Chapter 7

26.8K 379 46
                                    

CHAPTER 7

Luna

 

 “Sis, saan ang punta natin?”

Nag-spray ako ng pabango. “Sa mall.”

           

        “Waaah! Sama ko?” Itinaas pa ni Steff ‘yung kamay niya sa ere.

            “Hindi pwede, sis.” Inabot ko ‘yung bag ko at isinukbit ‘yung strap sa balikat ko. Umupo si Steff doon sa kama ko.

            “Bakit?” Nag-pout siya.

            “May kasama ko.”

            “Oh? Sino?” Halata sa boses niya na parang nagulat siya pero at the same time, nandoon din ang pagtataka.

            “Si Jessie,” matamlay kong sabi.

            “WHAAAAT?!” Tumakip ‘yung kamay ni Steff sa bibig niya. “Improving kayo, sis! Oh my gosh! Isa lang ibig sabihin niyan!”

            Pero bago pa man niya masabi ang gusto niyang sabihin ay inunahan ko na siya. “Nagpapasama lang siya sakin.”

Para bumili ng regalo para sa monthsary nila ni Kat.

            Kumirot bigla ‘yung puso ko.

            Minsan naiisip ko, parang mas okay pa sakin kung hindi nalang kami ulit nagkakilala pa. Kaysa naman na pagkatapos nang lahat-lahat, magkaibigan nalang ‘yung kinabagsakan namin.

            Masakit e. Nasasaktan ako. Parang mas hindi ko tanggap ‘yung sitwasyon namin ngayon. Kahit ba na sabihin nating ‘magkaibigan’ pa rin kami, hindi ko pa rin maiwasang higit pa doon ang maramdaman ko. Ang hirap pigilin ng nararamdaman. Para itong tubig na pinipilit mong huwag umapaw. At sa bawat pagpigil mo ay isang galos ang babalik sa’yo.

Best friend.

Parang tinik na tumutusok sa puso ko ‘yung salitang ‘yon. Parang lason na pilit pumapatay sa akin.

“Kahit na, sis! E bakit sa’yo siya nagpasama? May meaning ‘yon, ano ka ba!” excited na sabi ni Steff.

            “Hindi, sis. Nagpapasama siya sakin para,” napayuko akong bigla. “para bumili ng regalo sa monthsary nila ni Kat.”

            Silence.

            Tumingin ako kay Steff. Hindi siya umiimik pero nakaupo pa din siya sa kama ko habang nakakunot ang noo. “G*go ba siya?” seryosong sabi ni Steff.

            Napanganga ako sa sinabi ni Steff. “Sis, naman. Sasamahan ko lang naman–”

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Where stories live. Discover now