Part 2 (The Lost and The Gift)

1.2K 37 3
                                    

Kung ang gusto nya ay makuha ang atensyon ko, fine, nakuha na nya.. at hindi lang basta attention ko ang nadala nya.. pati na curiosity .. excitement, kaba, at nerbyos.. hindi ko alam kung bakit ganun ang approach nya sa ken.. I mean gusto ba nya na sinususpense ako..? Hindi ba nya naisip na baka mamaya sa inis ko sa pakikitungo nya balewalain ko nalang ang interview na inaalok nya? Na hindi ko nalang pansinin ang pakulo nyang to?

O baka..

Baka naman alam na nya ang mga susunod na mangyayari, at alam na rin nya na makukuha nya ang loob ko?

Na parang sa huli ako pa ang maghahabol na makita sya?

Tulad nga ng nangyayari ngayon..

Napapikit ako. Tapos umusal ng konting panalangin kay God para tanggalin ang kaba at agam agam na nagsisimula sa dibdib ko.. hindi ko alam kung bakit at paano nalaman nung Eduardo na yun ang tungkol sa nakaraan namen ni Winter, pero isa lang ang sinisigurado ko, mukhang matagal na kong kilala nitong manunulat na to.

And I know.. isang bagay lang talaga ang kelangan kong gawin upang malaman ang kasagutan sa mga tanong ko.. ang makipagkita dito kay Mr. Eduardo Guillen..

-----------

"Boss ang dami mo palang ine-mail kay Mr. Eduardo?" Sabi ni Monique sa ken.

"H-huh??" Nakaramdam ako ng pagkapahiya nun. Bwiset, bakit nakalimutan kong idelete sa yung mga nasa sent items?? Baka mamaya maisip nya ako na ngayon ang gustong makipagkita dito kay Eduardo samantalang nung mga nakaraang araw ako itong parang nag-iinarte at ayaw pumansin dito.

"Ikaw boss ha.." pang - asar na sabi ni Monique.

"Loko! kahit basahin mo pa mga messages ko dyan walang ibig sabihin yan!" Sagot ko sa kanya.

Maya maya natahimik si Monique. Isa isa nyang binabasa ang mga sinend ko kay Eduardo kagabe. Yung gabeng una kaming nagpalitan ni Eduardo ng email, it was 2 nights ago. Kagabe sinubukan ko ulit syang padalhan ng mga messages. Unfortunately walang reply na bumalik sa ken.

"Sino ka ba? Bakit may alam ka tungkol sa nakaraan ko"

"Sumagot ka? Pano mo nakilala si Winter?"

"Pinapaimbestigahan na kita. Kapag nalaman kong matagal mo na kong sinusundan humanda ka sa ken!"

"Sino ka bang talaga? Anong balak mo sa interview na gagawin mo sa ken?"

"Pano mo nalaman yung bahay ni Winter at pati yung araw na nawala sya?"

Pagkatapos basahin ni Monique ang mga email ko, tumingin sya sa ken ng may paghihinala.

"Sino si Winter?" Tanong nito.

"May nagreply na ba?" Pag iiba ko ng tanong.

"Waley.." sagot nya. "sino si Winter? Inugatan na tayo parehas sa kwartong to pero parang.. wala akong alam na may kaibigan kang Winter" sabe ni Monique.

"Ah.. kaibigan ko sya dati.." sagot ko.

"Kaibigan o lover?" Nagsususpetsang sagot ni Monique.

Napalunok ako. "Naging lover ko din sya eventually.. pero.. ang tagal na nun.. kalimutan mo na.. ang bata bata ko pa nun.." sabe ko.

"Nawala sya? Sabe mo dito sa message pati araw ng pagkawala nya alam ni Mr. Guillen.. so san na sya napunta boss? Bakit nawala yung Winter" Tanong ni Monique.

"Eh.. hindi, kasi pumunta na syang America.. dun na kasi sila naninirahan ngayon kasama pati pamilya nya.. matagal na.." palusot ko.

"Niloloko mo ba ko? Ang sabe mo nawala eh? kung pumunta ng America ibig sabihin hindi nawala yon.. lumayo lang.. eh ang sabe dito nawala eh.. ano ba talaga boss?" Tanong nito.

WinterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin