Party

36 2 3
                                    

IT WAS friday night,27th of October.Maya't maya akong tumitingin sa wrist watch ko.

"Darn it"bulong ko nalang.Malelate na ko sa birthday party ni Kyline!-my bestfriend.

I met her back when I was in elementary,ewan ko nga kung bat nakakaya ko yung babaeng yun.For some reason kasi mas gusto ng katawan kong mag-stick sa kanya at samahan sya.

At kung bakit ako nagmamadali?Well,as if I have a choice.Ang gaga pinupush na FO na kami at maglalaslas daw sya pag hindi ako nakapunta.

So immature right?

Kung normal ko lang syang kakilala siguro dinedma ko sya at natulog nalang sa bahay.But I know Kyline.Lahat ng sinasabi nya,for sure gagawin nya.Minsan nga nakakainis na yung pagkachildish nya.Wala kasi sa lugar.Hindi pa bagay sa kanya dahil sa bulto ng katawan nya.

Wala namang mali sa katawan nya.It was cute and attractive.Nasasabi ko yun kahit babae din ako.Minsan nga I envy her because of her body.Pano ba naman,Kyline has a fair white and beautiful skin.Biniyayaan pa ng height.Tuloy kahit 5'6 ako,ang liit ko pa rin minsan tignan kapag kasama ko sya.

Too much of Kyline the birthday girl.Baka madistract ako sa pagdadrive.

I was focusing on the road nang magring yung cellphone ko.Gabi na naman at wala na naman sigurong pagala-gala sa daan diba?I guess I can check kung sinong tumatawag.

Ibinaba ko yung tingin ko at kinuha ang cellphone ko sa passenger seat.Nangunot ang noo ko nang makitang si Kyline yung nasa caller ID.

Bukod pa sa si Kyline ang tumatawag,nagtaka ako nang makitang may basag ang malaking parte ng cellphone ko.Kanina naman wala yun ah?

Di ko lang siguro napapansin.

At balik ulit kay Kyline,natext ko na naman sya kanina nung paalis na ko.At hindi naman nya gawaing tawagan ako habang nagdadrive.Kasi alam nyang dalikado.Minsan paranoid din sya,pero okay lang naman yun sakin.Atleast nararamdaman kong may pake sya.And besides,ganun din naman ako sa kanya minsan.

Sasagutin ko na sana yung tawag nang maramdamang may natamaan akong kung ano.Napaharap ako sa daan at dali-daling inaapakan ang preno nang makitang may pulang likido sa gilid ng windshield ko.Tapat mismo ng driver's seat na kinauupuan ko.

Dugo ba yun?

Teka,kung dugo man yun...

"...hell"bumilis ang tibok ng puso ko.May nasagasaan ba ko?Pero bat wala akong narinig?Impusible naman yun diba?

Tumingin ako sa rearview mirror para makita ang dinaanan ko.Nangunot ang noo ko nang makitang malinis naman ang daan.Walang kahit anong naroroon.Wala ding bahid ng pulang likido gaya ng nasa windsheild ko.

Humarap ulit ako sa daan.Edi san nanggaling yung pulang likido sa windshield ko?Kung kanina pa man 'to,bat hindi ko napansin agad?

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko.Parang lumamig din sa loob ng sasakyan ko.Gaya ng mga nababasa at napapanood kong horror at paranormal stories.Kung saan biglang makakaramdam ng kakaiba yung bida,at dun na magsisimula yung takbo ng kwento.

Stop,Jessa.Tinatakot mo lang ang sarili mo.

Umiling-iling ako.Kinuha ko nalang ang cellphone at tuluyang binuksan.Sunod-sunod ang messages galing kay Kyline.Kanina tawag,ngayon naman text?

Ah oo nga pala,walang ring tone ang message ko.Siguro kaya tumawag muna si Kyline para makuha nya yung atensyon ko.

Para san pa ba kasi ang paglalagay kung wala rin namang nagtetext sakin diba?Tanging si Kyline lang naman yung active sa contacts ko na parang di nawawalan ng load e.

Where Nightmare StartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon