* Jana's PoV
Sinadya kong agahan ang pagpasok para maaga ko ding makausap si Lance. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko may malalaman akong malupit na sikreto tungkol sa kaluluwang nakasunod sa akin.
"Basta ang itanong mo lang kung kilala niya ba ako. Wag na wag mong sasabihin na nakikita mo ang kaluluwa ko." Pang ilang paalala na ba iyan? Dinaig pa nang lolo niyo ang unli.
"Oo na. Paulit ulit?" Sabi ko habang naglalakad papuntang court. Nandoon kasi si Lance dahil may practice sila.
Pagdating ko sa court ay naupo muna ako sa bleachers. Katabi ko ngayon si Vince na titig na titig kay Lance.
"Kaano ano ko kaya ang lalaking yan?" Tanong ni Vince.
"Pwede ba? May pangalan yung tao." Bulong ko sa kanya.
"Tss. Purkit manliligaw mo gusto mo nang pinapangalanan." Ang sungit talaga nito.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago sila natapos sa practice. Agad tumakbo si Lance palapit sa akin.
"Hi Jana." Nakangiting bati niya. "Waiting for me?"
"Ah oo. May gusto lang sana akong itanong."
"Oh sure. Magpapalit lang ako saglit." Tumakbo siya papunta sa shower room nila.
-------------
"So? Ano ba yung tanong mo?" Naglalakad na kami ni Lance papunta sa classroom ko. Ihahatid daw muna niya ako at syempre nakasunod sa amin si Vince.
"Hmm. Ano kasi eh." Kanina handang handa na ako sa itatanong ko pero ngayon parang biglang nawala yung lakas ng loob ko.
"Ano yun?" Tanong niya pa ulit.
"Kilala mo ba si Vince? Vince Montero?"
Kitang kita ko kung paano siya nagulat sa tanong ko. Nagpalinga linga pa siya sa paligid na para bang nag aalala na baka may ibang nakarinig sa tanong ko.
"How did you know him?" Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Yung seryoso.
"Kilala mo siya? Alam mo ba kung ano ang ikinamatay niya?" Imbes na sagutin siya ay nagtanong pa ako ulit.
"Magkita tayo mamaya after class. I'll tell you everything but promise me not to mention him with others." Seryosong sabi niya kaya napatango na lang ako.
Nang maihatid niya ako sa classroom ay umalis na din siya agad. Nakakainis. Pwede naman niyang sagutin lahat ngayon. Nakakacurious tuloy.
"Oh Jana! Ang aga mo ha." Hinalikan ako ni Pia sa pisngi nang dumating siya.
"Ganun talaga." Sagot ko na lang.
Nangako ako kay Lance na hindi ko na ulit babanggitin ang pangalan ni Vince sa iba. Kahit alam ni Pia ang tungkol kay Vince ay hindi ko pa din nasasabi sa kanya ang pangalan nito. Natatakot ako na baka kilala din niya si Vince at ngayon pa lang ay nagtatayuan na lahat ng balahibo ko sa sobrang kaba at takot tungkol sa totoong pagkatao ng kaluluwa na yun.
"Best, okay ka lang?" Tanong ni Pia nang mapansing tahimik lang ako.
Nginitian ko lang siya at tumango. Ngayon pa lang gusto ko nang hilingin na sana ay matapos na ang klase para makausap ko na ulit si Lance. Gustong gusto ko na talagang malaman ang lahat lahat tungkol sa multong yun.
Speaking of multo. Nasaan kaya ang isang yun ngayon? Ang dali lang para sa kanya na biglang mawala. Paano kaya kung pagkatapos ko siyang tulungan ay umalis na siya? Paano kung hindi ko na ulit siya makita?
Nang magring na ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase ay agad akong tumayo. Ang usapan namin ni Lance ay magkita kami sa parking lot. Agad akong nagpaalam kay Pia na nagtatanong pa kung saan ako pupunta pero hindi ko na nasagot dahil sa pagmamadali. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating doon agad.
Nang makita ko siyang nakasandal sa kotse niya ay naramdaman ko na naman ang kaba pero ngayon mas lamang na yung kagustuhan kong makilala kung sino ba talaga si Vince.
"Lance!" Tawag pansin ko sa kanya para kasing ang lalim ng iniisip niya. "Kanina ka pa? Sorry ha."
"No, it's okay. Tara na?" Tanong niya.
Kahit hindi ko alam kung saan ba kami pupunta ay napatango na lang ako. Agad niya akong pinagbuksan kaya sumakay na ako sa kotse niya.
"Hmm. Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makasakay na din siya.
"Sa bahay namin." Seryosong sagot niya kaya mas lalong nadagdagan ang kaba ko.
Wala sa sariling napalingon ako sa back seat. Hindi ko alam pero nakahinga talaga ako nang maluwag ng makita ko si Vince doon na titig na titig din sa akin.
I feel safe..