chapter 3

16 3 1
                                    


(a/n: so ayun, paiikliin ko nalang yung name nila kasi nakakaimbyerna yung nag isip ng pangalan na super haba kainis. Haha so ayun super haba din ng chapter 2 ko kaya paumanhin, kung ano ang ikinahaba ng 2 ito naman ikinaikli ng chapter 3 adios~

Natalie pov

*cafeteria*

"alam mo bang mas malulusaw ako kesa sa ice cream na kinakain ko?" sinamaan ko lang siya ng tingin sabay kagat sa ice cream na hawak hawak ko

"ay sorry, hindi lang kasi ako makapaniwala na nandito ka" james

"diba sabi ko sayo na lilipat ako dito, hindi ka kasi naniniwala sa sinasabe ko"

"malay ko bang hindi ka seryoso, isa pa nagalit ka kaya sakin kaya akala ko d—" james

"madaming namamatay sa maling akala alam mo yun?" ako sabay last bite sa ice cream ko

"hindi ka ba masaya kasi nandito ako?"

"h-huh?"

"hindi ka ata masya, sige aalis na lang ako"

Tumayo ako pero nahawakan niya agad yung braso ko

"ito napaka bilis mong magalit, wala pa nga ako sinasabe"

Bumalik na lang ako sa pag kaka upo

"hindi mo ba kakainin yang ice cream mo?" tanong ko habang nakatingin sa ice cream niya, nilapit niya lang sakin to at ngumiti ako ng napaka lapad

"yiiiee thank you" sabay subo sa vanilla ice cream na binigay niya

"james"

napalingon kaming dalawa sa tumawag ng pangalan niya pero ako binalik ko ang atensyon ko sa ice cream. Bess sa school namin wala to T.T mahirap lang po kami

tuloy lang sila sa pag uusap, di ko nga alam pinag uusapan nila kahit nasa harapan ko sila kasi busy ako okay, minsan lang ako makipag date sa ice cream ko.

"hi natalie, im lance by the way" sabay abot ng kamay

Sinamaan ko ng tingin si james, senyas ko na ayoko ma istorbo pero nilakihan niya ako ng mata na ibig sabihin makipag shake hands ako. Huminga ako ng malalim at binaba ang hawak kong kutsara

Within seconds ngumiti ako kay lance

"hi lance, nice to meet you" ngumiti lang ako ng inosente

Tinitigan ko siya ng matagal, singkit mata niya, Moreno ang balat, matangkad, broad ang shoulders at yung mga lips niya kissable pero di gaano red.. pinkish lang. gwapo siya in short

"ako naman si peter, matagal ka ng kinukwento sa amin ni james kaya parang pamilyar ka sa amin"

"ganun ba?" tumingin ako kay james at napalunok lang siya ng laway "wala naman siyang nakekwento sakin about sa inyo"

Ngumiti lang din ako sa kanya, pati siya ganun din. Hala ! ang cute niyang ngumiti !!! parang bata kung ngumiti yung nawawala yung mata tas yung ngiti niya sa labi urgh! Basta ang cute. His hair is black, black literal, mas maputi siya sa akin, like lance and james broad din ang shoulder niya dag dag mo yung jaw line niya bes.

*pekeng ubo* *pekeng ubo* james

Di ko namalayan na nakatitig na pala ako ng matagal sa kanya kaya binalik ko ang atensyon ko sa ice cream.

Umupo sila sa tapat naming dala dala ang pag kain nila

"bakit ka pala lumipat dito?" lance

"oo nga, di naman ganun kaganda background ng school. At yung school mo dati balita ko palaging top 3 ng best school dito sa cavite" peter

"hmmm.. ayoko lang dun. Nakakasawa kasi puro acads, last year ko na kaya gusto ko mag saya"

"nakaka stress ba pag palagi kang number one?" lance

"bakit? May balak kaba lance mag one?" james

"asa, nag tatanong lang to.." lance sabay turo ng energy drink kay james

"as if naman na kayanin ni lance yung pressure hahaha" peter

Tumawa lang din si james

Nakita kong pumasok ng cafeteria si Adrian at nakita niya akong nakatingin sa kanya at lumapit sakin. May kasama siyang dalawang babae at isang lalake, medyo di ko pa kilala at sina james, lance at peter palang kilala ko

"hi natalie, di ko ineexpect na ka section pala kita" Adrian

"ako din eh " nginitian ko lang siya

"hm? Siya ba yung sinasabe niyong natalie lance?" tanong nung babae habang kumakain ng chips

Medyo madaldal pala tong si james pag dating sakin, ano ano naman kaya kinukwento nito about sa akin sa kanila?

"oo siya yun, wala ka ng pag asa Miyo kaya sumuko ka na" tumawa lang ng nakakaasar si lance

"lance tigilan mo nga" james

Tumingin lang ako sa babae ng walang ekspresyon sa mukha at siya naman ang sama ng tingin sa akin, yung tipong mangangain? Sige mag kainan tayo dito baka talo ka ate girl

"tss."  Sabi niya sabay alis

"o-oy miyo. Joke lang yun! Uy!" lance

"yan napapala ng mga taong pabibo tsk" peter

"sayo pa talaga nanggaling yan ha?"

lumapit naman sakin ang isang babaeng payat pero slim ang katawan, maikli lng buhok niya pero magandang tignan sa kanya

"hi natalie ako nga pala si Claire, treasurer ako sa students council."

"hello Claire" maikling bati ko, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin eh. Alien po ako

" alam mo kung ako sayo pag sabihan mo yang boyfriend mo, masyado kasi playboy at kung sino sino nilalandi dito sa school" Claire

a-ano? Boyfriend? Sino? James?

umayghad !!! IM SHOOOOK O.O

"pssssst...Claire shutuuup!!!"

Tumingin ako ng nakakaloka kay james

"boyfriend?" tanong ko na nag pipigil ng tawa

"si james, boyfriend mo siya diba?.. or hindi"

Umiling lang ako at hindi makapaniwala sa mga sinasabe nila

Huli ka Mr. James Taylor, walang baho na hindi lumalabas HAHAHAHAHA

"ano ka ba Claire, sa tuwing mag kekwento nga yang si james tungkol kay natalie kinikilig pa eh. Kalat naman ata sa room ..." lance

"pinagmamalaki ka pa nga niyan sa room eh. Kung alam mo lang" Claire

"ay oo, meron one time may dumaan na chix sa amin tapos bigla niyang sasabihin 'tss. Mas sexy pa jan natalie ko HAHAHAHA. Eh wala naman kaming sinasabe" peter

"nako kung alam mo lang kung gaano ka obsess sayo yan"

Alam niyo yung feeling na mahirap mag pigil ng tawa pero kailangan???

Nako Taylor, all this time ako pa din pala. Pero PFFFFFFFFFFT !!!! HAHAHAHAHAHA bakit ganun ntatawa talaga ako?

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

"tara time na" yaya ni Claire

Tumayo kaming lahat at di nag sasalita si james na tumayo din at nauna sa pag lakad. Binilisan ko ang lakad para masabayan ko siya at kumapit sa braso niya...

Bakit feeling ko masarap mang asar ngayon? ^^

"babe bilis baka malate tayo sa klase" sabay wink

Nanlaki mata niya sa ginawa ko at hinila siya papuntang classroom

Medyo nakakalayo na kami sa kanila binulungan ko siya

"napaka assuming mo kahit kelan... BABE?!"

Savage Twin SistersWhere stories live. Discover now