* Jana's PoV
Dalawang linggo na lang ay pasukan na ulit at ngayon ang unang araw ng enrollment kaya naman nag enroll na kami ni Vince. Yes. Kami ni Vince. Sa sobrang tuwa daw kasi niya sa pagsagot ko sa kanya ay nagtransfer na din siya dito sa school namin para araw araw daw niya akong makita at mabantayan.
Second year college na ako samantalang siya naman ay third year na.
"Gusto mo bang kumain muna?" Tanong niya. Nandito na kami ngayon sa kotse niya.
Napatingin ako sa relo ko. Medyo maaga pa naman.
"Sige. Jollibee tayo."
Nginitian niya ako at napailing na lang. Ewan ko ba. Basta gusto ko sa Jollibee kami kumain. After ng mabilisan naming breakfast ay dumiretso na din kami sa school sabi kasi ni Pia ay marami ng tao ngayon doon.
Pinagtinginan agad si Vince pagpasok pa lang namin sa campus. Tinignan ko si Vince na busy lang sa paglibot ng mga mata sa buong campus habang nakaakbay sa akin.
"Malaki din pala ang campus niyo."
"Pero mas malaki pa din ang Princeton. Bakit ba kasi lumipat ka dito?"
"Ayaw mo ba?" Nakangusong tanong niya kaya natawa na lang ako.
"Bessy!" Agad akong niyakap ni Pia ng magkita kami. "Hi Vince!"
Nginitian at tinanguan lang siya ni Vince.
"Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Medyo. Tara kuha na tayo ng registration form."
After naming makakuha ng reg form sa registar ay agad naming finill up-an ito at pumila naman sa cashier para magbayad. Mahaba ang pila sa cashier kaya naman nagkwentuhan na lang muna kami.
"Hi handsome." Napalingon kaming dalawa ni Pia sa likod ng marinig ang boses na iyon.
Nakita namin si Tricia ang nanalong Ms. Intrams last school year na nakatingin at nakangiti kay Vince. Nakaupo na kasi kami ni Pia samantalang si Vince ay nakatayo pa din sa likuran namin. Bahagya lang ngumiti si Vince. Akala ko titigil na si Tricia dahil hindi naman siya pinansin ni Vince pero nagsalita pa ulit ito.
"Ngayon lang kita nakita dito. Transferee?" Malanding tanong ni Tricia kaya napairap ako.
"Yes." Dinig kong sagot ni Vince.
At sumasagot pa siya? Hindi ba niya nahahalata na nilalandi siya ng babaeng yan?
"Are you alone?" Tanong pa ulit ng babae.
Naramdaman kong hinawakan ni Vince ang magkabilang balikat ko kaya nilingon ko siya.
"Are you hungry love? Gusto mo ibili kita ng makakain?" Malambing niyang tanong sa akin.
Tinignan ko si Tricia na ngayon ay mukhang hindi makapaniwala na pagmamay ari ko ang hinaharot niya. Nginitian ko ng matamis si Vince.
"Thank you love but no thanks. Just stay here." Nakangiting sagot ko kaya ngumiti din siya.
Binalik ko ang tingin ko sa harapan at naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo.
"I love you." Bulong niya kaya mas lalo akong napangiti.
Napatingin ako kay Pia ng magsalita siya.
"Kayo na sweet." Bulong niya habang umiiling.
Pagkatapos magbayad ay naglunch na muna kami.
"Hello there brother!" Napatingin kami kay Lance na nakangisi sa amin. Kasama niya ang mga kaibigan niyang minsan ko ding nakilala at nakasama. "May bisita ka nga pala."
Napatingin kami sa kanilang likod at nagulat na lang ako ng makita ko si Irene.
"Hi Vince." Nakangising bati niya saka ako tinignan. "Hi there Jana."
Hindi ko alam pero parang hindi ko gusto ang ideyang nandito silang dalawa ngayon. At anong ginagawa ni Irene dito? Nag transfer din ba siya? Napatingin ako kay Vince na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa kanyang kapatid at sa ex niya.
"What are you doing here?" Seryosong tanong ni Vince sa dalawa.
"Enrollment day di ba?" Malokong tanong ni Irene.
Parang hindi na siya yung babaeng unang nakilala ko noon na mabait. Ganyan ba talaga kapag nasasaktan? I feel so guilty dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
"Stop the bullshit Lance, Irene." Nanggigil na sabi ni Vince. Napatingin siya kay Irene. "And really Irene? Merging with my half brother?" Nakangisi pero naiinis na tanong niya.
"It's because you hurt me Vince!" Naluluhang sagot ni Irene. "I didn't leave your side! I waited for you. Hinintay kita kahit walang kasiguraduhan kung magigising ka pa. Then what? Dumating lang ang babaeng yan iniwan mo agad ako? You're so unfair!" Sigaw niya kaya tuluyan na naming naagaw ang atensiyon ng ibang estudyanteng kumakain dito.
"I'm sorry Irene, but i don't feel the same anymore. Si Jana na ang mahal ko." Seryosong sabi ni Vince.
"Now you know Jana?" Napatingin ako kay Irene ng tanungin niya ako. "He fell out of love. Maghintay ka lang dahil mangyayari din yun sayo. Kapag may dumating na bago mawawala ka na din sa eksena."