Chapter 17
What The Fuck
"Uhm, kailan pala ang balik mo?" I asked while unfastening my seatbelt.
"Sa sunday pa." Sagot niya. Lihim akong napangiti. Day off ko sa linggo.
"Oh... usually mga anong oras ka nakakarating sa airport kapag umuuwi ka na?" Pasimple kong tanong sabay kagat sa aking pang-ibabang labi. Dang. You're doing good, Trix.
"I don't actually have a usual time for that... pero siguro sa Sunday mga bandang alas siyete ay nasa airport na ako. Bakit?"
Ngumiti ako sa kanya sabay iling. "I'm just curious... hindi ko kasi alam since hindi naman kami madalas magkasama ni Colton." Pagdadahilan ko na lamang.
"Uh, sige na... papasok na ako. Mag-iingat ka!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango siya. "You too." Aniya. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko habang pababa ako ng Vios niya.
"Ang saya mo ah!" Puna ni Nick sa akin.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Syempre... May nalaman ako!" Sabi ko.
Maarte siyang nagulat kunwari. "Ano? Break na ba yung fafa mo tsaka yung jowa niya?" Aniya.
Mabilis akong umiling na may kasamang ngiwi. "Hindi, walang ibe-break dahil hindi naman naging sila! OMG bakla!" Masaya kong balita.
Kumunot ang noo niya. "Huh? E bakit sabi mo dati may girlfriend 'yang fafa mo..."
"E, akala ko rin dahil tawag niya sa babae 'Honey' ngayon pala ay pangalan lang pala no'ng babae 'yon." Pagkukwento ko.
"Hay nako. Estupida talaga..." Gigil niyang bulong habang hinihilot ang kanyang sentido.
Sumimangot ako. "Aray, Nick ha?" Kunwari ay nasaktan pa ang damdamin ko.
Inirapan niya naman ako. "Edi congrats na lang." Sarcastic niyang sabi.
Ngumiti naman ako nang matamis kahit na sarcastic ang pagkasabi niya.
"Thank you, Nickolas!" Sabi ko. Muli niya na naman akong inirapan.
Hindi ko alam pero bakit tila ba nakapabagal ngayon ng araw. Ang bagal matapos ng biyernes. Kung pwede nga lang na linggo na kaagad bukas e.
Excited na akong mag sunday dahil gusto kong sunduin si Yael sa airport. Gusto kong makita kung ano ang hitsura niya kapag naglalakad siya sa airport suot ang uniporme niya.
Nang mag sunday na ay tila parang ang oras naman ang bumagal. Ang tagal mag alas siyete! Nalinis ko na ang buong unit ni Colton at napa laundry ko na rin ang mga damit.
I even bought a box of doughnuts in Krispy Kreme para kainin namin mamaya ni Yael pero parang ang bagal pa rin talaga ng oras.
Pero sa tuwing nandiyan naman siya ay tila ba bumibilis ang oras. Iyong tipong parang gusto mo na lamang hatakin pabalik ang mga bawat minutong lumilipas ngunit hindi mo magawa.
That's way too impossible. Siguro ito 'yung hindi nabibili ng pera—oras. Kahit anong gawin mo kapag nangyari na ay hindi mo na maibabalik kahit lumuha ka pa ng dugo.
5:30 na nang maligo ako at mag-ayos. High waist denim shorts lang ang suot ko at isang halter top. Saktong 7 nang makarating ako Clark International Airport. Hindi ko alam kung saan ako mag-aabang, pero pinili ko na lang pumasok. Tumayo ako doon sa gilid at inabangan ang mga dumarating.
Mga 7:30 na nang may makita akong mga flight attendants na may dala-dalang maleta. They're working in the same airline as Yael and Colton. I can't deny the fact that men flight attendants are good looking too pero nakakapanibago lang dahil hindi ako nakaramdam ng atraksyon kagaya ng dati.
BINABASA MO ANG
When We Collide (When Trilogy #1)
RomanceBeatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto niya ay kaagad lamang siyang nagsasawa. Especially when it comes to guys. Her type are the snob ones, pero sa tuwing binibigyan siya ng atensy...