CHAPTER 12

1.4K 60 2
                                    

"Ang gaganda niyo, parang ako lang." Sambit ko sa mga halaman habang dinidiligan.

"Kinakausap mo pala ang halaman,"

"Ay, halaman!" Sa gulat ko ay naitutok ko ang hose sa kanya. Nabasa ko tuloy siya. Agad ko namang pinatay ang hose.

"Naku, sorry! Hindi ko sinasadya. Bakit mo kasi ako ginulat? 'Yan tuloy, nabasa ka,"

"No, it's okay,"

"Pero basa ka, o,"

"Okay lang. Maliligo naman ako, eh,"

"Ah, okay,"

"Tapusin mo na 'yan at magbihis ka na. Aalis na tayo. Maliligo lang ako,"

"Mukhang kailangan mo na ngang maligo," Biro ko sa kanya.

"Oo nga, eh. Binasa mo kasi ako," Biro naman niya.

"Sorry na nga,"

"Okay lang. Sige, balik na ako sa loob. Ligo lang ako,"

"Sige,"

Binilisan ko na ang pagdidilig at nagdiretso agad ako sa kwarto namin para magbihis. Ano kayang magandang suotin? Naghalungkat ako sa damitan ko. Nakita ko ang blue dress. Off-shoulder ito tapos above the knee. Sinuot ko na ito. Nagkilay, nagpolbo at nag-lipstick lang ako. Sinuot ko na din ang black wedge sandals.
Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Hindi ko pa pala nasasabi kina Angela, Nanay Fe at Ate Lyn na may pupuntahan kami ni Clark. Sigurado akong tutuksuhin na naman nila ako.

Pinuntahan ko sila sa kusina sa likod at naabutan ko silang nagmemeryenda. Namangha sila nang makita ako.

"Bakit ganiyan ang suot mo, girl!? Saan ang punta mo?" Bungad sa akin ni Angela.

"May date ako..."

"Jokeee!" Biglang bawi ko. May pupuntahan lang kami ni Clark," Nagkatinginan sila bago tumingin sa akin.

"Ayieee!" Panunukso nila.

"Talagang lume-level up ka na kay Clark, ah!" Sambit ni Angela.

"Oo naman! Ako pa,"

"Edi ikaw na! Ikaw na'ng maganda!" Sambit naman ni Ate Lyn.

"Oo, ako na talaga," Natatawang tugon ko.

"Baka bukas-bukas maging kayo na niyan, ha! Yieee!" Dagdag pa ni Ate Lyn.

"Sana nga, Ate Lyn. Hinihintay ko pa naman ang araw na 'yon,"

"Ayieee!"

Bigla naman akong hinampas ni Angela na kinikilig at may itinuro sa may pinto ng dining area. Nakita ko si Clark na papunta sa direksyon namin. Muntik nang lumaglag ang panga ko sa kagwapuhan niya. Nakasuot siya ng black stripe polo shirt at maroon na pedal. Nginitian niya ako nang magtama ang paningin namin. Ito namang puso ko ay parang sasabog na sa sobrang bilis ng tibok. Lumapit siya sa amin.

"Isasama ko nga po pala si Eloisa. May pupuntahan lang po kami,"

"Ayieee! Saan ba kayo pupunta? Magde-date ba kayo?" Kinikilig na tanong ni Nanay Fe. Bigla naman akong nahiya sa tanong niya.

"Parang ganoon na nga po," Napatingin ako kay Clark sa sinabi niya. OMG! Magde-date daw kami!

"Ayieee!" Panunukso ng tatlo. Bigla namang uminit ang mukha ko.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon