Chapter 22

3.5K 151 12
                                    

NAKAUWI man si Rea sa bahay niya, tila naglalakbay pa rin ang kanyang isipan.

And to where?

In Ithaca, Greece, where the hero of the story, Oddyseus, lived. According to Lucia, Oddysey is a story about the hero Oddyseus and his adventures on the sea. But more than that, it is also Oddyseus' struggles against overwhelming situations such as being captured by a possessive nymph Calypso, just to get home to his wife Penelope. Habang paulit-ulit na inaanalisa ang paliwanang ni Lucia, may namumuong sagot utak niya. Kung bakit binigay sa kanya ni Mikael ang libro kahit break na sila. At kung bakit pauli-ulit siyang pinapaalalahanan nito na basahin niya iyon.

Could it be that Mikael is trying to send her a message? Maaari kayang gusto nitong ihalintulad sa kanila ang kwento? Na ito si Oddyseus, si Calypso ay si Jessica at siya si naman si Penelope?

She shook her head. "Baliw ka na, Rea! Baliw! You're overanalyzing everything." Natutop niya ang bibig. "Oh my...nagsasalita na rin ako mag-isa. Baliw na yata talaga ako."

She has to straighten up her thoughts. Regalo lang talaga sa kanya ni Mikael ang libro.

Pero paano kung tama siya? Ibig sabihin noon nasa panganib si Mikael. At ang lahat ginagawa nito ay para sa kanya?

"Kalokohan." Kita mo naman siguro kung paano ka niya ni-reject diba? Mahal niya si Jessica. Huwag kang umasa, Rea! Mag-move on ka na.

Huminga siya nang malalim at pilit kinakalma ang sarili. Wala siyang planong matulad sa mga pasyente niyang nagkakaroon ng problema sa pag-isip dahil sa bigong puso.

Mabilis niyang tinungo ang kwarto at agad nagshower. She needed to cool her thoughts down and think rationally.

Nang matapos maligo at magbihis ay dumeretso na siya sa kusina. Hindi magandang kombinasyon ang maraming iniisip at gutom na sikmura. Nang marating ang dining area ay nagulat siyang may pagkain na sa ibabaw ng mesa. May note din na nakadikit sa ibabaw ng takip ng pagkain.

'What's a broken heart when you have delicious food? Eat well anak! Sorry we can't eat dinner together 'coz may emergency sa ospital. But we'll be back quickly.' Love, Mama.'

Napangiti na lang siya habang binabasa ang mensahe ng ina. Naging napaka-suportive at caring nito nang malamang naghiwalay sila ni Mikael. Hindi kasi niya tinago rito ang tunay na nararamdaman tungkol sa breakup. Alam nitong magpahanggang ngayon ay hindi pa siya tuluyang nakaka-move on.

Kumuha siya ng pinggan at kubyertos at nagsimulang lantakan ang inihandang pagkain ng ina. Pritong manok at pork adobo ang nakahain sa mesa. Lahat paborito niya. Tumayo muna siya upang kumuha sana ng ketchup nang biglang tumunog ang doorbell. Weird. Wala namang siyang ini-expect na bisita.

Pinuntanhan pa rin niya ang gate upang malaman kung sino ang naroon. At nang buksan na niya ang gate ay isang lalaki ang nakatayo roon.

"Louie?"

HABANG pinagmamasdan ni Rea ang mukha ng lalaki ay naalala niya ang kukunin sanang ketchup para sa fried chicken niya. May kung anong pula kasi sa mukha ng lalaki.

"Louie...Is that—" Hindi pa man siya tapos magsalita ay hinawakan agad siya sa braso ng lalaki.

"Rea..."

Sa isang iglap at natumba nito. Nagulat man ay mabilis pa rin niya itong sinaklolohan. At doon na niya nakita ang maraming dugo sa likod ng lalaki. And by the looks of it, mukhang nabaril ito.

"Oh my God, Louie, may tama ka!"

Mabilis niyang kinuha ang panyo na nasa bulsa nito at itinapal iyon sa sugat ng lalaki. She needed to stop the further bleeding until help arrives.

"Teka! Hihingi ako ng tulong. Sanadali lang." She tried reached for her phone inside her pocket using her broken arm and quickly phoned the village guards for help.

Napakahirap galawin ang baling kamay na naka-cast pero kailangan. Mabuti na lang at mabilis sumagot ang mga gwardiya at nangakong dadating agad.

"Sandali na lang, Louie. May darating na na tulong." Her hands are now red with blood due to her contact with the wound as she applied pressure on it.

"Rea...save her, please." Kahit nakapikit ang mga mata ay nagsasalita pa rin ito.

"Louie, don't talk too much. Save your energy. Help is coming." Kahit na kinakabahan ay pinakakalma pa rin niya ang sarili. Kailangan niyang mailigtas ang kaibigan ngayon.

"Rea... he...he loves you..."

Ano bang pinagsasasabi nito? Hindi kaya ito dahil sa matindi ang tama ng bala sa likod nito? "Shhh... Huwag ka na masyadong magsalita. Dadalhin na kita sa ospital."

"Rea...Mikael... Mikael loves you."

"W-What?!"


Please don't forget to Vote and Comment! Salamat!

Also, please like my facebook page: https://web.facebook.com/phrysadora/

or search nyo lang PHR Ysadora. Lalabas ang page. Please add me din as friend sa fb.

Salamat ulit! Aylabyu ol!


SWEET INTOXICATION: The Vodka DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon