CHAPTER 36.2
Luna
Hundred Islands ▪ Day 1
5:58 PM.
May tumunog na bell. Dali-dali kaming pumuntang apat sa loob ng Dining Hall. Nakita ko ring naglalabasan na ‘yung ibang mga estudyante mula sa kani-kanilang beach houses. Noong nasa loob na kami, agad kaming kumuha ng upuan. Tatlong mahabang table ang nakaayos sa gitna ng hall. Hindi naman din kasi kami masyadong marami kaya sapat lang ‘yung space para saming lahat.
Nasa first table kami ni Steff at Kat, kasama ‘yung PC. “O, pare, bakit parang namatayan ka?” tanong ni Kevin kay Rio noong nakaupo na kaming lahat.
“Wala,” mahinang sabi ni Rio. “Huwag niyo nalang akong pansinin.”
“Tsk, si Sarah na naman ba, pare?” sabi ni Kevin. Nakarinig ako ng isang mabigat na buntung-hininga mula kay Rio. Hinanap ko si Sarah sa mga nakaupong estudyante. Ilang sandali pa’y nakita ko siyang nakaupo sa may dulo, walang katabi at siya lang mag-isa. Pati tuloy ako napahinga nalang ng malalim.
Si Sarah naman kasi e. Napaka-stiff pa rin ng personality niya. Hindi niya makita na... nandito lang si Rio para tumanggap sa buo niyang pagkatao.
May pumasok na mga waiter. Ibinaba nila isa-isa sa harapan namin ‘yung mga plato na may lamang pagkain. Pagtingin ko sa plato ko ay kumunot ang noo ko. “Anong luto ‘to?” sabi ko habang itinuturo ‘yung may sauce na karne.
“Ewan ko. Parang... kambing yata ‘to?” palagay ni Justin.
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?!”
Lumingon sa akin ‘yung PC, pati na din si Kat. “Bakit? May problema ba?” nagtatakang tanong ni Kevin. “Isla kasi ‘to. Baka delicacy nila ‘yung pagkain na ‘to.”
Napalunok ako at muling tumingin sa plato ko. Sa karne ng... ng... Ibinaba ko ‘yung kutsara’t tinidor ko. “Hindi ako kakain.”
“Ha?” tanong ni Justin habang ngumunguya pa ng kaunti. “Bakit?”
“Pft.” Tumingin kaming lahat kay Steff. At noong napansin niya na nakatingin kaming lahat sa kanya ay bigla siyang bumungisngis ng tawa. Napatingin pa nga ‘yung ibang estudyante sa kanya e. Tsk, nakakahiya talaga siya.
“O, bakit tumatawa ka, Babe?” tanong ni Kevin at parang siya ay natatawa na din habang pinapanood si Steff.
“Kasi, pft...” Pinunasan ni Steff ‘yung luha sa mata niya. Shemay, nag-tears of joy pa! “Hindi kasi kumakain ng kambing si sis. The reason? Tanungin niyo ko dali!”
Tiningnan ko ng masama si Steff. “Sis!”
BINABASA MO ANG
(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)
RomanceBOOK TWO OF MY DRUMMER BOY. Revised Edition © 2014. Can love still be the same after three years? Or is it too late to hope for the same old fairy tale?