Prologue

10.2K 175 5
                                    


"I AM Helen of Troy! Launch a thousand ships for me!" Malakas na sigaw ng isang babae na sinundan pa ng malutong na halaklak. Hindi naman magkamayaw ang tatlong nakaputing male nurses sa paghabol dito. Kaunti na lang kasi ay makakalabas na ito sa isang ward ng St. Peter the Apostle Rehabilitation Center. Nang masukol ay kalmot at sapak naman ang inabot ng mga nurse mula sa pasyente.

Rea sighed watching the scene in front of her. Ang totoo ay nasanay na rin siya sa panakanakang drama na tulad noon sa loob ng rehab.

Lumapit sa kanya ang isang babaeng nakasuot din ng puting uniporme. "Pasensya na po, Doc Rea. Alam ko, pa-off duty na kayo pero busy po masyado si Doc Angelie sa kabilang ward. Hindi po agad makakapunta rito."

Isinauli ni Rea ang chart na hawak sa kausap na nurse at nginitian ito. "Okay lang. Mukhang kailangan na rin kasi talaga ng sedative ng pasyente natin." Pagkasabi ay dumeretso na rin siya sa medicating area ng station at inihanda ang gamot na iibigay sa pasyente.

According to the diagnosis of the patient's attending physician, mayroon itong Brief Psychotic Disorder. A mental disorder brought about by immense stress experienced by a person. Too bad, walang sinasanto ang mga mental problems. Kahit na ang isang magaling na professor tulad ng pasyente nila ngayon ay maaaring makaranas noon.

Nilingon niya muli ang pasyente. Akay-akay na ito ng mga lalaking nurse at ibinabalik na sa silid nito.

She heard the female nurse tsked. "Akala niya siya si Helen of Troy. Kawawa naman. Matindi po pala talaga ang epekto kapag nalaman mong namatay ang fiancé mo sa isang aksidente. Tapos malalaman mo pang kasama nitong namatay sa aksidente ang other woman nito na buntis pa. Hay grabe! Kawawa naman ang pasyente natin, ano Doc Rea?" Nabalot ng panghihinayang ang boses ng nurse.

"Yeah. Minalas lang talaga ang pasyente natin sa napiling lalaki." Sagot niya rito habang tinutungo ang kwarto ng pasyente hawak-hawak ang hiringgilya na may gamot.

Madalas kapag nakakaroon siya ng pasyenteng nagkaroon ng mental breakdown dahil sa relationship problems ay nare-realize niya kung gaano siya sa kaswerte sa kanyang nobyo.

Mikael, her boyfriend for three years is too perfect that he never gave her so much to worry about. Kahit na businessman ito at siya ang doctor, ito pa ang mas maalaga sa kanilang dalawa. Ni minsan ay hindi rin siya nito niloko.

Malas lang talaga ni Lucia at nagkaroon ito ng unfaithful boyfriend. Kung nagkaroon lang ito ng nobyo nang tulad sa kanya ay malamang hindi ito makakaranas ng ganoong kabiguan. At malamang wala ito sa rehab upang ipagamot ang karamdaman.

Pagkapasok palang niya sa kwarto ni Lucia ay bumugad agad sa kanya ang nanlilisik nitong mata. "I am Helen of Troy! I am beautiful!" Sigaw nito habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ng mga bantay na nurses.

She stepped in closer and looked at her patient. Walang bakas sa mukha nito ang pagiging isang literature professor sa isang tanyag na unibersidad. Magulo ang buhok nito at lukot ang damit na malamang ay dahil sa pagwawala kanina. Pero kahit ganoon pa man ay mababanaag pa rin ang ganda ng mukha nito. Isang mukha na pagmamay-ari sana ng isang matalinong babae na edad trenta lamang.

"Oo. Maganda ka, Lucia. Pero sa ngayon ay kailangan mo munang magpahinga. Bibigyan kita ng gamot upang makatulog ka." Her voice was calm and clear. Kahit wala sa katinuan ang pasyente kailangan pa rin nila itong kausapin ng maayos.

"You!" Singhal ng babae sa kanya. "You hideous ugly bitch! Get the hell out of my sight!"

Napailing na lang siya. Ang tawagin siyang 'hideous ugly bitch' ay hindi kasing sama ng 'mangkukulam' na siyang tawag sa kanya ng isa pa nilang pasyente sa kabilang kwarto.

SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon