Bus

18 1 0
                                    

YOU WERE standing in the bus stop.Exact 2:30 nang madaling araw.Inis na inis ka pa.Pano ba naman,ang galing kasi nang mga kagrupo mo.Natawag ngang group project,pero parang individual project lang din dahil ikaw lang naman ang kumikilos.

At kung kelan patapos ka na,saka pa tumulong ang makakapal ang mukha mong mga kagrupo.Tuloy,nasermunan mo sila nang di oras.Maraming oras ang nakain at nasayang.

Palipat-lipat lang ang tingin mo sa relos mo at sa daan.

Bwisit,may dadaan pa bang bus sa gantong oras?

Alam mo sa sarili mong straight ka naman na lalaki.Pero di pa rin mawala-wala sayo yung kaba,lalo pa't tahimik lang ang paligid at malamig pa ang hangin.Para ngang sumusuot ang lamig na 'yon sa iyong kalamnan.Masyadong panghorror yung vibe.

Iwinakli mo sa iyong isipan ang mga bagay na magpapatakot lang sayo.Kinuha mo nalang ang earphones at cellphone mo sa maliit na bag na iyong dala.

Kailangan mong malibang.

Yun ang tumatakbo sa isip mo sa mga oras na yun.Dahil kung hindi,baka mas lalo pang kung ano-ano ang tumakbo sa isipan mo.

Hindi ka na pumili pa ng kanta,tinuloy mo nalang ang huling kantang iyong napakinggan kanina.Nasa kalagitnaan ang pause nun,pero ayos lang.Atleast kakalma ka na.

Nakailang kanta din ang lumipas at wala na ang iyong kaba.Suwerte din dahil paglingon mo sa iyong kaliwa,may nakita ang ilaw ng sasakyan.Hindi lang basta sasakyan—isang bus!

Gusto mong tumalon sa tuwa dahil sa wakas may dumaan na ring bus.

"Sa may Matuninong bridge po.Magkano dun?"tinanguan ka lang nang kundoktor saka driver.Nangunot ang noo mo,di mo maintindihan ang ibigsabihin ng tangong yun kaya pinakita mo sa kanila ang nagtataka mong mukha.

"Libre ka na.Dun din naman malapit yung garahe namin.Swerte mo"natuwa ka naman.

Siguro pambawi lang 'to sa mga kamalasan ko ngayon.

Uupo ka na sana sa may malapit sa driver at kundoktor nang may makita kang babae sa pinakadulong bahagi ng bus.Nakatingin lang sya sa labas ng bintana at parang tumataas-baba ang balikat nya.Umiiyak sya.

Ewan mo ba,di mo naman gawain ang mangialam sa buhay ng iba.Pero ngayon parang may nag-uudyok lang sayo na maging pakialamero.

Kahit umaandar na ang bus,naglakad ka pa rin papuntang dulo.Tinabihan mo yung babae.Pero nag-iwan ka ng distansya.May hiya ka pa rin naman sa katawan.

"Okay ka lang?"napatigil ang babae nang magsalita ka.Lumingon ka sa harap para tingnan ang kundoktor at driver ng bus,wala naman ang atensyon nila sainyo.

Lumingon sayo ang babae.Kinunotan ka nya ng noo.

"Anong oras na ah?"out of nowhere natawa ka. "Anong oras na naman talaga ha?"

"Alam ko,pero ikaw dapat sinasabihan ko nyan diba?Babae ka e.Dapat nasa bahay nyo na ikaw"bumuntong hininga ang babae.Parang may dinidibdib na kung ano.

"Anong oras na?"kinuha mo ang cellphone mo at tinanggal mo na rin ang earphones mo.

"3:00 AM,bat mo natanong?"umiling-iling lang sya.Kaya nagkibitbalikat ka nalang. "Bat ka pala umiiyak?Anong meron?"

"Wala.Mahirap iexplain"pero kabaliktaran nun ang nababasa mo.May laman yung salita nya.Parang pinapahiwatig na dapat nyang maging mapilit sa ngayon.

Ang hirap talaga intindihin ng mga babae.

Ginawa mo na ang tumatakbo sa isip mong dapat gawin.Pinilit mo syang magkwento.Kakaiba sayo ang ganun dahil wala ka namang pake sa mga tao.Buti nalang at nagkwento din naman sya.

Miranda de Leon ang pangalan nya.Taga Poblasyon Mercedes,ibigsabihin mauuna syang baba sayo.

Medyo magulo ang kwento nya.Basta ang naiintindihan mo lang sa lahat,galit sya sa tatay at kapatid nya—sa totoo lang ay sa buong pamilya nya.Kinamumuhian nya daw ang mga yun.Pero di naman nya sinasabi ang dahilan.

Mga ilang minuto din ang lumipas matapos nyong magkwentuhan,naramdaman mo ang pagbigat ng talukap mo.Inaantok ka na.Normal lang naman sayo ang matulog sa byahe.Pero siguro dahil sa may kausap ka ngayon,nawala sa isip mo ang pagod.

"Gagamitin mo ba yang earphones mo?"tinignan mo si Miranda na nakatingin sa hawak mong earphones.

"Ah hindi,hihiramin mo ba?"tumango-tango si Miranda kaya ibinigay mo naman sa kanya.Sa totoo lang ay gagamitin mo talaga yung earphones.Nakasanayan mo kasing nakasukbit lang yon sa tenga mo.Pero nakakahiya namang tumanggi.

Umurong ka nalang palapit sa kabilang bintana saka dun sumandal.Pumikit ka na.Damang-dama mo ang pagod.Tuluyan nang nagdilim ang mundo mo.

***

NAPADILAT KA bigla.Ang sakit ng ulo mo.Heto ang pinakaayaw mo sa lahat—ang maalimpungatan.Para kasing ewan sa pakiramdam.

Tumayo ka na.

"Manong sa Matuninong bridge lang po ako.Malapit na po ba?"lumingon ang kundoktor sayo at itinaas ang hinlalaki nya.

Lalapit ka na sana papunta sa kanila kahit pa umaandar ang bus nang maalala mo ang nakatabi mong babae.Nilingon mo ang puwesto nyo kanina.Wala nang kahit anong bakas nya doon.

Ah baka bumaba na.

Tuluyan ka nalang lumapit sa driver at kundoktor.Umupo sa upuang malapit sa pintuan.

"Bumaba na po pala yung babae?"parang kating-kati ang dila mong itanong yun kaya ginawa mo na.Kesa naman manatili kang tahimik at hayaan mo ang sarili mong mag-isip ng kung ano-ano.

"Sinong—"

"Oo bumaba na"nagtaka ka nang putulin nang kundoktor ang tanong ng driver.Kahit medyo wirdo,di mo nalang pinansin.

Pinagkainteresan pa ata yung mumurahin kong earphones.

Napailing-iling ka nalang sa naisip mo.

Nang matanaw mong malapit na kayo sa bababaan nyo ay pumara ka na agad.Ayos naman sayong maglakad nalang.Medyo lumiliwanag na rin naman kasi.

Hanggang sa makarating ka ng bahay nyo ay napapaisip ka pa rin na ang babaw naman ng babaeng nakausap mo para mapag-interesan ang earphones mo.Maiintindihan mo pa kung cellphone,kasi malamang may matinding pangangailangan yun.

Teka,maiintindihan ko?

Natawa ka ng pagak.

Pero yun nga.Yun naman kasi ang normal na pagkainteresan ng mga magnanakaw diba?Ngayon lang ata yung nagnakaw nang earphones na mumurahin.

Tahimik ang buong bahay nyo.Malamang tulog pa ang mga tao.Sa buong pamilya mo ata ikaw lang ang hindi matakaw sa tulog at tulog mantika.

Umakyat ka na papuntang kwarto mo.Pagod na pagod kahit nakaidlip ka naman sa bus.

Tutal hindi ka na naman dalawin ng antok,kinuha mo nalang ang laptop mo.

Kusang gumalaw ang mga daliri mo.Hanggang sa ienter mo na ang tinype mo.

Miranda de Leon

Sa iyong gulat,nakita mo agad ang kanyang mukha.Akala mo mahihirapan kang hanapin sya.

Nakangiti mong clinick ang unang link na naroroon.Lumabas ang social media account nya.Nagtaka ka nang makitang mukhang yayamanin naman pala sya.Kung ganon,bakit naman nya nanakawin ang earphones mo?

At ninakaw nga ba nya ang earphones mo?

Sa iyong kuryusidad ay naghanap ka pa ng impormasyon tungkol sa kanya.Napailing-iling ka sa nabasa mo.Hindi maaari.Impusibleng mangyari yun.

Pinatay mo ang laptop mo saka tulalang lumapit sa kama mo.Pumikit ka ng mariin saka humawak sa balikat mo.Napakaimpusible.

Humarap ka nalang ulit sa gawi kung nasaan ang laptop mo at laking gulat mo sa nakita mo.Nanindig amg balahibo mo.Para kang pinako sa kinatatayuan mo.

Ang earphones mo.Nakapatong sa laptop mong kakasara mo lang.

Ang earphones mong hiniram nang babaeng nagngangalang Miranda de Leon na dalawang taon nang pumanaw dahil sa pagka-aksidente sakay nang bus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where Nightmare StartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon