Chapter 6

34.1K 1K 529
                                    

Chapter 6

Cheap

Colton's words are like a sniper and I'm the target. It shoots straight to my guts... Para akong binuhusan ng isang plangganang punong-puno nang kahihiyan.

Hindi ako nakasagot at kitang-kita ko sa mukha niya na walang halong biro ang sinabi niya. He said that not to annoy me but so that he could state a fact.

Humigpit ang hawak ko sa aking kutsara at tinidor. "Bakit mo alam ang lahat nang iyan?" Matalim ang titig na ipinukol ko sa kanya.

I don't like the way he used the pieces of information the he got from whoever-the-fuck-his-spy-is against me. Naiirita ako dahil sa lahat nang pagkakataon ay ngayon niya pa ito naisipang banggitin!

"Because I'm your brother, Beatrix."

Natawa ako nang pagak. "No, Colton. It's because you're always sticking your nose in my life! Akala mo ba hindi ko alam? May mga mata ka para isumbong sa'yo lahat ng mga ginagawa ko! Anong akala mo sa'kin? Kriminal?"

Lahat ay biglang natahimik... Tanging mga mabibigat kong paghinga lamang ang aking narinig. Both of my cheeks are turning red in annoyance and embarrassment.

Heto na naman. Ipinapahiya ko na naman ang sarili ko. Fuck me!

Colton's mouth slightly parted ngunit muli rin naman niyang itinikom ang kanyang bibig kasabay nang pag-igting ng kanyang bagang.

When no one dared to talk I did the best thing that I could do to save myself the humiliation... and that is to push my chair backwards, rise from where I'm seated, and walk away.

Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin nila mama ngunit 'di ko na lang pinansin. Nahihiya ako. Nahihiya ako kay Yael dahil kailangan niya pang makita iyon.

Nagmadali akong umakyat sa aking kwarto at pabagsak na isinarado ang pintuan. Pumikit ako nang mariin at tuminga saka isinuklay ang aking mg daliri sa aking buhok.

I bit my bottom lip. Every word that Colton said leaves this unexplainable pinch on my chest and ego.... Maybe it's because he was right.

Gano'n naman talaga 'di ba? Kapag pinupuna nila ang mga bagay-bagay sa'tin na hindi natin tanggap sa ating sarili ay nasasaktan tayo. When people smash the bitter truth about ourselves, our egos get bruised.

Noong grade 7 ako ay madalas akong magkagusto sa mga hindi ko kaklase dahil pakiramdam ko ay mas safe kapag ganoon.

Safe sa kahihiyan at hindi ko na kailangang mailang o kabahan sa tuwing nagrereport ako sa harapan.

Pero napaka ironic dahil ilang linggo lang ay kakalat na sa buong section na may gusto akong isang lalaki tapos ay makakarating iyon sa taong gusto ko.

And what always happen is they will try to hit on me the moment they know about my feelings towards them, they will start showing their interests in me.

And instead of being grateful I will start to lose interest. Their presence will start to irritate me. Hindi ko alam kung bakit gano'n. Hindi ko alam kung bakit ganito ako.

I don't like the idea of being liked back... I don't want to be the one who's being chased. I don't like knowing the end before it even begins. I want something unpredictable... something that could make my bones shake with excitement.

My mind and soul always crave for the wicked plot twist.

"Fuck!" Pasalampak akong umupo sa may desk ko habang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang eksenang ginawa ko kanina.

Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Yael— Yael na naman! I silently groaned before reaching for my phone. Hindi dapat siya ay iniisip ko! Nasa Angeles na 'ko! Si Brody ang gusto ko!

When We Collide (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon