Chapter 4

31.8K 431 59
                                    

CHAPTER 4

Luna

 

“Sis?” tawag sa akin ni Steff.

Kumunot ‘yung noo ko at dumukot ng isang chocolate chip. Isinubo ko ‘yon at saka nginuya.

        

    “Pahingi nga!” Sinubukan niyang dumukot ng isang chocolate chip pero inilayo ko ‘yon.

            “Ayoko! Sakin lang ‘to.” Tapos ay sumubo pa ulit ako ng isa.

            “Naku! Ang hirap nga naman kapag brokenhearted! Kawawa ‘yung supply ng pagkain.”

            “Tsk. Tigilan mo na nga ako. Saka bakit ba nandito ka? Bumalik ka na nga sa room mo!” pagtataboy ko sa kanya.

Mas lalo siyang tumabi sa akin. “Ayaw mo pa kasi ipasabi kay Papa Jessie na ikaw ‘yung mahal niya dati e. Saka, hoy, may five minutes pa ako no. Kaya dito muna ko sa tabi ng sis ko. Na-miss kita. Ayiiieeee!” Kiniliti niya ako ng mahina.

Hindi nga pala kami magkaklase ni Steff kasi magkaiba kami ng course na kinuha. Tourism siya samantalang ako ay Creative Writing. Well, hilig ko din kasing magsulat kaya ito nalang ‘yung kinuha ko. ‘Yung PC naman, syempre Music kasi doon yung field of expertise nila at saka parang kahit papaano’y magagamit nila kasi nasa music industry sila.

            Pero hanggang ngayon talaga ay hindi pa din ako makapaniwala na sumikat sila. Makulit na kung makulit. Basta ‘yon ang tingin ko. Hmp.

Nilukot ko yung plastic ng chocolate chip noong maubos ko na iyon. Nilagay ko sa bag ‘yung kalat ko. “Masaya na sila ni Kat ngayon sis. Hayaan na natin sila.” Alam ko, hindi bukal sa kalooban ko ‘yung sinabi ko. Parang lason na unti-unting pumapatay sakin ‘yung bawat salita na lumalabas sa bibig ko. “Ayoko nang manggulo pa.”

Ibinagsak ni Steff ‘yung parehong kamay niya sa table at humarap sa akin. Napatingin tuloy ‘yung mga classmate ko sa aming dalawa. “Hindi pwede, sis! Hindi ako makakapayag! Kailangan maging masaya ka ulit! Kailangan maging kayo ulit ni Papa Jessie!”

Napakamot ako sa ulo ko. “Ano ka ba, sis, ang ingay mo!” bulong ko sa kanya.

            “Wapakels! Bakit sila lang ba ang nagbabayad ng tuition dito?!”

            Umikot ‘yung mga mata ko. “Sabi ko nga.”

“Basta, sis! Hindi pwedeng hindi maging kayo ni Jessie!”

“Kita mo ngang hindi na niya ko naaalala e.” Napayuko ako. Ano ba ‘yan, affected na naman akong masyado.

Humampas na naman sa table si Steff. Nakita kong nagulat pa ‘yung iba kong classmates. Grabe, nakakahiya namang kasama ‘to Mukhang sa tatlong taong lumipas mas naging bayolente ‘yung babae na ‘to e.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon