wala." Natatawang sambit niya.

"Huh!?" React nitong mga babae.

Napatingin siya sa direksyon ko at nginitian ako nang nakakaloko. Agad naman akong umiwas ng tingin at napairap.

"Sorry mga babes nandyan na kasi yung girlfriend ko iniintay na ako." Sambit nya sa mga babae at nagreact ulit sila.

Nagpalinga-linga ako at hinahanap yung sinasabi nyang girlfriend pero hindi ko makita. Ako lang naman ang babaeng nakatayo dito maliban sa mga babaeng pinalilibutan si mokong. Huwag nyang sabihing ako yung tinutukoy nya!

Umalis na sya sa gitna at nagtatakbo saken. Nakita kong ang sama ng mga tingin nung mga babae saken.

"Tara na bilis!" Aya saken ni New nang pasugod na samin yung mga babae. Hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula na kaming tumakbo. Para kaming hinahabol ng mga zombie sa bilis ng takbo namin. Sa tingin ko nasa forty yung mga babaeng humahabol samin este kay New nadamay lang ako.

Finally, I Found YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt