Chapter Ten: Hopes

10.9K 257 2
                                    

“Looking as beautiful as ever, Mrs. Montelvaro.”

“Oh please, hijo! Call me Tita Kiera like you always do before. Alam mo namang sobrang dami naming may title na ‘Mrs. Montelvaro’.”

Hindi naman na bago si Chase sa kanila kaya naman hindi kasing awkward ng inaasahan ni Krexia ang nangyari. Naiilang pa rin siya kapag ang usapan nila sa pamilya ay ang mga gustong manligaw sa kanya pero iba si Chase sa mga iyon at matagal naman na itong kilala ng pamilya niya.

They all sat down on the sofa in their sala. Nagpakuha na rin ang mommy niya ng maiinom nila.

“Years later, ikaw pa rin ang dinadala ng baby ko dito.”

Namula ang mukha niya at hindi na niya naiwasan ang ngisi ng binata sa sinabi ng mommy niya.

Hindi naman kasi niya maitatanggi iyon dahil iyon naman ang totoo. Pag-usapan pa nga lang ang ibang mga gustong manligaw sa kanya ay hindi na komportable kaya naman ang binata lang talaga ang nag-iisang nakapaglakas loob na pumunta dito.

“Your dad would be here as soon as Mr. Sy leaves. Sana mag-stay ka na hanggang dinner, hijo, at magluluto ako.”

They didn’t wait long when the gentlemen decided to show up.

Sa pagkakaalam niya ay isa rin sa mga business partners ng daddy niya ang ginoong kasama nito. Sigurado si Krexia na ito ang unang beses na makita niya ito pero… Somehow the gentlemen with her dad looked oddly familiar. Baka nakita na niya ang mga ito na hindi niya pa alam na nakilala ito ng daddy niya.

“Thank you for your time, Leonardo. I won’t be keeping you long from your family.”

Hinatid nan g daddy niya ang mga bisita nito at pagbalik nito ay hindi niya magawang ignorahin ang tingin ng mommy niya sa daddy niya. Meron bang problema? Pero agad din na nawalan iyon dahil pareho na ang mga magulang niya na hinarap sila.

“Welcome back, hijo. After all these years, ikaw pa rin pala ang dadalin ng prinsesa namin dito.”

Nangisi ang mommy niya. “Like what I told you.”

Chase was smiling from ear to ear and takes her hand to hold it. Kinakabahan siya dahil iyon ang unang beses na makikita siya ng mga magulang niya nang ganito.

“Tita, tito, nandito po sana ako para magpaalam na liligawan ko si Lendall.”

■ ■ ■ ■ ■

Nakabalik na si Krexia sa trabaho niya at na-miss niya ang lahat sa opisina niya. Hindi na talaga siya masasanay sa mga mahabaang leave. Hindi rin naman siya natambak ng trabaho dahil ang ilan doon ay nasimulan na niyang gawin, kailangan na lang niyang ituloy.

“I won’t recommend you to new clients until next month. Kailangan mo munang magfocus sa mga naiwan mong trabaho dito.” Sabi ni Hades sa kanya. “If you need help, just tell me.”

Ngumisi siya. “Favorite employee mo talaga ako.”

He shows his killer grin, too. “You are and I’m being biased but no one will be against that. I own the company.”

Alam niyang hindi lang siya ang sinasabihan ng ganoon ng boss niya. Lahat naman ng nagleave ay tutulungan nito kung kailangan. But it was fun claiming she is his favorite.

Naipasa na rin niya ang ilang files na dapat tignan ng binata. Pagkatapos noon ay lumabas na siya sa opisina nito.

“Nako, Lendall, nandyan na ang daily delivery mo ng foods.” Paalam ng isa sa mga katrabaho niya.

Napangiti naman siya dahil alam niya kung kanino na ito nanggaling.

Chase is courting her in the most wholesome and practical way. Imbes na araw-araw chocolates and flowers ang ipadala nito, lunch at minsan ay may kasama pang snacks ang pinapadala nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ng binata pero iyon naman talaga ang gusto niya. She wasn’t the chocolates and flowers kind of girl, anyway.

Unrequited to the DevilOù les histoires vivent. Découvrez maintenant