Kabanata 31

1.1K 37 3
                                    

                   ELOISA's POV

Unti-Unti ng namumuo ang mga luha ko habang binabasa ang reply ni Clark. Dapat nga maging masaya ako na nalaman ko na mahal na mahal din ako ni Clark pero hindi eh iba ang nararamdaman ko. Nasasaktan ang puso ko dahil ayaw nyang  makipagbreak sa akin. Baligtad noh huhuhu!

Naglalakad na ako ngayon papunta sa park. Kinakabahan ako sa mangyayari kapag nakita ko si Clark. Ayoko sanang makipagkita sa kanya ngayon dahil takot ako sa pwedeng mangyari kapag brineak ko sya.

Wala pang thirty minutes nakarating na din ako sa park. Nagdadalawang isip pa ako kung sisiputin ko ba sya o hindi. Tanga! Nandito ka na nga eh aatras ka pa!? Pangongotra ng boses sa utak ko.

Tama naman ang boses sa utak ko eh. Aatras pa ba ako kung kelan nandito na ako? Diba hindi? Kailangan ko na syang harapin ng matapos na 'to.

Nagtungo agad ako sa dating meeting place namin dito sa park which is the playground. Nakita ko kaagad si Clark na nakaupo sa isa sa mga bench dito. Agad naman syang napatayo ng makita nya ako. Nakatingin lang siya saken ng may lungkot sa kanyang mata. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil ayaw kong makita ang malungkot nyang mukha.

Bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa kanya ay sya ding pagtibok ng aking puso.

Labis ang aking kaba na nararamdaman ngayong kaharap ko na si Clark. Gusto ko na agad sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin ng matapos na 'to.

Magkaharap na kami ngayon sa isa't-isa. Pareho lang kaming nakatitig sa mukha ng bawat isa. Agad akong nagsalita dahil nadedestruct ako sa mukha niya.

"C-Clark I'm sorry but I'm breaking up with you." Nakatitig lang sya sa mukha ko at malungkot pa din ang mukha.

"Clark." Pagtawag ko pa sa pangalan nya para masigurado kung nakikinig ba sya o hindi.

"Eloisa why you're doing this? Can you explain why you're breaking up with me?" Malamig nyang tanong.

Nakita kong kumikislap na ang kanyang mata dahil sa namumuong luha sa mata nya. Parang may kung anong bahagi sa puso ko ang kumirot dahil sa mukha ngayon ni Clark.

"I'm sorry Clark pero narealized ko na we are both young to enter in a relationship." Tumalikod na ako para umalis pero napatigil ako ng bigla syang magsalita.

"So... is that your only reason why you're breaking up with me!?" Tumango lang ako at aalis na sana ng bigla nyang hawakan ang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang malamig nyang kamay.

Nakatungo lang ako at di makaharap sa kanya dahil alam kong masasaktan lang ako kapag nakita ko ang basa nyang mukha dahil sa luha.

"Eloisa diba mahal mo ko bakit mo ginagawa saken to!?" Hindi ako makaimik. Pinipilit kong hilahin pabalik ang kamay ko pero hindi ko magawa dahil ang higpit ng hawak nya sa kamay ko.

"Please Clark let me go." Pakiusap ko pa sa kanya para bitawan na niya ang kamay ko pero parang wala syang napapakinggan. Hindi nya pa rin binibitawan ang braso ko kaya humarap na ako sa kanya at nagsalita.

"Ano ba Clark! Hindi na kita mahal kaya nakikipagbreak na ako sayo!" Gulat na gulat sya sa sinabi ko at may mga luha ng pumatak sa mata nya. Bigla naman nyang binitawan ang kamay ko. Tumalikod na ako at nagtatakbo bago pa nya makita ang pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

🎵Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa🎵

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon