chapter 5

9 2 0
                                    

Emily Jane Martinez POV

SIMULA nung araw na pumunta ang kakambal ko dito sa school hindi ko na siya nakita. sinasabe ni manong yung driver namin na hinahatid naman niya si Natalie sa school tuwing umaga. pero simula din ng araw na yun, madaming nagbago. madaming naiinis sa ginawa kong panggagaya pero may iba naman na mas mabuti na pinalitan ko siya. di ko naman talaga ginusto na palitan siya, kumukuha lamang ako ng impormasyon. 

"jane..."

di ko namalayan ang paglapit sa akin ni Athena. tinignan ko lang siya at nag iintay ng sasabihin

"pinapatawag tayo ni Miss Ruby sa principals office ngayon na.."

tumango ako at inayos ang gamit sa lamesa ko bago ako tumayo at sabay kaming naglakad papuntang office


"bakit anong meron?" tanong ko

"may event siguro tayong gagawin. kailangan tayong sc" paliwanag niya

di na ako sumagot at pumasok na kami agad sa loob


"good morning po" bati ni athena sa principal


hindi uso sa akin ang pagbati, pero marunong naman akong gumalang sa nakakatanda sakin.


"tamang tama nandito na kayo, pag usapan natin ang gaganapin na christmas tree lightning ngayong december"

tahimik kaming dalawa na nakikinig sa paliwanag ni Miss Ruby

"so bilang grade 10 student's, at kayo na din naman ang mamumuno, pag usapan niyo ng bawat president ng section ang idea nila patungkol sa gagawin na christmas tree. within this week kukunin namin ang ideya niyo about dun"  paliwanag ni Miss Ruby

"sir paano po yung mga parol na gagawin ng by section?" athena

"patapos na din naman kayong grade 10 diba? may mga subject kayong gagawa ng parol meron din sa pag gawa ng christmas tree"


tumango tango lang kami bilang pag sang ayon, tumingin sa akin si Miss Ruby bago mag salita

"ikaw miss Martinez, bilang president ng student council anong ma susuggest mo?"

napatingin ako sa kanya, dahil sa totoo lang walang laman ang utak ko ngayon kasi ang aga pa para pag isipan yang mga problema.

"mas maganda kung simple"

maikling sagot ko, bumuga lang si miss Ruby ng hangin at nag sabi pa ng ilang reminders tsaka kami pinalabas. humiwalay na sa akin si athena pag labas ng office dahil may pupuntahan daw siya saglit kaya ako na lang mag isa umakyat. habang nag lalakad sa hallway, madaming mata ang nakatingin sa akin, at mga bulungan na naririnig ko din naman. 

"siya ba yun?... diba siya yung sc president?"

"oo bess.. kapatid nya talaga ang sc"

"peke, porket madami lang na achieve ang kapatid niya inagawan niya agad"

"balita ko pati si Liam inaga--"

nanlaki ang mata nila ng makita ako sa harapan nila. tinaasan ko sila ng kilay at tinignan ang patch sa may kwelyo


"grade 9?" napa smirk lang ako bago magsalita

inayos ko ang ribbong niya at tinignan sa mata ng matalas

Savage Twin SistersWhere stories live. Discover now