Chapter Twenty-Three: Twisted

9.3K 203 3
                                    

Maayos ang gising ni Krexia maliban sa sobrang init sa kanyang katawan. Sigurado siyang iniiwan niyang nakatodo ang aircon sa kwarto niya— maliban na nga lang na wala siya ngayon sa kwarto niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Muntikan na niyang makalimutang kasama niya ang lalaking pinangarap lang niyang makatabi nang ganito.

Kyren is sleeping like an angel. Nakayakap dito sa kanya habang nakabaon ang mukha sa kanyang dibdib na halos ay nakasiksik na rin sa leeg niya. She's hugging him too and now she's afraid to move. Nagwawala na nga ang puso niya sa ganitong posisyon nila at mas natatakot siyang baka magising niya ang binata dahil dito.

It's early in the morning and she's already smiling like an idiot.

She wanted to stay like this but she know they can't. Lalo na at inaapoy pa rin ng lagnat ng binata. Labag man sa kalooban niyang umalis, kailangan na niya itong alagaan. Kulang na lang ay sabihin na niyang imposibleng umalis sa pagyakap nito sa kanya pero nagawan naman niya ng paraan na huwag itong magising. Napangiti siya nang gumalaw ito na para bang nanibagong wala na siya sa tabi nito.

Choosing herself means having this.

Lalo lang siyang napangiti sa isipang iyon.

Nanghiram muna siya ng mga damit dito. Kahit pang-itaas man lang ay makapagpalit siya.

Matapos ayusin ang sarili sa banyo ay dumiretso na siya papunta sa kusina— laking dismaya nga lang niya nang makitang puro alak na lang halos ang laman ng ref nito. Anong kinakain nito? Kumakain pa nga ba 'to sa lagay na 'to? Tinignan din niya ang mga cabinet na nandoon. Wala ring laman kundi puro instants lang. Naghanap siya kung may gamot man lang doon pero wala rin.

Napailing siya at napabuntong hininga. She needs to scold him bad. Ano bang ginagawa nito sa sarili nito?

Finding his car keys on his glass coffee table, she went out to shop.

Ilang cash lang ang dala niya pero sapat na iyon para makapag-stock siya ng ref nito. Dapat talaga ay makausap niya ito tungkol dito. Sakitin na nga ito ay wala pang ibang laman ang ref nito kundi alak. Sinong matinong tao ang gagawa noon?

“Lends?”

Agad siyang napalingon sa nagsalita at nakita si Ate Che— ang ate ni Chase.

“A-Ate…”

Ngumiti ito sa kanya. “I know what happened and you don't have to look like you're so scared of me. Chase told me about it and I wouldn't be like a crazy sister getting all mad because of your decisions…”

Bigla siyang kinabahan.

“But I would need your help, Lendall.”

Hindi ito ang pinakamagandang timing para pagbigyan ni Krexia ang kahilingan nito. Pero sino siya para tanggihan ang pangangailangan nito ng tulong? Che promised it wouldn't take much of her time kaya naman magkatapos nilang mamalengke ay nagpunta sila sa pinakamalapit sa coffee shop.

Hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman niya mula pa kanina.

“I'll be frank. It is Chase who needs your help.”

“A-Ano pong nangyari?”

“Our business in Cuba is in the brink of bankruptcy.”

Para siyang binagsakan ng langit sa sinabi nito. Malaki na nga pala talaga ang problema ng binata at dumagdag pa siya. Kinain siya ng guilt na hindi niya dapat nararamdaman ngayon. She made her decision and she shouldn't be feeling like this—like she's the one who's responsible for all of this.

“Your brother Kyren Montelvaro is buying the company.”

“W-What?”

Humigop nito ng kape para mapigilang ang paghikbi. “Noong una ay maayos naman ang usapan nila sa partnership para matulungan ng kuya mo si Chase. But all of a sudden…”

Unrequited to the DevilWhere stories live. Discover now