Chapter 2- Abby

11.8K 277 12
                                    

           

Abby's POV

"I made a deal with Red." I said to Ace over the phone. Inaayos ko ang mga gamit ko ng mga oras na iyon. Lahat ng passport ko, kailangan kong dalin. I have a lot of passports. Depende kung anong pangalan ang ginagamit ko.

My name is Abby. But sometimes I am Abby Medina. Abby Mendoza. Abby Arellano. Abby Corñejo. Only Ace, Kyle and Marcus knows my real name.

"So I've heard." Ace replied. Hindi na ako nagtataka na alam niya. Pero siyempre, as a respect, I need to tell him.
"Pinag-isipan mo ba? O dahil makakalaya ka lang sa contract sa kanya?"

"Pinag-isipan ko ng mga 2 seconds." I replied habang sinisilid sa body bag ang mga baril, bala, kutsilyo at bulletproof vest sa isang duffle bag.
"Alam mo bang kung sino ang kalaban ni Ayano?" May pag-aalalang tanong ni Ace.
"The Red Dragon Triads." I replied. "Nabasa ko ang report na nasa file. But..." Will they help me ngayong retired na sila. "...you will help me on information right?"
"Abigail..." Ace said on the same tone that he used on his twin. "You know you can count on us...pero sigurado ka ba sa gagawin mo?" May pag-alalang tanong nito.
"I can do this. Ikaw ang nagturo sa akin humawak ng baril di ba?" I told him.
Si Ace ang nakapulot sa akin sa Metro Manila. Isa ako sa mga kabataan na nawalan ng magulang dahil sa droga. Pinilit kong buhayin ang kapatid ko hanggang sa makakaya ko. Pero kinuha siya sa akin ng isang sindikato na nagbebenta ng internal organs ng mga bata.

Doon nagsimula ang galit ko sa mundo. Halos mamatay ako dahil sa pakikipag basag ulo sa kalsada. Nakita ako ni Ace ng minsang mag-agaw buhay ako dahil sa tama ng bala.
Hinulma ni Ace ang galit na yun at ginawa iyong sandata. Ang pinaka-magandang sandata para sa akin. Kaya kong pumatay ng hindi naawa. Dahil ang puso ko, nailibing kasama ng kapatid ko. Naging assassin ako sa edad na 21. Ang una kong napatay? Ang pinuno ng sindikatong pumatay sa kapatid ko. Kinuha kami ng US Government para maging mercenary. Meaning taga ligpit ng hindi nila kayang iligpit in Public because of Human Rights. Hawak kami ng US Government pero hindi alam ng public. We were their dirty secrets that doing their dirty jobs.

"Minsan, tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang ginawa ko sayo Abby." I heard some regret on his tone which I didn't like. He gave me life after that night. Siya ang pinaka-kuya ko. Siya ang naging pamilya ko hanggang sa makilala ko si Kyle at Marcus na naging pamilya ko na din kinalaunan.
"You did what is best for me Ace." I told him honestly.

"Mag-iingat ka sa Japan. O sa kung saan man kayo pupunta si Ayano." Paalala nito.
"Ace, give me the file of that woman who wants him dead."
"It will be in your email tonight. Keep in touch Abby. Call us anytime."

Naabutan ko si Ayano na kasama ang famous na tropa dito sa Country Club. I am not one of them but Ace, Marcus and Kyle are. So I am kinda included but not quite.

"Hey... where will I put my things? Do you have a car with you?" tanong ko kay Ayano.
"I have a name... Don't be a rude. And yes I have a car." He gave me his key and asked me to put it myself. The girlsquad were staring at me minus Kaye. Baka nagseselos pa si Angel kay Ayano.

Wala naman akong negative vibes sa kanila. Mabait sila actually. Hindi mo nga akalain na ang daling kausap ng mga ito lalo na si Marie. But then again, I still have reservations when it comes to being with a girl group. Nasanay na kasi ako na mga lalaki ang kasama ko.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa kotse ni ayano. Leaving my car at the parking, Ace knew what to do with it. Nilagay ko sa ilalim ng front seat ang bag ng baril ko.

Bumalik ako sa loob at umupo sa tabi ng table nila. Hindi ako mostly nakikijoin.

"Abby, dito ka sa amin. Mag-isa ka lang diyan." Kaway ni Diane. See what I mean? I am sort of friends to them but not quite.
"Hoy ikaw ha... Wag kang bastos kay Abby, naku sinasabi ko sayo. Hindi ka uubra dito." Babala ni Marie kay Ayano. I raise my eyebrow to him.
Tingnan ko kung magdedeny ka pang marunong kang magtagalog.
"Abby, marunong siyang magtagalog. Wag kang magpapaniwala sa kalokohan niyan." Banggit ni Marie sa akin.

I know but thanks anyway...

"Speaking of which, what is the meaning of... supot?" tanong ni Ayano sa grupo. Pinigilan kong matawa. He pronounce it wrongly... Mabagal ang pagkakasabi niya.
"Supot?" Nagtatakang tanong ni Diane mimicking his pronunciation.
"That's not how she said it..." Tinuro ako ni Ayano.
Tumingin ang buong grupo sa akin bago nagtawanan.
"You mean pare, supot?" Tanong ni Tristan. He pronounce it right.
"Yeah... what's the meaning of that?" Nagtatakang tanong nito dahil nagtatawan sila. Ako, I tried not to laugh. Poker face lang ako.

"It means... small." Marie replied. Nagmwestra pasiya ng maliit sa daliri nya.
"What?" Hindi nagets ni Ayano....Ang slow.
"And uncircumcised." Diane added.

Tumatango tango sila pero tawa ng tawa.
"Small and uncircumcised." Red repeated mocking Ayano.
"How dare you?!!!" Ayano asked me pero mukhang galit. Aba, di ba kapag nagalitsa joke meaning totoo?
"You are just telling me that I... I am..." hindi niya mabigkas bigkas ang supot...
"Supot." Renz helped him with the word pero mukhang nang-aasar lang din angpagkakasabi niya.
"... that, so I can show it to you isn't it?!"
"Oh please... hindi ko trip ang small size." I replied.
"Small is not the right word for my junk. And I know you are a lesbian... so what'sthe point of proving it to you." Pang-aasar pa nito.

"Lesbian ka?" Tanong ni Merjie sa akin.
"Girl, Malaki pa nga ang boobs ko sayo eh." I replied honestly. Pero mukhang naoffendsiya.

See, kaya wala akong kaibigang babae eh. Laging may drama.

----------------

A/N
Kayo ng bumasa ng tamang pronunciation sa SUPOT ha...

And I'm kinda need help for names...
Baka naman meron kayong magandang names for next generation ng stories.

Baka lang naman matulungan nyo ako...hahahaha

Beautiful Disaster (Complete)Where stories live. Discover now