Chapter22: Hating Vacations

332 11 0
                                    

Chapter22: Hating Vacations

 

"Madaming bibili satin niyan sa itsura mong 'yan."

Nagulat ako ng magsalitang bigla si Ate sa tabi ko habang gumagawa ng assignments niya kasama ang pagka-kapal kapal nilang libro.

"Ang pangit mo, Almirah! Umayos ka nga." sabi ni Ate sabay irap sakin.

Natawa nalang ako bago tinanggal ang pagkaka-patong ng baba ko sa kamay ko. Nakahalumbaba kasi ako habang nakasimangot. Napaka boring ng bakasyon ko. Wala akong ibang ginawa kundi magtinda dito sa sari-sari store namin. Si Celine naman, nasa bakasyon. Haay. Buti pa siya.

"May iniisip ka no?" biglang sabi ni Ate. Pagkalingon ko sa kanya, nakita kong nakatingin parin siya sa libro niya na parang may binabasa. "Kawawa naman. Marunong kayang lumangoy 'yon? Ang lalim ng iniisip mo eh."

Hindi ko nalang pinansin si Ate. Padeep eh. Hindi bagay. Akala mo namang maganda. Haha! Joke. May itsura naman si Ate. Mas maganda siya sakin. Natural! Wala akong ganda na maipapakita sa madla. Maraming nagsasabing kamukha ko ang Ate ko pero I don't believe them. Maganda ang Ate ko, sabi nila. At ako. . . Pangit. But I just erase this on my mind dahil nasasaktan lang ako sa katotohanang naiisip ko.

"Ayoko na ng ganitong bakasyon. Ang boring! Sana lang, madiscover ko ang isang site sa computer or cellphone kung saan may free online reading ng mga stories. Ang boring eh." sabi ko naman kay Ate. Tumingin siya sakin ng matalim.

"Ayan 'yung libro ko. Basahin mo minsan hindi 'yung kung ano anong hinahanap mo." sabi niya. Inirapan ko nalang siya.

Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula nang huling araw na huli kong makita si Ginno. Simula nang matapos ang pagiging Sophomore High namin. Masaya ba ang pagiging Sophomore High ko? Masasabi kong, oo. Dahil nakakilala ako ng mas maraming kaibigan. Masasabi ko rin na, oo. Dahil nakilala ko si Ginno na nagpapakilig sakin ng hindi niya nalalaman. Pero mahirap. Masaya na mahirap. Mahirap at masakit dahil sa naranasan ko sa kanila. Pero tanggap ko naman na part lang ng pagiging High School students 'yon. Ang hindi maalis sa isip ko, hanggang sa kadulu-duluhang araw ng pagiging Sophomore High namin, hindi man lang namin naayos ni Ginno ang pagkakaibigang mayroon kami dati. Alam niyo ba kung anong naiisip ko ngayon?

Sana bumili si Ginno sa tindahan namin.

Ang weird no? Hahaha. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makausap si Ginno. Gusto kong ibalik 'yung pagkakaibigang mayroon kami dati. Pero alam kong kahit kailan, hindi na mangyayari 'yon dahil nagkaroon na ng lamat.

"Bata mo pa para mag isip ng malalim. Ang bata mo pa para mag isip ng isang tao lang. Marami dyan. Wag isa lang ang isipin mo. Nakakabaliw bunso. Maniwala ka." biglang sabi ni Ate.

Minsan, iniisip ko kung Nurse ba o mind-reader ang kinukuhang course ni Ate. Nagugulat nalang rin ako minsan, bigla siyang magsasalita. Natataon pa na kung anong nsasa isip ko, tungkol din dun ang bigla niyang sasabihin. Magsasalita palang sana ako pero biglang nag ring ang cellphone ko.

Albert calling...

 

Isa sa mga guy classmates ko na sobrang ka-close ko. Magaling siyang magbigay ng advice and at the same time. . . Bully.

"Hello?" sagot ko.

"Oy, Almirah! Kamusta?" sabi niya sa kabilang linya.

Si Albert. Siya 'yung lalaking hindi mo mapapagkamalan na boyfriend ng isang babae. Dahil wala lang. Ang hirap iexplain eh. Basta madali siyang maattach sa mga babae dahil ang sarap niyang kasama. Karamihan nga ng mga kabarkada ni Albert, babae eh.

"Eto. Maayos. Pero boredom is killing me! Hahaha. Ikaw?" sabi ko. Natawa naman siya sa kabilang linya. Natawa nalang din ako.

"Hahaha. English ah? Nagbakasyon lang, ume-english ka na. Sumusosyal pala ang isang tao kapag nagbabakasyon, no? Hahaha. Eto. Ayos lang din. Gusto kong gumala. Kasama ibang kabarkada. Gusto mong sumama?"

Second thing about Albert, maingay siya. Pero sapat lang. Minsan, nakakasakit ng feelings 'yung mga words niya pero at the end of the day, mapapaisip ka nalang at matatauhan ka dahil kahit harsh siya magsalita, matututo ka naman sa kanya. Tsaka, gala din 'yan. Parang Dora the Explorer guy version. Parang Go Diego, Go pala. Hahaha!

"Ayoko. Wala akong pera. Kayo nalang." sagot ko.

Naimagine ko naman bigla ang matatalim na tingin sakin ni Albert na tumatagos sa kaluluwa ko. Okay. OA lang ako. Hahaha.

"Kailan ba kasi nagkapera ang mga kuripot? Sabagay. Hampas lupa ka nga pala kaya wala kang pera." sabi niya sabay tawa.

Napahagalpak na ako ng tawa dahil kay Albert. Pumasok nalang ako sa kwarto para hindi ako pagalitan ni Nanay, Tatay at Ate. Ang ingay ko kasi.

"Napaka yabang nito. Hampas lupa ka dyan." sabi ko.

"Kainis 'to. Minsan na nga lang magyaya gumora eh!" sabi niya pa ng pagalit.

"Eh wala ngang pera. Ano kayang gagawin? Hahaha. Kita mo namang bakasyon, syempre, walang baon. Utak, pre. Utak. Hahaha." sabi ko sa kanya.

Nagkwentuhan pa kami at nag asaran ng ilang minuto bago napagpasyahan ni Albert na tapusin ang conversation namin dahil daw wala akong kwentang kausap. Hahaha. Napaka busit talaga.

Ilang saglit pa, napabuntong hininga nalang ako dahil bigla ko na naman naramdaman na may kulang. Humiga nalang ako at tinakpan ng unan ang mukha ko, hanggang sa maramdaman ko nalang na nababasa na ang unan ko.

I hate vacations. I really hate it. Kung 'yung iba, gusto ang bakasyon dahil mapapahinga ang utak nila sa pag aaral, ako hindi.

Kasi pinaparamdam sakin ng bakasyon na 'to na may kulang sakin. May kulang sa sistema ko. May hinahanap hanap ako.

Sa tuwing sasapit ang bakasyon... May namimiss ako.

Inside Feelings [2014] ✅Where stories live. Discover now