8 - Init

37 2 0
                                    

Dahan-dahang iminulat ni Anna ang kaniyang mga mata nang may maramdamang kakaibang lamig na kasunod ay hapdi at kirot sa kaniyang mga hita.

Napakabigat ng kaniyang mga talukap ngunit naroon pa rin ang kaniyang nararamdaman sa bawat pagdantay ng malamig na bagay na 'yon sa kaniyang hita na ngayon ay lumipat sa kaniyang sakong.

Malabo man ang kaniyang paningin sa unang pagbukas ng kaniyang mga mata ay pinilit niyang aninagin ang kaniyang paligid. Kalungkutan ang bumalot sa kaniya nang makilala ang kwartong naging piitan niya mula nang walang awang ikulong siya doon.

"K-Kumusta n-na ang p-pakiramdam mo, A-Anna?" umagaw ng atensiyon niya ang boses na 'yon dahilan upang mapadako ang kaniyang paningin sa babaeng nakaupo sa bandang gilid ng kaniyang hinihigaan.

Si Beverly.

Si Beverly na kita sa mga mata ang lungkot at sakit na nararamdaman dahil sa mga pasang tinamo nito sa mukha at mga braso. Kahit hindi niya nakikita ay sigurado si Anna na pati ang katawan nito ay mayroon ding mga pasa at sugat.

Ito ba ang ibig sabihin ni Maestro na ipinahamak ko pati si Beverly dahil sa pagiging suwail ko?

"P-patawarin m-mo k-ko, B-Bev." paghingi ni Anna ng tawad sa babaeng nakatunghay sa kaniya.

Kahit na paos pa rin ang boses niya ay pinilit niyang iparating sa naging kaibigan ang paghingi ng tawad.

"W-Wala k-kang k-kasalanan, A-Anna. S-Sadyang m-mapait l-lang t-talaga a-ang t-tadhana n-natin." tugon ni Beverly na hindi napigilang umagos ang luha sa mga mata.

Babangon sana si Anna para yakapin ang kaibigan ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit sa halos buong katawan niya na nagpabalik sa kaniya sa paghiga. Napakislot siya sa sakit lalo na 'yong parte ng kaniyang kaselanan.

Hindi niya maintindihan kung bakit pero ngayon lang niya naramdaman ang hapdi at sakit na 'yon na halos magpaluha sa kaniya.

"H-Huwag ka m-munang g-gumalaw. M-Magpahinga ka muna, A-Anna." utos ni Beverly kay Anna na kita ang habag sa mukha ng dalaga hindi para sa sarili kung hindi ay para sa kaniya.

"S-Si M-Maestro. . ." ang tanging usal ni Anna na nagsimula nang ngumoyngoy dahil sa reyalisasyon sa nararamdamang sakit.

Malabo man sa ala-ala ni Anna ang buong detalye ngunit alam niya na nangyari na ang kaniyang kinakatakutan.

Ang kinakatakutang kahayupan ni Maestro na imbes na labanan ay kusa niyang niyakap at pinahintulutang mangyari.

"H-Huwag ka m-mawalan ng p-pag-asa, A-Anna. H-Hindi pa k-katapusan ng m-mundo. M-Magpakatatag ka, A-Anna. M-May awa ang D-Diyos. H-Hindi niya t-tayo p-pababayaan." pilit na pagpapalakas ng loob ni Beverly kay Anna sa pagitan ng kaniyang pagluha.

"Bakit nangyayari sa akin to? Anong naging kasalanan ko para mangyari sa'kin to, Bev? Wala naman akong inabrabyadong tao." pagtangis ni Anna habang binabato ang mga tanong na 'yon na puno mg hinanakit sa boses.

Iniisip niya kung paano ba siya nasadlak sa kapahamakang 'yon? Iniingatan niya ang kaniyang sarili ng mahabang panahon tapos iyon lang ang kahahantungan.

Gusto niyang maniwala sa sinasabi ni Beverly pero Hindi niya maiwasang tanungin kung kasama ba ito sa mga plano ng Diyos na mangyari sa buhay niya? Ang masadlak sa kasamaang ito katulad ng ibang mga babaeng naging biktima ng hayop na Maestrong 'yon.

Hindi matanggap ng puso niya na sa kabila ng pagiging isang masunuring anak ay magiging ganito ang balik sa kaniya.

Naalala na naman niya ang pagngisi ni Maestro sa harap niya habang hawak-hawak ang hiringgilya na galing sa kahong kinuha nito sa isang cabinet sa loob ng kwartong pinagkulungan kay Anna.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 20, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Casanova's KissDonde viven las historias. Descúbrelo ahora