Chapter Five: Realization

13.5K 285 7
                                    

Ang mga simpleng araw ay umabot na sa linggo hanggang sa ang mga buwan ay umabot na ng taon.

Mag-iisang taon na simula noong malaman ni Krexia ang lahat at ang buong akala niya ay maayos din nila ang kung ano mang nangyari sa pagitan nila ng Kuya Kyren niya pero hindi pala.

Ni hindi niya alam kung ano nga ba ang problema nilang dalawa. Bigla na lang itong umiwas sa kanya at hindi naman niya ito malapitan dahil parang naiinis ito tuwing susubukan niyang gawin iyon.

Ano ba kasing nagawa niya? Isang taon na pero iyon pa rin ang tanong niya sa sarili niya.

“Anong ginagawa ng baby ko dito?”

Napangiti niya ng makita ang Mommy Kiera niya. “Nagpapahangin po.”

Ngumiti rin ang ginang at tinabihan siya. “My roses are doing the trick, aren’t they?”

Isa talaga sa dahilan kung bakit ang naging tambayan na niya ay ang garden ng kanyang mommy ay dahil sa mabangong bulaklak doon. She fell in love with flowers because of this place. Kaya nga punong-puno na ang sketch pad niya nang lahat ng halaman na makikita doon.

“These are really pretty.” Tinutukoy nito ang mga sketches nga niya.

Masaya siya na nagustuhan iyon ng mommy niya.

“’Yung totoo, baby. Something is bothering you.”

Napanguso siya. “How do you always know what’s going on?”

Natawa ito sa kanya. “Of course, it’s easy because I’m your mother. Isa pa, alam ko naman na nagpupunta ka rin dito kapag may problema ka. Is it someone in school? Are you being bullied?”

College na siya pero alam niyang mas malala pa talaga ang bullying na nangyayari ngayon. Mabuti na lang ay hindi niya iyon nararanasan. Hindi na siya nagtataka kung bakit iyon ang unang pumasok sa isip ng mommy niya.

Pero umiling na lang siya. “Hindi po, mommy. Everything’s great in school.”

Gusto niyang sabihin sa mommy niya na hindi sila ayos ng Kuya Kyren niya at namimiss na niya ito. Pero hindi rin naman niya gustong pagsabihan ito ng mommy niya at lalo lang siyang kaiinisan ng kuya niya. Hindi na niya talaga alam kung ano ang gagawin niya.

“Okay. How about Chase? Chase is nice kid but did he do something bad t you?”

“Hindi po!” Napangiti siya. “He’s really nice like what you said po. Tsaka, mommy, wala doon ang problema ko. I don’t really know what’s wrong with me po. Baka hormones lang.”

Totoong mabuting binata si Chase. Kaya naman kahit noong tinanggihan na niya ang panliligaw nito ay nanatili pa rin silang makaibigang dalawa. She’s really grateful for it because she at least needed a friend in him.

“So here’s my queen and our princess!”

Sinaluhan sila ng daddy nila at hinalikan silang pareho ng mommy siya sa noo.

She’s happy now.

~ ~ ~

“Ang hindi ko lang naman maintindihan e kung bakit kailangang maging bitch ni Tracy sa atin. I mean, she’s still our friend! Pero simula noong naging sila ng Kuya Kyren mo, parang hindi na niya tayo kilala.”

Hinayaan lang ni Krexia si Mina na magreklamo nang magreklamo. Hindi na naman kasi ito pinansin ni Tracy at lalo lang sumasama ang tingin nila dito. The least thing she could do is listen to her friend’s rants. Ayaw rin naman niyang may masabi pa siya.

Unrequited to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon