Chapter 19

3.5K 125 22
                                    

REA...Rea, please wake up. I'm really sorry. I'm sorry.

Nakapikit man ay dinig ni Rea ang boses ng isang lalaki. Umiiyak ito at tinatawag ang kanyang pangalan. Pinilit niyang imulat ang mga mata ngunit tila napakabigat ng kanyang mga talukap. Gusto niyang kausapin ang lalaki ngunit unti-unti namang humihina ang boses nito. Hanggang sa tuluyan itong nawala.



"REA...Gising na..."

Nang minulat ni Rea ang mga mata ay agad niyang napansin ang isang babae na nakaupo sa kanyang tabi.

"Lynn?"

Napatayo ito sa kinauupuan at hinawakan siya sa kamay. "Rea! Mabuti at gising kana!"

She gazed around and realized that it was a very familiar set up. A hospital. At nang tatanungin na niya sana ang kaibigan kung bakit siya naroon ay agad bumalik ang kanyang alaala. She was driving back to the restaurant when she felt dizzy. No wonder she crashed.

"How bad is the accident? Did I hurt anyone?"

Umiling si Lynn. "No one's hurt except you. Nabangga ka sa isang puno. Good thing you were wearing the seat belt kung hindi ay baka tumilapon ka na raw palabas ng kotse."

Masama nga ang pagkabangga niya. Mabuti na lang din at wala siyang nadamay na tao sa aksidente. She might not live thinking someone else suffered because of her.

"I'm sorry sa kotse mo. You can use mine if you want." Nahihiya siya kay Lynn dahil parati pa naman nito iyong ginagamit.

"Ano ka ba? 'Yan pa ba ang iisipin mo? You almost died, Rea."

"But I didn't."

"You know what? Don't mind the car. Magpagaling ka muna. You got bruises all over the body. And worse, bali ang kamay mo."

Totoo nga pala ang kasabihang hindi masakit ang isang sugat hangga't hindi mo nakikita ito. It was only then that she felt the tenderness all over her body. Hindi rin niya maigalaw ang naka-cast na kaliwang kamay niya. Meron din siyang gasa sa noo.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" Nahimigan niya ang magkahalong pag-aalala at inis sa boses ni Lynn. Her friend must've been so worried.

She shook her head. "Hindi ko alam. I just felt sleepy inside the car. Pabalik na ako noon sa restaurant."

"Bakit naman bigla kang inantok? Hindi naman nangyayari sa'yo yun kapag nagmamaneho ka."

Nagkibit balikat siya dahil sa totoo lang ay wala siyang ideya.

"Ilang oras ba akong tulog? May naririnig na kasi akong lalaking tumatawag sa akin. Hindi kaya si San Pedro na 'yon?" She tried to lighten up the mood. Bakas pa rin kasi sa mukha ni Lynn ang pag-aalala.

Mukhang epektibo naman kasi ngumiti ang kaibigan. "You wish si San Pedro 'yun. Bakit? Sigurado ka bang sa langit ka pupunta?"

Nagsitawanan na lang silang dalawa. Sa totoo lang kasi ay masaya din siya. She really thought it was her end. May awa pa rin pala sa kanya ang Diyos at hindi pa siya kinukuha.

"You're knocked out for a six hours kaya kinabahan kami nang todo. At dahil doon, dadating pala ang parents mo. Di na ako makatiis. Tinawagan ko agad sila." Nasapo nito ang ulo na tila ba may naalala. "Speaking of tawag. Tatawagan ko muna ang mga kaibigan natin. Kanina pa ang mga iyon nag-aalala. Pupuntahan ko na rin ang nurses station. Ipapaalam kong gising ka na."

Naglalakad na patungo sa pinto ang kaibigan nang lumingon ito sa kanya. "Ang before I forgot, may bagong cellphone kang diyan sa mesa. Baka may gusto kang tawagan."

Kunot noo niyang nilingon ang bedside table at naroon nga ang isang puting cellphone. "Nasira ang cellphone ko?"

"Oo. Durog na durog sa aksidente. Kaya binili ka ni Kuya Mikael ng bago. Pasensya, ayaw papigil eh."

Doon na niya naalala ang huling pag-uusap nila ni Mikael. Tinawagan siya nito upang layuan si Jessica.

"So...nagpunta dito ang kuya mo at nalaman niyang nasira ang cellphone ko?"

"Ah. Hindi mo na siguro maalala. Pero siya ang naglabas sayo mula sa sirang kotse, Rea. Siya ang nagdala sa'yo dito sa ospital."

KADARATING pa lang ng mga magulang ay pinasalubungan agad siya ng mga ito ng katakot-takot na sermon. Naiintindihan naman niya ang nararamdaman ng mga ito. They were scared to loose their only child. Nang mahimasmasan ang mga ito ay saka lamang niya ito nakausap nang maayos.

Dumating din ang mga malalapit niyang kaibigan upang kumustahin siya. Pinapagaan ng mga ito ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng mga bulaklak, lobo at pagkain. Pero wala sa mga ito ang nais niyang makausap. Wala rito ang tagapagligtas niya.

Tumayo siya mula sa kinauupuang silya at kinuha ang cellphone na bigay ni Mikael na nasa ibabaw ng mesa. Susubukan niyang gumawa ng text message para dito. She has lots of questions for him pero hindi pa ito nagpapakita simula noong magising siya.

Tipa...bura...tipa ulit...

Hindi niya alam kung paano niya itatanong ang mga bumabagabag sa utak niya. Bakit ito nandoon sa mga oras na iyon? Paano nito nalaman ang lokasyon niya? Bakit ito nagkukumahog na iligtas siya? Mahal pa kaya siya nito?

Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip nang may lumapit sa kanya. "Okay ka lang?" Si Louie iyon.

Nakaalis na ang ibang mga kaibigan niya at ito na lang ang nagpaiwan. Umuwi na rin kasi ang mga magulang niya sa kanilang bahay dahil hindi pa ito lubos na nakakapagpahinga mula noong dumating kahapon. Si Lynn naman ay may trabaho pa kaya di muna makakadalaw.

"I'm fine. Bakit mo naitanong?"

"Tahimik ka kasi masyado. May masakit ba sa'yo?"

Umiling siya. "Wala naman. Pagod lang. Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? Baka pagod ka na rin?"

Humaba ang nguso nito. "Pinagtatabuyan mo yata ako eh."

"Over ka naman. Siyempre, ayoko namang pabigat sa inyo. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Diyan ka naman kasi napapahamak eh. Masyado kang independent. Ang sabi ko sa'yo sabay nalang tayo sa pupuntahan mo, eh ayaw mong pasama."

"Eh kung sasabihin ko bang si Jessica ang pupuntahan ko, sasama ka pa rin?"

Natigilan si Louie at biglang dumilim ang mukha. "Anong sabi mo? Si Jessica ang kausap mo bago ka naaksidente?"

"Oo. Kinausap niya lang ako tungkol sa isang property namin ni Mikael sa Tagaytay. Pabalik na ako nang maaksidente ako."

"Wala ba siyang sinabi sa'yo?"

"We only talked about the property. Yun lang."

"Rea, alam mo naman sigurong possessive si Jessica."

Kunot noo siyang tumango. "Bakit mo naman naitanong?"

"Si Jessica kasi—"

"Leave!" Isang malakas na boses ang tila kumulog sa buong kwarto. At ang may-ari ng boses na iyon ay walang iba kung hindi ang taong kanina pa niya gustong makita at makausap.

"M-Mikael..."

UPDATED! Please don't forget to comment and vote!

Tungkol sa ibang stories, itutuloy ko po silang lahat. Kapit lang mga bes! Fighting!

SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon