Part 5 (Winter's Spell 2)

806 32 4
                                    

Pauwi na si James nung gabeng iyon ng bigla ay tinawag ko sya.

"Teka sandali.." tawag ko. Pero patuloy lang sya sa paglalakad nya. Palabas na sya ng gate ng mga oras na iyon.

"James sandali!" Sigaw ko. Saka sya tumigil sya sa paglalakad nya, pero hindi gumalaw. Parang isang minuto pa yata ang lumipas bago nya ko nilingon.

"James..?" Sabe ko sa kanya.

"Bakit?" Mahina nyang tanong.

"B-bakit mo ko pinuntahan dito sa men?" Tanong ko din sa kanya.

Bahagya syang ngumiti. "Para tignan kung.. okay ka na.." tipid nyang sagot.

Napalunok ako sa narinig na sagot nya. So ibig sabihin kaya sya pumunta rito para tignan kung okay na yung mga bugbog nya sa ken? Ang gulo nya ah... pero base sa itsura nya, parang sincere naman sya sa sinabe nyang yon.

"O-ok na naman ako" at pinilit kong ngumiti. "H-hindi na gaanong masakit.." sabe ko pa sa kanya.

Lumapit sya sa ken, tapos ipinasok nya yung dalawang kamay nya sa bulsa. Magulo ang naging tingin nya, may sandaling titignan nya ko, tapos titingin sya sa likod ko, o kaya naman sa kalangitan sa taas. Sabay balik ng tingin sa ken, at doon magfofocus ang paningin nya ng matagal. Syempre ako naman macoconscious at ilalayo ang tingin sa kanya, baka mamaya mapansin nya ang pamumula ng pisngi ko.

"K-kaibigan mo pa rin ba ko?" mahina nyang tanong.

Bumuntung-hininga ko. Gusto ko sanang sabihing pagdusahan muna nya ang ginawa nyang pambubugbog sa ken bago ko sya tanggapin ulit. Pero may ibang charming ang mukha at mata ni James na madaling tumunaw sa galit sa aking dibdib. Dahil nung nagkatinginan kami ng diretso ng mata sa mata, para kong naeengkanto na sumagot ng "oo, magkaibigan pa rin tayo.."

Sa likod ng isipan ko may maliit na boses ang kumokonsensya sa ken "napakacheap mo naman Demetrik.." sabe nito.

"Akala ko hindi mo na ko tatanggapin sa inyo.." malungkot nyang sabe.

Para namang nag-iba ang mood ko ng marinig na lumulungkot ang kanyang boses. Yon pa naman ang ayokong mangyari..

"Ano ka ba?" At natawa ko. "Magkaibigan tayo eh, magkumpare, syempre tatanggapin kita.. " at inakbayan ko sya. "Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa sa ken yun eh.." sabe ko.

Maang syang tumingin sa ken. "Naiintindihan mo?" Tanong nya. "Paano?"

"Ah eh.." nag-isip ako ng susunod kong sasabihin. "A-alam ko namang.. nagalit ka, kasi.. n-nakita ko kayo ng mama mo.." sagot ko.

Napangisi sya. "Hindi ah.. hindi yun ang dahilan.." sagot nya.

Ako naman ang nagtaka. "Eh ano?" Tanong ko. "B-bakit mo ginawa sa ken yun? A-anong dahilan mo?" Tanong ko.

Ngumisi sya. "Sa susunod ko na ipapaliwanag.. hindi mo kasi maiintindihan ngayon eh.. aalis na ko, hinahanap na ko ni mama" sabe nya pagkatapos.

At matagal kaming natahimik na dalawa.

"T-teka lang.." tawag ko ulit sa kanya ng makitang naglalakad na sya palayo sa ken.

"Una na ko Demetrik.." at ngumiti sya.

"S-sandali.. sandali lang James!" Sigaw ko.

At lumingon sya ulit sa ken.

"M-magkita tayo bukas.." nahihiya kong sabe.

Tumingin sya sa ken ng may pagtataka. Parang nagtatanong ng bakit. Pero maya maya nagbago sya ng ekspresyon.

"San mo gusto?" Tanong nya.

WinterWhere stories live. Discover now