Part 12 (A Sinner's kiss)

738 25 0
                                    

"Teka, ano to Demetrik? Talagang magtatagpo kayo ngayon ni James dito? Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong ni kuya Jigger.

Mabilis akong umiling. "Hindi ah! Nung nakaraan lang kami nagkakilala!" Palusot ko.

"Eh paano?" Tanong ni Jigger.

"Meron kasi silang paupahan.. tapos nung nakaraang linggo nagsimula silang umorder sa men ng mga lamesa, cabinets, tsaka ilang upuan.. yun.. kaya nakilala ko sya.. pati mama nya.." pagsisinungaling ko ulit.

"Eh bakit wala ka man lang nasabe sa ken na may bago ka na palang kakilala dito sa lugar natin? Hindi naman porket hindi babae ang nakilala mo hindi mo na kagad ikukwento.. dapat sinasabe mo pa rin.." sabe nya.

"Eh kuya.. hindi naman kasi kami magkakilala gaano nito ni James.. tsaka isang beses palang naman kami nagkikita.. pati ba yon kelangan ikwento ko pa rin sayo?" Bigla kong sabe sa kanya.

"Walangya ka! diba nga walang secret secret sa atin?! Pero kung ayaw mo ngang sabihin sige ayos lang.." sabe ni Jigger na may himig pagtatampo. "Ano ba kasing gagawin nyo ngayon rito?" Tanong nya.

Nag-isip ulit ako ng ilang sandali. "Ah.. ano kasi.. sya na yung magsasabe sa ken ng mga oorderin ng mama nya para sa paupahan nila.." alibi ko.

"Pero bakit dito? Sa ganitong lugar? Di man lang sa bahay nyo o kaya sa bahay nila?" Tanong ni Jigger.

"Eh kuya.. s-sandali lang naman kasi kaming mag-uusap kaya sabe ko kahit wag na sa kanila at.. at.." puta naubusan na ko ng kasinungalingan!

"Ako.. ako ang nagsabe sa kanya na dito nalang kami magkita.." biglang sumabat si Winter. "Dito kasi ko palaging tumatambay.. kaya sabe ko sa kanya dito nalang nya ko daanan.." dugtong nito.

Siguro dahil bago lang nyang kakilala si Winter at nahihiya pa syang magtanong dito, hindi na nagsalita pa si kuya Jigger. Sa akin na ito nagsalita ng sumunod.

"Well, ganun ba? Ahm.. Demetrik, hintayin nalang kaya kita hanggang matapos kayo dyan para sabay tayo makauwi?" Sabe nito sa ken.

Bigla akong kinabahan. "H-hindi na kuya! Mauna ka na! May iba pa kaming gagawin.. ahm.. pupunta pa ko sa kanila para makita yung pwesto na lalagyan ng mga muwebles.." naisip kong palusot. Thanks God at biniyayaan nyo ko ng utak na mabilis umisip ng kasinungalingan..

"malayo ba sa kanila?? Edi sama na ko, hintayin nalang din kita don.. hindi naman ako mainipin.." sabe nito.

"Wag na kuya.. wala ka namang gagawin dun!" Pagtanggi ko ulit. Pursigido talaga akong paalisin na sya para wala ng maisip pang gawing masama sa kanya si Winter, at ng sa gayon din, magkasolo na rin kaming dalawa, may mahalaga pa naman syang sasabihin sa ken.

"Kung gusto ni Jigger na sumama sa ating dalawa.. walang problema.." at ngumisi si Winter.

"Oh yun naman pa--" magsasalita palang si kuya Jigger ng bigla akong nagsalita ng malakas.

"Hindi!!" Nabigla rin ako sa lakas ng boses ko, pero pagkatapos nito bumalik naman ulit sa mahinahon kong tono.

"Kuya Jigger mauna ka na! Kita nalang ulit tayo sa bahay! Dun nalang tayo mag-usap.. wala ka naman kasing gagawin dito diba? Pwede kahit ngayon wag ka munang makigulo sa ken?" Sabe ko sa kanya.

Tinignan ako ni Jigger na parang nagsususpetsa, pero nababasa ko rin ang pagkainis sa mga tingin nyang yon.

"Halika ka nga rito saglit Demetrik.." seryoso nitong sabe.

Lumapit naman ako sa pwesto nya. Pagkarating ko dun, bigla kagad nya kong inakbayan ng mabigat sa balikat na parang ayaw bitawan at gustong lingkisin.

WinterWhere stories live. Discover now