Chapter 47.1

19.6K 268 9
  • Dedicated to April Santos
                                    

CHAPTER 47.1

Luna

 

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Nasilaw ako sa sinag ng araw. Nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Um, hindi yata. Parang medyo baba pa. Sa puson? Hay. Ewan ko ba. Yakap ko parin si Stitch. Tumingin ako sa likuran ko.... at saka napangiti.

            Ang cute matulog ni Jessie. Ang sarap kurutin. Nakadantay ang kaliwang braso niya sa tagiliran ko. Nakanganga ng kaunti ‘yung bibig nya at mukhang tulog na tulog siya. Mukhang pagod na pagod si Jessie. Pagkagaling kasi namin sa Hundred Islands, tumuloy na agad siya sa guesting o interview kagabi.

Bumiling ako para makaharap ako sa kanya. Nakatingala ako habang hinahawi ang kaunting hibla ng buhok sa noo niya. I ran my index finger along the curve of his black, delicate eyebrows, down to the bridge of his nose, to its tip, then finally to his soft lips. Ang pula ng mga labi niya. Kahit sinong babae ay mate-tempt na halikan siya.

I was drowned by that moment noong biglang may humawak sa kamay ko. Nagulat ako lalo na noong bigla akong yakapin ng mahigpit ni Jessie. “J-Jessie! Ano ba!” hirap na sabi ko kasi ang higpit talaga ng pagkakayakap niya.

            “Good morning din, Honey Ko.” Ngumisi siya sa akin. Tinawag kong muli ang pangalan niya. “Kay aga-aga, pinagpapantasyahan mo na agad ako. Tsk, tsk, tsk.” And he was there again, along with his irritating playful smirk.

            “Hindi ah! Kapal mo!” sabi ko naman. I struggled inside his arms. Hindi ako makawala.

“Naku, kunwari ka pa. Tara nga dito.” Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Jessie at ilagay sa ibabaw niya. Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw ako dahil sa pagkabigla.

“A-Ano bang ginagawa mo?!”

            “Gusto mo ba ng morning kiss, Honey Ko?” nakangiting tanong niya sa akin.

Ang lapit-lapit ng mukha niya. Nakakailang. “Ayoko!”

            “Hindi ako naniniwala.” Tapos ngumisi pa ang loko! Tsk.

            “Jessie!”

            “Hm?” nakangiting sabi niya.

            “Babangon na ko!”

            “Gusto mo ng kiss?”

            “Oo. Hindi! Ah! Babangon na kasi ako! Ang gulo mo!” Namula ang mukha ko dahil kung anu-ano na ‘yung lumalabas mula sa bibig ko. Um-oo ko sa kabaliwang tanong ni Jessie? Ano ‘yun, pinaglalaruan na ko ng subconscious mind ko? Ah, whatever.

            Tumawa si Jessie nang malakas at saka ako binitawan. Agad akong gumulong paalis sa itaas niya. Umupo ako at sinamaan siya ng tingin. Ibinato ko sa kanya ‘yung isang unan. “Nakakainis ka!” sabi ko. “Ang aga-aga, inaasar mo na naman ako!”

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Where stories live. Discover now