Chapter4: Bubble and Chewie

685 23 3
                                    

Chapter4: Bubble and Chewie

Simula nung araw na 'yon, naging super close kami ni Ginno. Nakakatuwa lang talaga dahil para na kaming mag bestfriend. Pero syempre, hindi. May iba siyang bestfriend. At ako, si Celine lang ang bestfriend ko. Dalawang buwan na rin ang nakakaraan simula ng magsimula ang first day of school.

Filipino class ngayon at wala parin ang teacher namin. Kaya andito kami sa loob ng Filipino classroom namin. Nagkakagulo. Nakakatuwa pa nga dahil nagkaroon din ako kaagad ng maraming friends. Akala ko nung una, magiging loner ako.

Friday nga pala ngayon kaya naka PE uniform kami. At dahil nga bored kami dahil wala pa si filipino teacher namin, ang mga boy classmates ko, naglalaro ng chess. 'Yung iba, nagdadaldalan. 'Yung mga girls naman, nagkwe-kwentuhan lang din. Kasama na ako dun. Pero kanina, pinapanood ko si Ginno na maglaro ng chess. Ang galing pala niya. Palagi kasi siyang nananalo eh. Di pa siya natalo. Kaso ngayon, hindi na siya naglalaro eh. Naghahabulan na kami ngayon dito sa loob ng classroom.

"Aray!" reklamo ng isa kong kaklase.

"Oops. Sorry." sabi ko.

Nakikipag habulan kasi si Ginno. Hinawakan ba naman 'yung batok ko. Eh ang lakas ng kiliti ko dun. Tapos kinuha pa niya 'yung cellphone ko. Nung kinukuha ko naman, sabi:

"Habulin mo muna kasi ako. Hahaha!"

Pamusit talaga siya forever.

"Napapagod na kasi ako!" sabi ko naman. Pero syempre, joke lang. Hahaha.

"Lol. Hahaha!" sabi niya naman tapos binelatan pa ako.

At dahil mapilit nga siya, hinabol ko nalang. Natatawa pa nga ako kasi nababangga na namin mga desk ng classmates namin tapos pinapagalitan nila ako eh. Hahaha. Noong maabutan ko naman si Ginno, hinawakan ko siya kaagad sa batok tapos napaupo siya sa upuan sa tabi ng mga nagche-chess.

"HAHAHA! Tama na! Nakikiliti ako! HAHAHA!" sabi niya.

Pero di ko siya tinantanan. Kiniliti ko parin siya ng kiniliti. Pati ako tawa ng tawa kasi nakikita ko, nagluluha na siya eh. Hanggang sa...

"Uyyy! Sobrang cheesy! Ayieee~!" sabay sabay na sigaw ng mga classmates ko.

Nagkatinginan naman kami at nakita ko rin na nakahawak pala si Ginno sa kamay ko na parang tatanggalin niya 'yung pagkakahawak ko sa batok niya. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya hinatak ko kaagad 'yung kamay kong hawak niya saka ko siya tinadyakan at nakayukong naglakad papunta sa usual seat ko.

Pagkaupo ko naman doon, di rin ako nakaiwas sa mga pangangantiyaw ng mga katable ko. Sinusundot sundot pa nila 'yung tagiliran ko. Syempre, bilang babae, alam kong naiintindihan ako ng iba dyan kung bakit kinikilig ako. Maya maya, naramdaman kong may kumalabit sakin. Paglingon ko...

"Oh. Phone mo." sabi ni Ginno sabay kindat sakin.

"Kyaah! OMG! Ang cheesy! GinMirah for the win!" sigaw ng ilan sa mga kaklase ko.

Yumuko nalang ako at tinakpan ng buhok kong mahaba 'yung namumula ko ng mukha. Shit lang dahil halos matunaw na ako dito sa sobrang hiya. Pawis na pawis pa ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"MANAHIMIK! LECHE." sabi ng classmate kong officer kaya tumahimik kami.

Hindi siya ang peace officer namin pero nakakatakot lang dahil sa sigaw niya. Parang galit siya. Pero ganun talaga 'yan. Friends kami niyan at nakakatuwa lang kasi prangka siyang kaibigan.

**

Nandito kami ngayon sa library. Pinalabas kaming 15 dahil wala kaming assignment sa Math. Eh nakalimutan ko eh! Kasi naman. Leche si Ginno. Hindi na ako pinagawa ng assignment. Inasar lang ako ng inasar habang magka chat kami sa Facebook. Nabulok tuloy mga tanim ko sa FarmVille. Pero okay lang dahil nawawalan na rin ako ng gana maglaro nun. Nawawala na rin siya sa uso. At kapag nagpupunta ako sa computer shop, pakiramdam ko, parang simpleng tao nalang sakin si Jiro. Parang hindi na ako nakakaramdam ng kahit anong kilig at saya, di tulad dati. Parang simpleng kakilala at kapitbahay ko nalang siya. Posible ba 'yun? Hahaha.

Inside Feelings [2014] ✅Where stories live. Discover now