* Jana's PoV
Dalawang buwan na din ang lumipas ng maging kami ni Vince at masasabi kong worth it ang pagsagot ko sa kanya. He always makes me feel that I'm the prettiest girl in the world. Ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin na multo ang boyfriend ko. Pakiramdam ko nga totoong tao siya. Palagi niya akong pinapakilig sa mga simpleng banat niya sa akin.
How i wish his a human too..
"Nasaan ang dyowa mo?" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang tanong ni Pia.
Yes, alam ni Pia na kami na ni Vince. Noong una nagtaka siya kung bakit multo yung pinili ko samantalang meron namang tao na nanliligaw sa akin. Nandoon si Vince noon at kitang kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ni Pia. Pinaliwanag ko kay Pia na mas gusto ko si Vince at ng malaman niya na pinagpustahan lang ako nila Lance ay halos sugurin niya ito pero pinigilan ko na lang. What's the use right? I mean, masaya na ako kay Vince at iyon ang mahalaga.
Paglabas ko ay agad akong napangiti ng makita si Vince na nakatayo sa gilid ng guard house at hinihintay ako. See? Akala mo talaga totoong tao siya na naghihintay sa girlfriend niya.
Napailing na lang ako. Gusto ko siyang ngitian katulad ng ngiti niya sa akin ngayon pero hindi ko magawa dahil marami ang makakakita. I just want to shout to the whole wide world na kami na ni Vince pero alam kong hindi pwede. Sino ba naman ang maniniwala sa relasyon namin? Baka mapadala lang ako sa mental.
"I love you, Jana." Napangiti ako ng marinig ko ang mga salitang iyon kay Vince.
Magkatabi kami ngayon at matutulog na.
"I love you too." Nangingiting sabi ko.
"Kahit anong mangyari, just always remember that i am here for you. Kahit multo ako at wala akong kayang gawin para sayo hinding hindi pa din ako aalis sa tabi mo. Kahit nagsasawa ka na sa akin at kahit may iba ka ng mahal nandito pa din ako."
"Bakit ka ba ganyan magsalita? Tumigil ka na nga. Imbes na maniwala akong hindi ka aalis, feeling ko aalis ka eh." Napapikit ako ng halikan niya ako sa aking noo.
"I found my body, Jana. I want to stay here with you pero alam kong hindi na pwede. My body is waiting for me at may mga kailangan pa akong gawin at alamin. But i promise to comeback. Babalik ako sayo."
Akala ko panaginip o di kaya ay guni guni lang ang narinig ko noon pero totoo pala. Totoo pa lang iniwan na niya ako.
Dalawang linggo na ang lumipas simula noong mawala si Vince. Kahapon ay ibinalita sa TV na nagising na mula sa tatlong taong pagkakacoma ang nag iisang anak nila Mr. & Mrs. Montero. Ang tagapagmana ng Montero Corporation. At si Vince yon.
Dalawang linggo na din ang lumipas ng makagraduate kami ng grade 12. Umuwi si mama noon. Dapat masaya ako pero hindi. Hindi ako naging masaya kasi may kulang. Wala si Vince.
Pinunasan ko ang mga luhang nag uunahan sa pagtulo sa aking pisngi. Nakakainis! Bakit ba ako umiiyak? Dapat masaya ako na buhay naman pala siya. Dapat masaya ako na totoong tao pala ang boyfriend ko.
Then it hit me..
Natawa na lang ako habang umiiyak pa din. Hindi na nga pala kami. Kahapon nagpainterview siya kasama ang girlfriend niya. Ang totoong girlfriend niya. Ang girlfriend niya na matiyagang naghintay sa kanya.
Ang girlfriend niyang maganda. Mayaman. Edukada.
"Sabi ko na nga ba umiiyak ka na naman." Lalo akong napahagulgol ng marinig ko ang boses ni Pia.
"Ang s-sakit, Pia." Agad niya akong niyakap. "Sobrang sakit. B-buhay na pala siya. B-bakit hindi niya ako binalikan dito? Bakit may kasama na siyang i-iba? Sabi niya m-mahal niya ako eh."
"Shh. Stop crying na, Jana. Galing siya sa coma. Siguro nakalimutan niya na naglakbay pala ang kaluluwa niya. Ganon." Ang sakit naman. Ako pa talaga ang nakalimutan niya. "Pero wag kang mag alala. Malay mo bumalik yung alaala niya. Babalikan ka din niya." Pagpapagaan niya ng loob ko. "Wag ka ng umiyak. Tapos na ang bakasyon natin. Sa lunes balik school na tayo. Move on na bessy. First day na natin sa college!" Excited niyang sabi.
Hinayaan ko muna ang sarili kong ubusin lahat ng luhang meron ako. Pagkatapos nito, magsisimula ulit ako. Yung parang walang nangyari. Walang Vince na dumating sa buhay ko.
-------------
"Bessy!!" Napailing na lang ako ng marinig ko ang matinis na boses ni Pia.
"Omg! I'm so excited na! College students na tayo sa wakas." Ngiting ngiti niyang sabi at kumapit sa braso ko.
Hanggang sa makasakay kami sa jeep ay walang patid sa pagkwento si Pia. Nakakaloka talaga ang isang ito. Kung ako maingay ano pa kaya siya?
Huminga muna ako ng malalim habang nakatingin sa malaking gate ng university namin. Hindi na kami lumipat sa ibang school dahil okay naman dito.
This is the new start of my life.