Chapter15: Christmas Party

356 14 0
                                    

Chapter15: Christmas Party

"Hoy, Mirah!" tawag sakin ni Kenneth mula sa likod. Pagkalingon ko...

"Argh! Leshe naman, Kenneth!" reklamo ko.

Hinilamos kasi sa mukha ko 'yung kamay niya eh.

"Ang arte nito. Regalo ko. Magpapasko na, ah?" tanong niya tapos sabay na kaming naglakad papunta sa classroom.

Christmas Party kasi namin ngayon. Aheheks~

"Wala akong pera. Abno." sabi ko sa kanya.

"Psh. Damot." sabi niya tapos ngumuso. Napangiti naman ako doon.

"Pero may ibibigay ako sayo." sabi ko tapos kinuha ko sa bag na maliit 'yung card na ginawa ko para sa kanila.

"Ano 'to?" tanong niya habang nakatingin sa card na hawak niya. "Mabubusog ba ako dito?"

Napairap nalang ako sa kanya bago hinablot ito.

"Wag ka na nga. Wala kang kwentang bigyan. Di ka marunong mag appreciate ng effort ng ibang tao. Leche ka poreber." sabi ko tapos ibinalik ko sa sling bag ko 'yung Christmas Card.

"Aish! Akin na nga. Niloloko ka lang naman." sabi niya tapos kinuha naman sa bag ko 'yung card. Napaka epal. "Kahit na ang pangit nito, salamat parin sa effort mo at salamat dahil naalala mo ako habang gumagawa nito."

Napangiti nalang rin ako ng makita na nakangiti siya habang nakatingin sa card na ibinigay ko sa kanya. Tumingin siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Mamaya ko nalang babasahin, ha?" sabi niya pa. Tumango nalang ako.

**

Nagsimula na ang mga palaro sa Christmas Party namin. Trip to Jerusalem, Family Appear, Stop Dance, Sock Race, Manila Paper dance chuchu, ewan. Hahaha, 'yung kainan ng mansanas habang nakasabit 'to, 'yung piso sa harina, at marami pang iba. Ang nilalaro ngayon ay...

"Sino sasali sa Pinoy Henyo? Choose your partners at magpalista kay Dari." malakas na sabi ni Michelle.

Agad naman na kinausap ng iba kong classmates ang mga gusto nilang kapartner. Ako, hindi na ako sumali dahil napapagod na rin ako. Sumali ako sa tatlong gamea at hindi naman ako nanalo kaya eto ako. Nakaupo at nanonood lang.

Nahagip naman ng mata ko si Hanna na kinakausap si Ginno. Siguro inaaya ni Hanna si Ginno na sumali sa Pinoy Henyo. Nakita ko naman na parang umaayaw si Ginno pero pinipilit ni Hanna hanggang sa tumango nalang 'to. Tuwang tuwa naman si Hanna na pumunta kay Dari para magpalista. Maya maya pa, nagsimula na ang game.

"Tao?"

"Hindi."

"Hayop ka. Ano ba? Hayop?"

"Oo."

"Aina! Tama no? Aina 'to nu?"

Gagong Jenre 'to. Ginawa pang hayop si Aina. Nagtawanan naman kaming lahat. Kaso in the end, tao sila kasi, hipopotamus ang sagot. Hindi nila nahulaan. Second si Michelle na walang kaalam alam na kasali pala siya. Kapartner niya 'yung may crush sa kanya na si Wesley.

"Gago ka, Wesley! Host ako! Hindi contestant!" reklamo ni Michelle bago tinampalan ni Dari ng papel sa noo. "Aray!"

"Ang diwara mo. Maglaro ka nalang." sabi ni Dari bago sinimulan na orasan ang dalawa.

"Tao?"

"Hindi."

Nagulat ako sa sinagot ni Wesley kay Michelle. Tao naman ah? MICHELLE nga 'yung nakasulat sa papel na nasa noo ni Michelle eh. Nagtititigan silang dalawa. Si Wesley, nakangisi. Si Michelle, nakatingin lang sa mata niya na parang bored na bored.

"Hayop?"

"Hindi rin."

"Bagay?"

"Oo."

Ay. Gago. Oo nga naman. Bagay sila.

"Kutsilyo?"

"Hindi."

"Boga?"

"Hindi."

"Itak?"

"Hindi rin."

"Dinamita?"

"Nope."

"Clue?"

"Mahal ko."

"Kyaah!"

Nagtilian kami sa sinabi ni Wesley. OMG lang talaga. Ang landi ni Wesley! Nakita ko naman na nag iwas ng tingin si Michelle bago sumagot.

"Dota?"

"Hindi."

"Oo eh! Mahal mo kaya ang dota!" bulyaw ni Michelle.

"Pero mas mahal kita."

"Kyaah!" tilian ulit namin. Natatawa nalang 'yung adviser namin na nanonood samin. Kaya lang...

"Engk! Time's up. Ang slow mo naman, Ms. President." sabi ni Dari sabay tanggal ng papel na nakapakat sa noo.

"Eh sa hindi ko alam ang sagot eh." sagot ni Michelle sabay irap. Si Wesley naman nakangisi lang.

Tumayo na siya at babalik na sana siya sa desk ng host of the game pero hinawakan ni Wesley ang kamay niya para pigilan. Pagkaharap ni Michelle, nagulat kaming lahat dahil biglang lumuhod si Wesley sa harap ni Michelle. Halata naman ang pagkataranta ni Michelle dahil tumitingin tingin na siya sa amin na parang nahihiya at nakikita na namin ang pamumula ng mukha niya.

"U-Uh. W-Wesley, tumigil ka nga. A-Ano na naman ba 'to?" kinakabahan na sabi ni Michelle.

"Michelle... Mahal kita. Kahit ano, gagawin ko mapatunayan ko lang na totoo ang nararamdaman ko sayo. Kahit ano. Hayaan mo akong patunayan sayo na mahal kita. Kahit araw araw pa kitang ligawan, okay lang. Please, Michelle... Can you be my girlfriend?" sabi ni Wesley habang nakaluhod.

"Kyaah!" sigaw ng mga classmates ko.

Ako? Hindi na ako nakisigaw. Ano ba 'yan. Ang corny. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa ganito. Young love lasts? No. Ang bata pa. Marami pang pwedeng mangyari pagdating ng mga taon. Marami pang pwedeng makilala kaya I don't think true love na 'to. Pero ang sweet lang. Nacocorny-han lang ako kasi naiinggit ako. Haha. Joke.

"Ayoko. Sorry." sabi ni Michelle bago hinila ang kamay niya na hawak ni Wesley at lumabas ng classroom.

"Aww." reaksiyon namin.

Nakakaiyak naman 'yon. May feels ako na gusto rin ni Michelle si Wesley kaya nagulat kami sa isinagot niya. Like... WTF? Anong nangyari? Chance na nila 'to, diba?

Tumayo na si Wesley sa pagkakaluhod at ngumiti samin bago umupo sa pinaka likod at tumingin sa kawalan. Nakita kong nanginginig ang labi niya na parang pinipigilan niyang maiyak. Shit lang kasi nakakaawa.

"Ahh. G-Guys, commercial lang 'yon. Sige. Kain muna ulit tayo bago natin ipag patuloy ang Pinoy Henyo Game. May 4 pairs pa tayo kaya wait lang kayo guys. Sige. Kain muna kayo dyan." pagkasabi ni Dari niyan, lumabas na siya ng classroom at tumakbo.

Sigurado akong susundan niya si Michelle dahil medyo bestfriends sila. At ako? Imbes na kumain... Sinundan ko nalang rin sila.

Inside Feelings [2014] ✅Where stories live. Discover now