1 - Report

70 13 43
                                    

Kapapasok palang ni Max sa opisina niya ay sinalubong na siya ng partner niyang si Budz.

"Pakner! Pinapatawag tayo ni Chief Alvaro." salubong na wika ni Budz sa kanya, ang partner niyang 5'7 ang height, mistisuhin, may makapal na bigote at medyo may katabaan sa edad niyang 28.

"Ang aga namang meeting n'yan. May bagong kaso ba?" tanong ni Max kay Budz habang inilapag ang kanyang itim na backpack sa upuan niya.

"Missing person. Tatlong araw na daw na hindi umuuwi. Kausap niya ngayon ang nanay nung nawawala."

"Tara!" maikling yaya ni Max sa kapareha habang inaayos ang baril niya sa holster nito saka naunang maglakad papunta sa opisina ng hepe nila sa 3rd floor ng building.

Dalawang beses na kumatok si Max sa pinto ng opisina ng kanilang hepe saka siya nakarinig ng mahinang "Come in!" mula sa loob. Pumasok sila ni Budz at sumalubong sa kanila ang mahinang pag-iyak ng isang ginang na nakaupo sa isa sa mga silya sa harap ng mesa ng hepe.

Nasa mga late 50's na ito at maaninag sa mukha nito ang pinagdadaanang malaking problema. Mugto na ang mga mata nito marahil ay dahil sa pag-iyak nito sa nakaraang dalawang araw mula nang hindi umuwi ang anak na dalaga.

"Alvarez! Romulo! Mabuti at nandito na kayo. Take your seats! Siya si Melissa Santos, ang nanay ni Analiza Santos. Pangatlong araw na ngayon mula nang hindi umuwi si Analiza sa kanila. Nakapasok pa ito sa trabaho noong Biernes pero hindi na umuwi mula noon." wika ni Chief Alvaro sa amin ni Budz sabay abot ng case file nito.

Pinasadahan ng basa ni Max ang mga information nito pati na ang larawang isinumiti ng ina ng biktima noong magfile ito ng blotter. Maputi, chinita at maganda si Analiza. Halatang may pinagmanahan sa unang tingin pa lang ni Max sa ginang na nasa harap niya.

"May boyfriend po ba 'yong anak n'yo Mam?" unang tanong ni Max sa kaharap niyang ginang. Baka isang kaso lang ito ng pagtatanan. Mabuti na 'yong malinaw ang posibilidad na 'yon para makausad sa ibang anggulo ng hindi pag-uwi nito sa kanila.

"Wala pa siyang naging nobyo. Hindi niya ugali ang umalis nang hindi nagpapaalam at napakamasunuring anak ni Anna." napahagulgol ang ginang. Tuluyan nang pinakawalan ang mga luha na pilit niyang tinitimpi.

Parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ni Max habang pinagmamasdan ang ina ni Anna na tumatangis dahil sa nawawalang anak.

"If that's the case Sir, this may be another kidnapping case. 'Yan ang anggulo na susundan namin." wika ni Max sa kanilang head.

Lalong napahagulgol ang ginang sa narinig nila mula kay Max. Hindi ito ang unang beses na may mga ina, ama, anak o kapamilyang humahagulgol sa loob ng opisinang ito dahil sa pag-aalala para sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pang-siyam si Aling Melissa sa mga magulang na nagreport na nawalan ng anak na dalaga. Nasa edad bente ang pinakabatang nareport na missing sa tatlong magkasunod na bayan ng Sta. Barbara, Sta. Ines at Sta. Catalina. Si Ana ang pangatlong dalagang missing sa Sta. Barbara na siyang huling nareport s headquarters nila Max.

"Alvarez, tutukan niyo ang mga kasong 'yan. Nakausap ko na ang chief of police sa Sta. Ines at Sta. Catalina and they'll forward the reports of other missing women under sa jurisdiction nila. I want you to submit your evaluation about the case this afternoon." utos ng hepe kay Max.

"Copy Sir!" tugon ni Max sa nakatiim-bagang na heneral na halata ang pagkadismaya sa mga nangyayari.

"Misis, asahan ninyong gagawin namin ang lahat para mabigyang linaw ang pagkawala ng anak ninyo. Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya para matagpuan ang anak ninyo." wika ng hepe sa ginang na kahit umiiyak ay makikitang nagkaroon ng kaunting pag-asa na makita ang anak.

Sinamahan nila Max at Budz si Mrs. Santos palabas ng opisina ng heneral.

"Mag-iingat po kayo palagi Mam." bilin ni Max sa ginang na sinuklian nitong isang pasasalamat kasabay ang isang pilit na ngiti bago lumabas ng headquarters.

"Kawawa naman si Mrs. Santos at 'yong iba pang mga magulang na nawalan ng mga anak." dinig ni Max na sambit ni Budz habang pabalik sila sa mesa nila.

"Medyo marami na ang nareport na missing Budz. Tingin mo iisa lang nasa likod nito?" tanong ni Max sa kasama ng makaupo sa silya niya.

"Hindi ko pa masasabi. Kailangan natin pag-aralan 'tong kasong 'to."

"Hintayin nalang natin 'yong reports mula sa Sta. Ines at Sta. Catalina police station para masimulan natin 'yong paggawa ng report." wika ni Max sabay tapik sa balikat ng kapartner.

Natanggap nila Max at Budz ang mga report galing sa dalawang opisina ng karatig bayan mga bandang alas dyes. Subsob sa case files ang dalawa at nagbreak lang sandali para mananghalian. Inihanda nila ang written report at slideshow na gagamitin sa pagreport nila kay Chief Alvaro mamaya.

Mga bandang alas tres ng hapon sila pinatawag ng hepe sa conference room para sa kanilang final report.

"Kumusta ang pagtutok niyo sa case files ng mga missing na dalaga?" pangangamusta ng hepe sa dalawang kaharap na tauhan.

"Siyam na babae na ang nareport na missing for the last six months. Sa Sta. Ines nareport ang unang babaeng missing." panimulang sagot ni Max sa hepe habang inaayos ni Budz ang laptop para sa mas malinaw na pagpapakita ng mga larawan ng mga naitalang nawawala na dalaga.

"Siya si Ryka Castro, bente anyos at nakatira sa Sta. Ines. Siya ang unang babaeng naireport na missing. Walang naging nobyo ayon sa kanyang mga magulang. Huling nakita sa pinagtatrabahuan nitong fast food chain sa bayan noong March 12, 2017. Night shift siya noong araw na napabalitang hindi na umuwi. Akala ng mga magulang ay nakitulog lang sa kaibigan kaya hindi nakauwi pero nalaman nilang hindi na pumasok kinabukasan. Negative din ang presence niya sa mga kaibigang napagtanungan ng kanyang mga magulang." salaysay ni Max habang pinapakita ang larawan ni Ryka sa monitor. Maganda, maputi, mahaba ang itim na buhok at medyo singkit. Napaka-inosenteng tingnan ng mga ngiti nito sa larawan.

"Si Beverly Granada ang pangalawang babae na naireport na missing noong April 13, 2017. Bente-dos anyos at taga Sta.Catalina siya. Kasalukuyang nagtatrabaho sa isang jewelry shop sa bayan noong araw na nawala. Same kay Ryka, sa jewelry shop na pinagtatrabahuan din siya huling nakita bago naireport na missing." isang babaeng morena na may alon-along buhok ang makikita sa monitor habang nagsasalita si Max. Magandang mukha na may mapupungay at mapangusap na mga mata.

Hindi nagsalita ang hepe kaya nagpatuloy sa kanyang report si Max hanggang maipakilala niya ang lahat ng dalagang naireport na missing. Mukha ni Anna ang pinakahuling nasilayan nilang tatlo bago patayin ni Budz ang laptop.

"I guess these are all kidnapping cases Sir. We checked with every victim's family and no one received a call for possible ransom negotiation." pahayag ni Max.

"So lahat ay missing lang pero walang kidnappers na humingi ng ransom?" pagkaklaro ni Chief Alvaro.

"Yes Sir, tama po. Isa sa possibilities na tinitingnan namin ay human trafficking." sagot ni Budz na sinigundahan ng isang tango galing kay Max.

Natahimik ang hepe at napaisip sandali dahil sa sinabi ni Budz. Iyon din ang unang pumasok sa isip nito habang nakikinig kay Max kanina habang ipinapakita ang lahat ng mga naging biktima.

"Dig deeper into these cases. Kailangan magkaroon tayo ng kahit kaunting lead sa bawat nawawalang babae. Alvarez, create a team of your own who will focus on these. Kaiangan maresolba ito sa lalong madaling panahon." utos ng hepe na puno ng determinasyon sa bawat salitang binitiwan.

Isang tango ang sinagot ni Max at Buds sabay tayo at sumaludo sa heneral. Sa palitan nila ng nagbabagang tingin ay alam nilang iisa ng kailang layunin ngayon . . . ang madakip kung sino man ang nasa likod ng pagkawala ng maraming kababaehan sa tatlong magkaratig bayan at ang mailigtas ang mga babaeng 'yon ng buhay para maibalik sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Saktong nakalabas na sina Max at Budz nang makasalubong nila ang humahangos na desk officer na si Agustin.

"Alvarez, may tawag galing sa Sta. Catalina Police Station. May natagpuang bangkay ng isang babae sa isang baranggay doon." wika ni Agustin kina Max at Budz.

Natahimik silang dalawa habang nagkatinginan ng makahulugan.  Unti-unting rumihistro sa mukha nila ang pag-aalala na dulot ng posibilidad na nabuo sa kanilang isipan.

Casanova's KissWhere stories live. Discover now