Chapter Sixteen: Okay

9.6K 220 2
                                    

Halos maiyak si Krexia nang mayakap na niya ang kaibigan na si Mina. It's been so long since they last saw each other! Hindi man lang niya alam na ang mismong retaurant kung saan siya unang dinala ni Chase ay pagmamay-ari nito at may halos tatlong buwan na ito sa bansa. This is their first time seeing each other and Park Min-Ah, her bestfriend, is back for good!

"Okay, okay!" Humiwalay na ang dalaga sa mahigpit nilang yakapan. "No more tears because sabi ko kapag nag-selfie tayo mamaya, maganda tayo!"

Natawa sila doon. Chase was smiling at them, genuinely pleased to himself. Ito kasi ang may pakana ng grand reunion nila ni Mina ngayon. She couldn't help but to return his smile. She couldn't thank him enough for this little surprise, too.

Matapos dumating ng pagkain nila at kamustahan, ikinuwento naman sa kanya ng kaibigan niya ang tungkol sa restaurant kung saan nandito sila ngayon.

The whole restaurant was Mina's dream after knowing she wouldn't be able to pursue her other dreams. Mahabang kwento pero kahit paano ay naintindihan na ni Krexia iyon. Noong maghiwalay pa lang sila para sa pagbalik nito sa Korea, alam na alam na niyang magiging mahirap ang lahat para sa kaibigan niya.

"Dahil naman mahal ko kayo ni Chase, every month magsabi lang kayo ng araw, kami na ang bahala sa date niyo!"

"Once a month lang?" Biro ni Chase.

Ngumisi si Mina. "Oo, Mr. Chase Cornejo. Once a month lang kasi alam kong hindi kikita ang restaurant ko kung ililibre ko lagi ang date niyo dito. Kuripot!"

It was her turn to laugh at them. Namiss niya ng sobra ang kaibigan at masaya siyang makita ito ngayong nakikipagtalo pa rin sa binata gaya ng madalas nitong gawin.

Aawatin na sana niya ang dalawa ng mag-ring ang cellphone niya. She excused herself from them for a moment.

Hindi niya maiwasang kabahan ng makitang ang Ate Cedrileen niya iyon, ang sekretarya ng kuya niya.

"Hey, Lends. Are you doing something? Busy?"

Umiling siya kahit hindi naman siya nakikita ng kausap. "Hindi naman po. May problema ba?"

"Sort of. Sure ka bang hindi ka busy talaga? You see, my boss aka your Kuya Kyren lost consciousness."

Para bang binuhusan siya ng malamig ng tubig doon. "W-What?"

"There is nothing lethal about his situation, be. Nandito na ako sa unit niya. If you're really not busy, can you come over here?"

Nahimatay si Kyren. Nahimatay si Kyren at kailangan siya nito ngayon.

Nagmamadali siyang nagpaalam kina Chase at Mina. She hated to leave so soon but Kyren needed her.

She needs to be there for him.

~ ~ ~

Gulong-gulo si Krexia ng maabutan niyang okay naman daw pala si Kyren. Nakahinga na siya ng maluwag pero naguguluhan pa rin siya. Did she overreacted?

Cedrileen laughs then smiles apologetic to her. "Pinakaba ba kita, bunso? Sorry 'ha. Trangkaso lang naman at hindi malalalang sakit ang meron sa kuya mo. Masamang damo 'yan kaya hanggang trangkaso lang siya. Akala ko nakatulog lang siya but he actually lost consciousness. I had the doctor to check him up. He's in his room. Ako na sanang magbabantay sa kanya kaya lang may emergency din ako. You can fill up for me, right?"

"Of course po." Tumango siya.

Relief flooded her. Mabuti na lang talagang hindi naman kasing seryoso ng naisip niya ang lagay ng binata.

Unrequited to the DevilWhere stories live. Discover now