Chapter51: Waiting In Vain

263 11 1
                                    

Chapter51: Waiting In Vain

 

"Bakit ang lungkot mo?" tanong ng seatmate ko na si Benjie Pogi. Siya lang ang may sabi na tawagin ko siyang ganun.

"Wala."

"Bakit nga?"

"Wala nga. Kulit mo."

"Kapag hindi mo sinabi, ipagkakalat kong may crush ka sakin."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha ni Koyang para sabihin niyang crush ko siya ha? Take Note: nagbubulungan lang kami dahil nakakatakot ang English teacher namin.

"Hoy! Ang tapang ng hiya mo, Manong. Para sabihin ko sayo, walang wala ka sa crush ko." bulyaw ko sa kanya ng mahina, pero may diin.

Ngumisi siya at inilapit ang bibig sa tenga ko at bumulong.

"Sino? Si Ginno?" nakangisi niyang sabi.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasapak ko ng wala sa oras si Benjie.

"Aray!" sabi niya ng malakas.

Naagaw tuloy namin ang atensiyon ng buong klase. Lagot! Lagot kami kay Ma'am Barlis. Argh!

"You, two! What's going on?" tanong sa amin ni Ma'am.

Hindi ako sumagot. Nakayuko lang ako at nakapikit ng mariin habang naka-crossed fingers.

"Almirah? Why did you slap him?" masungit na tanong ni Ma'am sa akin.

Dumilat ako at dahan-dahan na iniangat ang ulo ko para tingnan si Ma'am na nasa tapat na pala ng table ko.

"K-Kasi po Ma'am... Ahm, a-ano po eh..."

"Wala po, Ma'am. Malamok lang po kasi dito. Pinatay niya lang po 'yung lamok na dumapo sa pisngi ko." singit ni Benjie na naging dahilan ng pagputol sa sasabihin ko.

Napatingin ako sa kanya bigla. Nakita ko na hawak-hawak niya ang pisngi niya na nasampal ko. Namumula ito. Bigla naman akong naguilty.

"Are you sure?" taong pa ni Ma'am sa kanya.

"Sure na sure po, Ma'am." sabi niya naman.

"Okay, then." sabi ni Ma'am at bumalik na sa harap upang ipagpatuloy ang naudlot na pagdi-disscuss niya.

"Phew~"

Napatingin ako sa kanya nang magbuntong-hininga siya.

"Akala ko, malalagot na tayo eh. Buti nalang matalino ako." dagdag niya pa.

Inside Feelings [2014] ✅Where stories live. Discover now