chapter #8

637 40 22
                                        

danica's pov

"uy dan, ayos ka lang?" tanong sakin ni jeno. binaba nya yung gitara nya sa desk at tinapik-tapik ako sa balikat. napabuntong hininga ako at tumango sa kanya.

"ayos lang ako, makakaya ko to! hwaiting!" pag-cheer up ko sa sarili ko. tama yan dan, inhale exhale. whooooo kaya ko to!

"ayown, para na rin pansinin na ako ni jaemin. aba, binibigyan ko na nga ng paborito nyang taho kanina, sinungitan pa ako!" pagsumbong nya sa akin. natawa ako ng konti, kahit kelan talaga si jaemin. ang taray HAHAHA

"nasan na ba sya?" tanong ko. napatingin sya sa paligid na para bang naghahanap.

"di ko lang alam. baka nasa field na yun at nag p-practice. bukas kasi gaganapin yung ball games para sa intrams kaya bukas yung laro nila." sabi nya sakin kaya napa-tango nalang ako.

kinanta ko sa isip ko yung kakantahin ko para kay jaemin. di naman ganong kaganda yung boses ko pero sana magustuhan nya... relate ako sa kantang to eh.

di ko alam, bakit nga ba ako nainlab sa mataray kong bespren na to? okay, gwapo sya sige. kaso mas ako kaya hmp! di naman sya mabait, ang sungit nga eh! lagi akong inaasar, tapos parang bakla kumilos.

bakit sya, nagustuhan ko kahit ganyan sya. bakit ako, di nya ako magustuhan dahil ganito ako?

nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. ang bigat sa pakiramdam, itutuloy ko pa ba yung gagawin ko?

"psst dan! ayan ka na naman! ayos ka lang ba talaga?" tanong ulit sa akin ni jeno. napatingin ako sa kanya,

"pwede bang mag backout? di pa ako ready. di pa ako ready na ma-reject." sabi ko at nilagay yung dalawang kamay ko sa mukha ko. di ako umiiyak, okay? kinakabahan lang.

naramdaman kong lumapit pa sakin si jeno at hinimas yung likod ko, "di ka irereject nun. tiwala lang."

"pano ka naman nakakasigurado? di naman ako gusto nun." sabi ko. nasan na yung confidence ko kanina? bakit ka umalis? i need youuuu huhuhu

"sinabi nya ba sayong di ka nya gusto?" tanong nya sakin. tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko at napatingin nalang sa baba.

"hindi..." bulong ko. "pero di na nya kelangang sabihin. ramdam ko eh, alam ko namang iba yung gusto nya sa babae. hindi yung katulad kong mas lalake pa sa kanya. ni hindi marunong mag-ayos ng sarili, imbis na chinese garter ang nilalaro, jolen at teks yung hawak ko. meron bang magkakagusto sa babaeng ganito?" sabi ko pero di ako naiiyak. tanggap ko naman na matagal na eh. nakaramdam nalang ako ng palo sa braso ko kaya napatingin ako kay jeno nang nakataas yung kilay at pinalo sya pabalik. aba!

"alam mo dan, masyado mong binababa yung sarili mo. eh ano ngayon kung mas lalake ka pa sa kanya? eh ano ngayon kung di pambabae yung mga nilalaro mo? di naman kasi yan yung sukatan sa pagibig eh. kung mahal ka, tatanggapin ka. masyadong puno ng negative thoughts yang utak mo eh, kung gawin mo muna kaya para malaman natin yung resulta? hindi yung puro hypothesis ka lang." pag-sermon nya sa akin. napabuntong hininga na naman ako.

tama sya. i should be brave! si danica jeon ata to!

"salamat jeno. di ko talaga alam gagawin ko kapag wala ka." sabi ko at niyakap sya. nagulat sya pero niyakap naman nya ako pabalik. uy wag kayo, kay jaemin pa rin ako HAHA

"korni mo dan, ganyan ka pala pwe. joke lang! walang anuman." sabi nya at tinapik ng mahina yung likod ko bago nya kalasin yung pagkakayakap ko sa kanya.

inayos ko naman yung cap ko. mahal na mahal ko kasi tong sumbrero ko eh HAHAHA

"anong oras daw ba magbubukas yung mga booth?" tanong ko ulit. kung di nyo natatanong eh, vice president ng school tong si jeno!

"mamaya pang 9:00 pagkatapos ng opening ceremonies. di ka naman siguro excited eh noh?" sagot nya sakin na may pa-follow up question.

"hindi sa excited ako, gusto ko lang matapos na kaagad tong araw na to huhuhu!" sagot ko sa tanong nya. nag-'tss' sya tapos tumawa ng mahina. eh hindi naman talaga eh :<

_________

jaemin's pov

"jaemin, focus! ayan lang yung bola sa harap mo, naagaw pa sayo!" sigaw sakin ng coach namin, si mr. choi. tinuro nya ako at nag-gesture na umupo muna ako sa bench at may ipapasok na sub-player.

uminom ako sa tubig  kong dala, pero di parin naaalis yung tingin ko sa dalawang tao na nagyayakapan ngayon.

tama si coach, nasa harapan ko na nga sya, naagaw pa ng iba.

"psst jaemin! ayos ka lang?" biglang may umupo sa tabi ko habang tinatapik ng mahina yung balikat ko. i smiled at him weakly

"ayos lang ako, ten hyung. salamat." sagot ko sa kanya. nakita ko syang napatingin sa tinitingnan ko kanina

"oh, di mo ata kasama si dan ngayon?" tanong na naman nya sakin. di nga pala nya alam- aju nice naman tong si ten hyung. saktong ngayon pa nagtanong oh

"a-ah.. ano k-kasi eh... gusto nya si jeno." sabi ko at napapikit ng matagal. inaamin ko na sa sarili ko na di ako gusto nya okay? ilang beses ko na yan pinasok sa kokote ko at binaon sa puso ko.

"oh? gusto rin ba sya ni jeno?" tanong na naman nya. napatingin ako sa kanilang dalawa. tumatawa si jeno ngayon..

"baka." matipid kong sagot.

alam naman ni jeno na gusto- wait scratch that. na mahal ko na si dan eh. bakit... bakit nya to nagawa sa'kin? at bakit sya pa? di sya sumunod sa bro code naming magkakaibigan.

"naks, lumalablayp si jeno ah." kumento ni hyung kaya napatingin ako sa kanya at tiningnan sya ng masama. tumingin naman sya na parang sinasabing, 'bakit ano ginawa ko?'

"lakompake kung maging sila pa hyung okay? kaya wag ka nang magtanong sakin. sila chikahin mo tungkol dyan." sabi ko sa kanya at uminom nalang ng tubig.

"sows naman to. wala raw pake?" tanong nya ulit sakin at tinulak ako ng mahina lang. di ko nalang sya pinansin, "eh ayon sa nasagap kong chismis eh, gusto mo yang si dan."

muntik ko nang maibuga yung tubig na nasa bibig ko nang karinig ko yung sinabi ni hyung. napatingin ako sa kanya ng nanlalaki yung mata, "a-ako? h-h-hindi ah!"

"wag mo akong pinagloloko jaemin, alam kong alam mo sa sarili mo na gusto mo sya." sabi nya sakin. napayuko nalang ako. "bakit di ka umamin?"

"para saan pa? eh kita mong masaya na sya kay jeno oh." bulong ko. ginulo naman nya yung buhok ko.

"alam kong mahirap umamin ng nararamdaman mo para sa isang tao. oo masaya nga sya, pero ikaw ba masaya? minsan kasi isipin mo rin yung sarili mo. hindi naman sa pagiging selfish pero may karapatan ka rin namang sumaya ah?" pag-payo sakin ni hyung. napatingin ako sa kanya... he's right. pero ayos lang na masaktan ako, kung ikakasaya naman ni dan. korni, alam ko.

"ayos lang sakin hyung... ayos lang na di na nya malaman kung masaya naman na sya. nagseselos man ako, di ko na sasabihin. nasasaktan man ako, kakayanin ko parin. kaya kong tiisin lahat hyung, ayos lang sakin ang masaktan ng patago para lang sakanya. ayos lang sakin na masaktan at magkunyare na parang walang nangyare. ayos lang..." sabi ko at agad na pinunsan yung luha na tumulo sa  mata ko. napa-buntong hininga nalang sakin si hyung.

"kung yan ang gusto mo... gusto lang naman kitang palaging masaya eh. there's nothing wrong about being rejected. mas nakakahinayang yung di ka umamin at sumuko ka kaagad." sabi nya ulit sakin bago magpaalam na aalis na sya at mag p-practice sya ng sayaw para sa contest.

sabi nga ni coach, nasa harap ko na nga, naagaw pa ng iba.

eh pwede ko namang agawin yun ulit kung gagawa ako ng paraan diba? at kung nagkataon, magkakapuntos din ako sa puso nya!

napangiti ako at tumayo, nilapitan ko si coach at sinabing ayos na ako. tama yan na jaemin, agawin mo sya pabalik!

bakit 'di ka crush ni na jaemin?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora