Listen

14 1 0
                                    

"AH SYA yung nabaliw na anak nang dating librarian"

Ibinaba ko ang libro kong hawak.Nasa likod ko lang nanggagaling yung boses na narinig ko.

Ano ba naman yan,pati library di na pinatawad ng mga tsismosa.

Tumayo nalang ako para humanap sana ng malilipatan.Pero parang wala nang vacant.Ayoko namang ma-stuck dito sa pwesto ko.Hindi rin ako makakapagreview ng maayos.

Sigh,mukhang ginagawa na ni tadhana ang lahat ng paraan para hindi ako makapag-review sa darating naming periodical test.

Sinukbit ko ang bag ko saka binitbit yung mga libro kong kinuha.Siguro iuuwi ko nalang 'to.Yun kung papayag ang librarian.

Palapit na ko sa main door ng library kung san din nakapwesto ang librarian nang may babaeng humarang sa daan ko.

I'm not the rude type,kaya nginitian ko nalang sya kahit medyo nabigla ako sa pagsulpot nya.

"Uhm,miss anong problema mo?"sabi ko gamit ang kalmado kong boses at habang nakangiti.Eto ang kinaiinisan ko sa sarili ko.I found myself as a plastic human being.Kasi kahit iba yung pinapakita ko sa labas sa nararamdaman ko deep inside.But atleast nakikita nilang mabait ako.Buti nga yun e,dapat magpasalamat pa sila.

"Can you hear them?"I stared at her.Hear who?May naririnig ako,yung mga nagtsitsismisan pa rin.Pero yun ba yung tinutukoy nya?

"Yung mga nagtsitsismisan ba?"umiling-iling sya ng mariin.

"I know you can hear them"

Nanlaki bigla ang mata ko ng hawakan nya ang kamay ko at higitin.Sinubukan kong bawiin yung kamay ko pero sobrang higpit ng hawak nya.

Nanayo ang balahibo ko nang tumigil kami sa pinakatagong parte ng library.Sobrang lamig kahit hindi abot dito ang aircon at walang kabinta-bintana.

"Who are you?"tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.Ngayon ko lang napansin na andumi pala nya-yung uniform nya may kung ano-anong mantsa.Tapos yung buhok nya ang gulo pa.Wala din syang suot na tsinelas.How come na nakapasok sya ng school ng ganyan ang ayos nya?

Malikot ang mga mata nya.Nanginginig din sya.Para syang takot na takot.What happened to her?

"You can hear them right?"pangungumbinsi nya sakin na para bang bata na pinipilit paniwalain ang mga magulang nya na totoo ang imaginary friend nya.

"Wala akong naririnig"

"Meron kang naririnig.You just pretend.Listen very carefully,you can hear their voices right?"I closed my eyes.

"I hear nothing"naramdaman ko ang mga kamay nya sa balikat ko kaya dumilat ako.Nakatitig sya sakin-sobrang sama ng tingin nya.

"They are asking you for help.Bakit hindi mo sila tinutulungan?!"tinanggal ko yung kamay nya.

"I said I hear nothing!"tumakbo na ko palayo.Hindi ko sya nalingon.Irereport ko sya.Hinarass nya ko.At mukha pang di alam nang mga kinauukulan na may nakapasok na baliw sa school.

I kept running and running pero parang umiikot lang ako.Parang walang labasan.Parang walang katapusan.

Tumigil ako.Kahit natatakot,lumingon ako para makita kung nakalayo na ba ko sa baliw na babaeng yun.

But I was affraight when I saw her standing few steps away from me.Alam ko sa sarili kong matagal akong tumakbo at mahaba ang pasilyong tinakbuhan ko.Pero bakit parang di ako lumayo?Bakit nandun pa rin sya sa iniwanan ko sa kanyang lugar kanina?

I saw a smile forming in her face.Paatras ako ng paatras habang lumalapit sya sakin.

"Hindi ka makakatakas sa mga naririnig mo,Irene"

Napahawak ako sa malamig na nasa likuran ko.Dead end na ba?Hanggang dito nalang ba ko?Papatayin ba ko nang baliw na kasama ko?And how did...

"H-how did you know my name?Wala akong sinasabi sayo"mas ngumisi sya sakin.

"Turn around,Irene.She'll explain you everything"without any doubt,sinunod ko sya kahit natatakot ako sa kanya.

I turned and I saw a familiar figure.Isang babaeng nakatitig lang sakin.

Aatras na sana ako nang mapansin kong ganun din ang gagawin nya.Nangunot ang noo ko,ganun din ang kanya.

I gasp at napaiyak nalang ako.She looks so much in pain.May sinasabi sya pero hindi ko marinig.Daig ko pa ang bingi.

"Take away your fear,Irene.Listen to her"tinakpan ko ang bibig ko para pigilang hugulgol.

Takot na takot na ko sa mga katotohanan.Kaya pinili kong magbingi-bingihan sa mahabang panahon.

Pero tingin ko kailangan ko nang tapusin 'yon ngayon.

Nagsasalita pa rin sya.Unti-unti ko nang naririnig ang mga sinasabi nya.Hanggang sa mapagtanto ko kung ano mga iyon.Ang dahilan kung bakit mas pinili kong wag makinig sa kahit na sino.

Nakita ko ang pagngiti nya.Kasabay nun ang pagbagsak ng katawan ko.

***

"SYA NGA yun"

"Hala anong nangyari?"

"Magigising na ba sya?"

"Kaya pala pamilyar"

Dahan-dahan kong dinalat ang mga mata ko.Ang labo nang paligid.Pero unti-unti itong lumiwanag at luminaw.

Napayakap ako sa sarili ko nang makitang marami ang nakapaligid saking estudyante.Pare-pareho nila akong tinititigan.Mga titig na puno nang awa at panghuhusga.

Tumayo ako at tumalikod.Sumalubong sa akin ang babaeng nakita ko.Nakakaawa ang hitsura nya.Para na syang basura.

"Ayos lang yan,Irene.Sakin ka kang makinig.Sasamahan kita parati.Ako lang ang kakampi mo"

Napaiyak ako sa sinabi nya.

Tama.Sarili ko lang ang dapat pakinggan ko.Sarili ko lang dapat ang pagkatiwalaan ko.

Where Nightmare StartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon