Chapter 13
Goodmornight
3 PM ang oras ng duty ko pero 2:20 pa lang ay bihis na ako at palabas na ng unit para sigurado na hindi na ako aabutan ni Yael. Sigurado ako na 2:40 niya ako susunduin dahil hindi naman malayo dito ang ospital, wala man yatang kinse minutos ay makakarating na ako.
"Aalis ka na?" Halos mapatalon ako sa gulat nang pagkasara ko ng pintuan ng unit ni Colton ay ang kanya naman ang bumukas at kaagad niyang napansin ang uniporme na suot ko.
"Uhm... Oo e." I said, unsure.
"I'll just get the keys, wait for me here." Sabi niya at hindi na ako hinayaang makapag protesta pa dahil muli siyang pumasok sa unit niya at wala naman akong nagawa kung hindi maghintay dito. Hindi naman pwede na basta na lang ako tumakbo paalis.
Hindi nagtagal ay bumalik na siya dala-dala ang susi ng itim niyang vios at napalitan na ang t-shirt niya. Kanina ay asul ang suot niya pero ngayon ay nakaputing v-neck shirt na siya. Ini lock niya muna ang pintuan niya bago kami tuluyang umalis.
"Palagi ka na lang naabala." Sabi ko habang nasa loob kami ng elevator.
"Wala naman akong ginagawa." Iyan parati ang sagot niya saakin.
Tinignan ko siya. "Pero paano kapag meron na?" Paano kapag binisita siya ng girlfriend niya? Would he leave her for awhile para ihatid ako sa ospital?
"That depends if I have a flight to captain... Katulad na lang mamaya." sagot niya at tinignan ako.
"Hindi kita masusundo mamayang alas onse." He informs. I don't know but there's something in me that kind of feel low because of what he said. Hindi naman iyon dahil sa hindi niya ako masusundo. Bumukas bigla ang elevator at nauna na siyang lumabas ako naman ay humabol sa likod niya.
"Ilang araw kang mawawala?" Hindi ko mapigilang tanong.
"2-3 days. It depends." Sagot niya ng hindi ako nililingon at patuloy lang sa paglalakad.
Nang makarating kami sa loob ng vios niya ay bagsak pa rin ang balikat ko dahil mawawala siya ng dalawa hanggang tatlong araw at hindi pa siya sigurado doon. Hindi na ako nagsalita pa. I don't want to ask stupid questions. Hindi na rin naman siya nagsalita hanggang sa makarating na kami sa tapat ng ospital. I unfastened my seatbelt.
"Salamat ulit... Mag-iingat ka." Sabi ko ng hindi siya tinitignan. I was about to open the door pero bigla siyang nagsalita.
"What's bothering you, Beatrix?" Tanong niya bigla kaya awtomatiko akong napatingin sakanya. He's already looking at me.
I faked a smile again. "Wala... Ayos lang naman ako." Sabi ko at sinamahan pa ng pilit na tawa. "Sige, mauna na ako. Salamat ulit!" Pahabol ko pa bago tuluyang lumabas ng kotse niya.
God! Bakit kailangan niya akong tanungin ng ganoon? Hindi ba niya alam na mas lalo lang akong nahuhulog at nalulunod sakanya?
"Bakla!" Tawag ko kay Nick nang makita kong naglalakad siyang mag-isa. Hinarap niya ako at halos sakalin na niya ako dahil sa bigla-bigla kong pagtawag sakanya.
"H'wag kang maingay, leche ka! Kapag narinig ka ng Papa ko..." Pagbabanta niya saakin sa mahina ngunit mariin na boses.
"Nandito ba siya?" Gulat kong tanong. Pulis kasi ang Papa ni Nick at hindi pa nila alam sakanila na isa siyang gwapong miyembro ng LGBT community.
"Oo, na confine kasi ang lola ko dito," medyo kumalma na ang boses niya. "Teka, bakit ka ba bigla ka na lang sumusulpot!?" Tumaray nanaman ang kanyang mukha at sinamahan pa at inirapan pa ako. Hindi naman kami masyadong close ni Nick pero nakakasama ko rin siya minsan dahil kay Kaye.
BINABASA MO ANG
When We Collide (When Trilogy #1)
RomanceBeatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto niya ay kaagad lamang siyang nagsasawa. Especially when it comes to guys. Her type are the snob ones, pero sa tuwing binibigyan siya ng atensy...