Chapter 13

3.3K 135 9
                                    

NAPANGITI siya habang binabasa ang text message ni JJ sa kanya. Nasa gitna na raw ito ng laot at kasama si Maggie. Nagpapasalamat ito sa kanila ni Lynn dahil sa binigay nilang ideya kung paano madadakip ang mala-tigre na abogadang love interest nito.

Masaya siya dahil nakatulong sila sa kaibigan. JJ has been a good friend and she's willing to repay him.

"Mabuti pa si JJ, masaya ang lovelife." Komento ni Lynn habang rinirolyo ang mga gawa niyang posters.

"Kung anong malas ko sa pag-ibig, ganun naman ang swerte ni JJ. Pero okay lang yun. Let's just be happy for—— Hoy babae! Ayusin mo nga 'yang mga posters at mukhang mapupunit na." Reklamo niya. Napansin kasi niyang walang ingat nitong rinorolyo ang posters.

Maagang nagpunta ang kaibigan sa bahay niya upang tulungan raw siya sa kanyang plano. Pero parang wala naman itong interes sa ginagawa. Halos mapunit na kasi ang laylayan ng mga posters na magdamag niyang tinrabaho.

"Oo na. Aayusin na." Sagot ni Lynn habang dinadahan-dahan na ang galaw.

Nakataas ang isang kilay niya at hinarap ang kaibigan. "Teka nga, bakit di ka mukhang seryoso diyan sa ginagawa mo? Akala ko ba tutulungan mo ako?"

Pinahaba ni Lynn ang nguso habang binubuklat ang isa sa mga poster. Malakas ang boses na binasa nito ang nakasulat roon.

"Independence Day Garage Sale. All my ex's gifts are for sale...One hundred peso per kilo?" Lumingon ito sa kanya. "Sino ba ang hindi mag-aaalangan dito? Ipo-por kilo mo ang mga regalo ni kuya sa 'yo? Seryoso ka?"

Nagkibit balikat siya. "Oo, naman. And I'm posting few more of this around the village." Parte pa rin iyon ng plano niyang kalimutan na nang tuluyan si Mikael. Susunugin na sana niya ang mga gamit na iyon kagabi nang makaramdam siya ng panhihinayang. Kaya imbes itapon ay naisip niyang ipagbili na lang iyon. Kikita pa siya.

"At aanhin mo naman ang pera na kikitain mo, aber?" Nakapamaywang si Lynn.

"Eh di pang-refund sa mga tissue na nagamit ko dahil sa pag-iiiyak ko dahil sa kuya mo. O di kaya pambili ko ng dogfood ni Harry. Ewan ko! Basta ang importante, maidispatsa ko na ang mga bagay na nagpapaalala sa akin ng kuya mo."

"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Hinawakan ni Lynn ang braso niya. Ramdam na ramdam niya ang pagkahati ng puso nito.

She smiled at her friend. "Oo, Lynn. It's time to move on. And stop being sorry too. Wala kang kasalanan."

Bumitiw sa kanya ang kaibigan. Kasabay noon ang pag iba ang hitsura nito. She seemed decided now. "Tutulungan kita, Rea. Saan ba 'to ipapaskil?"

Napangiti siya. "Sa lahat ng poste dito sa subdivision. Sa makalawa na kasi yan kaya dapat mabasa na ng lahat."

Ilang minuto pa ay lumabas na sila ng bahay at agad kinabitan ang unang poste na nakita.

"I wish I've done that before."

Sabay silang napalingon ni Lynn sa lalaking nagsalita. Nasa likod nila ito at mukhang binabasa ang poster. Naningkit ang mata niya at pilit inaalala kung saan niya ito nakita. The man looked too familiar.

"Hindi ba ikaw yung...?"

She was still skimming her memory when the guy answered. "Sa bar noong nakaraang gabi."

Napa-oh siya nang sa wakas ay naalala na niya ito. "I'm really sorry. I was rude to not even ask your name."

"Naiintindihan ko. Hindi rin naman tamang oras iyon para makipagkaibigan."

Matipid siyang ngumiti. "I'm Rea Karen."

"Louie."

Nagkamay silang dalawa. Ipinakilala din niya si Lynn. Naikwento na niya sa kaibigan ang nangyari noong gabing iyon kaya nababanaag sa mukha ni Lynn ang interes.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Are you living in this village or may kakilala ka?" Tanong ni Lynn sa lalaki.

"Oh yeah. Kagagaling ko lang sa bahay ng kaibigan ko nang makita ko si Rea. I just wanted to check if she's okay."

Wow. Iilang nilalang nalang kaya ang tulad nitong si Louie na may malasakit sa kapwa?

"I'm fine. Salamat." Sinagot na rin niya ang tanong nito.

"If you're really thankful, join me for dinner later." Walang kagatol-gatol na aya nito sa kanya.

"Ha? Dinner for what?" Ang bilis naman nitong makipagkaibigan. Dinner agad?

"I just want to know you more." Louie smiled widely.

Sa totoo lang, it has been a long time that she hasn't received invitation for dinner. Naninibago tuloy siya.

Lumingon siya kay Lynn hoping to get her reaction.

"It's just dinner. Meeting new friends. At saka sabi mo tinulungan ka niya. Repaying the favor would be nice." Ayon kay Lynn.

Ngumiti si Louie na tila ba kontento sa sagot ng kanyang kaibigan. "So, dinner at 7 o'clock later?"

Well, di rin naman masama ang ideyang dinner na 'yon. Mabuti na nga rin siguro para naman ma-redirect ang utak niya sa bagong mga kakilala at hindi na lang palaging naaalala si Mikael.

"Yes. 7 o'clock then."


Hello guys! Salamat sa paghihintay. Please do vote and comment. Love you all!

SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon