Part 9 (Secrets)

768 27 2
                                    

Lumipas at natapos ang isang linggo na subsob kaming dalawa ni Monique sa trabaho. Paperworks dito, paperworks doon. Deliver ng folio dito, pirma ng folio doon. Nagkaroon pa ko ng business presentation report nung isang araw.. kaya naman wala na talaga kong naging pahinga sa loob ng linggong iyon, puyat ako ng mahigit tatlong araw, at maski si Monique damay din. Haaay.. feeling ko sasabog na talaga ang ulo ko dahil sa stress at kakaisip..

And then dumating nga ang Sunday . Tulad ng napag-usapan naming dalawa nung nakaraan, kaninang umaga ay sinamahan ako ni Monique na pumunta sa isang psychologist ng sikat na hospital sa Makati. Okay lang naman ang naging session namin, kaso tingin ko naging marahas yung specialist sa paghukay sa nakaraan ko at pagtanong ng mga possible causes ng nararamdaman ko. Of course hindi ko sinabe yung totoo.. sinasagot ko naman yung ibang mga tanong nya pero pag alam kong sabit na dito ang tungkol kay Winter, sinasagot ko nalang sya ng "hindi ko alam.."

Hanggang sa mairita yung psychologist at sinabe nya sa ken na parang nasasayang lang ang oras naming dalawa, kaya bumalik nalang daw ako doon kapag ready na talaga akong buksan ang sarili ko sa mga tanong nya. Umoo nalang ako at humingi ng pasensya, sinabe na marahil hindi pa talaga ko handang hubaran ang sarili ko mula sa aking nakaraan. Sinabe naman nya sa ken na may mga katotohanan talagang napakahirap sabihin sa iba, pero yun lang talaga ang tanging paraan para matulungan nya ko.

Sinabe ko nalang na babalik nalang ako dun pag kaya ko na.. tumango naman sya..

Habang nagmamaneho pauwi, wala kaming imikan ni Monique. Alam ko kung bakit hindi sya nagsasalita, kasi maski sya dismayado sa mga ginawa ko kaninang pagbabalewala sa tanong ng specialist.. naiinis din sya sa mga pag-iwas ko sa mga tanong nito.. kaya pakiramdam tuloy nya nasayang din ang maghapon nya para lang sa wala..

Paghatid ko sa kanila, dali-dali na kagad syang lumabas ng sasakyan ko.

"Night boss.." malamig nyang tugon.

"Good night din.." sagot ko. "Ahh... Monique.." tawag ko.

"Oh?" Lingon nya.

"Pasensya na.. " sabe ko.

Tumango ito. "Oo na.. sige una na ko.." sabe nito.

"Ahm.. tawag ako sayo mamaya..kakausapin kita pag nasa kwarto na ko.." sabe ko.

Huminga sya ng malalim. "Wag na! Bukas na.. masyado akong napagod sa araw na to.. para lang sa walang kwentang bagay.." ismid nito.

Napakagat ako sa labi ko ng marinig ang sinabe nya. Haaay.. hindi ko naman sya pwedeng sagutin sa sinabe nyang iyon at paano'y tama naman sya.. nasayang lang ang oras at pagod nya para sa wala..

"P-pasensya na bes.." mahina kong sabe sa kanya.

Tumingin sa ken ng seryoso si Monique.. matagal.. mga ilang segundo ang lumipas bago sya nagsalita.

"Boss anu ba talagang problema?" Tanong nya.

"W-wala.." sagot ko.

"Anung wala? Ha!? Anung wala? Limang oras tayo sa clinic at halos 100 questions ang naibato sayo ng psychologist ang tangi mo lang sagot

"ha?", "Ewan ko", "hindi ko alam", "parang", "yata", "hindi ko na maalala",

anung klaseng mga sagot yun? Boss mas gugustuhin ko pang masubsob sa office ng limang oras na full loaded ng paperworks kesa pakinggan ka kanina sa mga utal-utal mong sagot! Sayang ang oras.. Hindi na kita talaga maintindihan.. nakakahiya pa sa doctor kanina.." atungal ni Monique.

"Sorry.. pati ikaw nadamay sa kaartehan ko kanina.. wag kang mag-alala, sa susunod na magpaschedule ako ng ganyan sisiguraduhin ko muna kung ready na ko para naman hindi na masayang ang oras natin.. pasensya na talaga bes.." sabe ko sa kanya.

WinterWhere stories live. Discover now